Chapter 11

864K 24.9K 12.2K
                                    





Damage control

Keila's point of view

Ginamit ko na lahat ng natitirang lakas na meron ako para lang makauwi ako ako sa bahay. Sana lang, tulog na si Mama para hindi niya makita 'yong mukha ko na puno ng kalmot at kahit 'yong kaliwang pisngi ko namumula.

Nakakainis na mga fans 'yon, ang immature nila para sugurin at saktan ako. Wala naman akong ginagawang masama sakanila. Hindi pa naman nila napapatunayan 'yong issue tungkol samin ni Kean pero nag assume na agad sila na totoo 'yon. Anong klase sila? Pati inosenteng katulad ko dinadamay nila.

Tama nga si Mama at Cloud, kakaiba sila. Bigla tuloy akong nag-alala para sa safety ko pati na din ng cafe. Baka kasi pati sa cafe sugurin nila ako. Ang masama non, baka pati sila Alyanna madamay dito.

Pumasok ako sa bahay ng tahimik, umaasa na hindi na ako mapapansin pa ni Mama pero nakaupo na siya sa sofa sa may sala at halatang hinihintay niya ako. "Bakit ngayon ka lang? May nangyari ba?" umiling ako at sinusubukan kong itago ang mukha ko gamit ang buhok pero pero lumapit agad sakin si Mama at tinignan niya akong mabuti. "Anong nangyari sayo, anak?"

Ilang segundo din ang lumipas bago ako nakapag-salita. Wala na din naman point kung maglihim pa ako dahil kitang kita naman sa mukha ko ang totoo. "Sinugod po ako ng  fans kanina pero pinigilan naman sila kanina ni Kean kaya ito lang 'yong nakuha ko."

"Ano?" Hinila ako ni Mama papunta sa sofa at duon tinignan niyang mabuti ang mukha ko. Nang hawakan ni Mama ang kaliwang pisngi ko, napasigaw agad ako dahil sa sakit. Pakiramdam ko namaga na 'yon dahil sa sampla ng babae kanina. "Hindi 'to pwede anak, kailangan managot sila sa ginawa nila sayo. Physical injuriry 'to eh. Mag fi-file tayo ng police report bukas, okay?"

Hinawakan ko ang kamay niya. "Mama, wag na po. Hayaan na natin, ayos na naman ako, eh." niyakap at nginitian ko na lang siya. Malaking abala pa pag ginawa namin 'yon. Busy si Mama sa business namin at kahit ako abala sa cafe kaya ayoko nang mag abala pa. Ayoko na din madagdagan ang stress na nararamdaman ko ngayon. "Sorry nag hintay ka pa sakin, Mama. Magpahinga na po tayo."

Napbuntong hininga na lang si Mama. Sign na frustrated siya. Ramdam ko naman na tutol siya sa sinabi ko pero kilala niya ako at alam niyang hindi ako magpapatalo. "Okay sige. Good night anak. I love you."

"I love you too, Mama."

Pag-akyat ko sa kwarto, uminom agad ako ng pain reliver. Nakadalawang tadyak ata ako kanina kaya ang sakit ng katawan ko ngayon. Pasalamat sila hindi ko na sila nagantihan pero sa susunod nasugurin pa nila ako, nakahanda na ako.

Paghiga ko sa kama ko nakatulog na agad ako. Siguro dala na din ng pagod at sakit ng katawan.

Kinabukasan, tanghali na ako nagising. Napahaba ang tulog ko kaya nataranta agad ako dahil naisip ko ang cafe pero buti na lang nag text si Alyanna sakin na sila na 'yong nagbukas ng don. Hindi pa niya alam kung anong nangyari sakin pero kung ano man daw 'yon, wag akong magmadali sa pag-pasok dahil sila na ang bahala sa cafe. Natuwa ako dahil don. Hindi ako nagkamali sa tiwalang binigay ko kay Aly at sa lahat ng staff ng cafe.

Nag-ayos ako tska ako bumaba papunta sa kusina. Nandon pareho si Mama at Cloud at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Sabay silang napatingin sakin at sa tingin pa lang ni Cloud alam kong galit siya.

 Sabay silang napatingin sakin at sa tingin pa lang ni Cloud alam kong galit siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dear tadhana (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon