His side
Kean's point of view
"Hanggang kailan ka naka leave, Kean?"
Hindi ko tinignan si Carla. Nagpatuloy lang ako sa pag-inom ng kape ko. Sa totoo lang naiinis ako na nandito siya sa bahay habang naka leave ako. This should be my time for my family, not for work.
"Kean, I'm just doing my job so don't be mad at me." pumunta pa siya sa harapan ko para makita ko siya. "Hinahanap ka na ng mga boss pati ng mga directors. Alam ko na may pinag-dadaanan ka pero sana kahit 'yong ibang commitments mo, magawa mo."
Tumayo ako at tinignan ko siya. "Hindi mo ba maintindihan na malala na 'yong lagay ni Hailey? Paano ako makakapag trabaho ng maayos kung 'yong kapatid ko nanghihina sa ospital?"
"Kean, I'm sorry. Sana maintindihan mo na ito lang 'yong inuutos sakin ng mga boss at kapag hindi ko nagaawa 'yong mga pinapagawa nila, mawawalan ako ng trabaho."
"Just tell them, I'll go back to work when my sister is okay."
Hindi na ako nagsalita pa. Umalis na lang ako don dahil ayoko na din naman na mag-away pa kami ni Carla. I know she's just doing her job but sometimes I can't help but to put my frustrations to her.
Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa kwarto ko, humiga na ako sa kama ko. I'm so tired. Physically, mentally and emotionally. I just want all of this to end. Pagod na pagod na ako. Can I be happy just for once?
Wala pang isang oras akong natutulog, biglang kumatok si Carla sa kwarto ko. Wala pa ako sa hulog kaya medyo mainit ang ulo ko pero pinapaklma ko ang sarili ko. "Why are you here again?" Hindi ko na naitago ang pagkairita ko. "I'm sleeping, just go back when I'm done."
Tatalikuran ko na sana siya pero may bigla siyang sinabi na nakapagpatigil sakin, "Tungkol 'to kay Keila," biglang nawala 'yong init ng ulo ko at napalitan 'yon ng pag-aalala. Marinig ko ang pangalan niya pakiramdam ko hindi na ako mapakali. "Pinasara na ng health officers 'yong cafe niya. May nakitang ipis at daga daw sa kitchen." sinara ko 'yong kamao ko. Nakaramdam ako ng galit, matinding galit. Parang gusto kong manapak ng tao. "Kean, relax ka lang. Aalamin natin kung ano ba talagang nangyari at kung ano ba talagang totoo."
"Paano ako mag re-relax sa sinabi mo? Importante sakanya 'yong cafe na 'yon at sigurado ako na dahil sakin kaya 'yon nangyari." Lumayo ako kat Carla, sinuntok ko 'yong pader sa sobrang galit. Kitang kita ko sa mata ni Carla 'yong takot. Kailangan kong gawin 'yon. Kailangan kong ilabas 'yong galit ko. Wala na akong pakialam kung dumudugo na 'tong kamay ko.
Hinabol ko 'yong hininga ko. I can feel so much anger right now. Iisa lang talaga 'yong taong pumapasok sa isip ko ngayon. Siya lang 'yong may malaking galit kay Keila. Siya lang din 'yong may kakayahan na gawin 'to sakanya. Hindi pa din pala siya nadadala. Damn her.
"Asan si Krystal?"
Nagulat si Carla sa tanong ko, hindi niya alam kung anong sasabihin niya. "Ah.. nasa.. nasa office siya."
"Pupuntahan ko siya." kinuha ko agad 'yong susi ng kotse ko at nag madali akong pumunta sa office ng babaeng 'yon. Hindi ako pwedeng magkali na may kinalaman siya sa mga nangyayari. "How dare her." bulong ko sa sarili ko. Kung hindi lang siya babae, matagal ko na siyang nasaktan.
Pumunta ako sa office namin at dumiretso ako sa office ng Daddy ni Krystal. Nandon siya at nakikinig ng music. Kung tignan niya ako parang inaasahan na talaga niya darating ako. Hindi na talaga ako pwedeng magkamali, may kinalaman siya kung bakit napasara 'yong cafe ni Keila. Paano niya nagagawa lahat ng 'to?
"Hello, Kean." bati niya. Cool na cool pa siya. "Anong kailangan mo?'
Kinalma ko 'yong sarili ko. Kahit anong mangyari hindi ko siya pwedeng saktan lalo na, nasa office kami ng daddy niya na boss ko. Ipapahamak ko lang 'yong sarili ko kapag ginawa ko 'yon. "Bakit mo pinasara 'yong cafe ni Keila?" kahit anong gawin kong pagpipigil hindi ko pa din napigilan na magalit sakanya.
BINABASA MO ANG
Dear tadhana (Published and adapted to a series)
RomanceMinsan kahit gaano natin i-plano ang buhay natin darating at darating talaga ang panahon na sisirain iyon ng mapaglarong tadhana. At dalawa lang ang pwede mong gawin, ang sumabay sa agos o ang kalabanin ang nakatadhana sayo pero ang tanong kaya mo b...