Grenade

28 19 0
                                    

"Hi Yttrium!", bati ko nang masigla sa kaniya. Napagdesisyunan kong bumalik muna ng Pilipinas para mabisita naman muna si Mama. Matagal-tagal na rin kasi eh.

Si Enriquez? Nabaliw na. Pero joke lang yon.

Hindi siya pumayag na mawala at masira nang tuluyan si David dahil dun sa pausong virus na Borgon D5 ni Nitrougal. Dinala nilang dalawa ni Centaur sa lab niya na nasa loob ng water tank si David tapos dun niya inayos. Pero hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanila doon. Sana mabuhay si David.

Halos isang buwan na.

Halos isang buwan na noong magpunta ako sa lugar na 'to.

Kamusta na kaya si Mama? Ayos lang kaya siya?

Siya kasi yung nararamdaman kong isusunod ni Nitrougal eh.

No worries. Next week, babalik din ako dito.

Hindi ko pwedeng suwayin yung sinabing kondisyon sa akin ni Chlorine.

Marunong naman kasi akong tumanaw ng utang na loob.

Mayroon kasi akong nararamdaman na may mangyayari sa araw na iyon. Baka isali pa nila si Mama sa gulo na 'to. Ayoko lang siyang mapahamak.

"Pagpatak ng ika-25 ng Agosto, Huwebes, alas dose ng gabi, buksan mo ang tokador mo. Makikita mong punit-punit ang libro ng iyong ama. Hanapin mo ang pahinang may mukha ni Nitrougal at basahin ito."

Ano ba ang purpose niya at iniutos niya yun?

Atsaka punit-punit? How did he knew?

Samantalang nagsorry sa akin kahapon lang si Enriquez na pinunit niya daw yung libro tapos nilagay niya sa tokador ko.

Bakit mas nauna niya pang nalaman kaysa sa akin?

Bahala na.

Bahala na kung anong kahiwagaan ang mayroon siya.

Last time kasi na babasahin ko dapat yung page na yun, nagising ako dun sa akala ko ospital kasi kulay puti, pero space lab pala yun ni Nitrougal.

Naalala ko pa nga na parang dumoble yung mga nakikita ko noon eh.

"Oh bakit ka lalabas? May permiso ka ba ni Carbon?", paninigurado niya sa akin. "Atsaka araw ng Regeneration ngayon diba? Bawal kang lumabas kasi baka mag-mutate yang elemental cells mo. Bukas ka pa pwedeng lumabas."

Oo nga pala! Tuwing ika-20th ng buwan ang Regeneration!

Nakasaad nga pala sa handbook ni Carbon na dito lang daw ang pinakasafe na lugar para makapag-generate muli ng elemental cells dahil magkakahiwalay ang bawat Family Nabes. Kaya imposibleng magkaroon ng mutation.

Yung handbook kasi ay naglalaman ng mga dapat kong malaman tungkol sa lugar na ito at tungkol na rin sa mga informations about sa katawan ng mga taong may elemental genes na tulad ko. Atsaka na rin ang mga DOs and DON'Ts sa Second Dimension.

"Pinayagan ako ni Carbon, bakit? Atsaka I've been on Earth for 16 years and I never mutated! Mygahd! Wala namang nangyari sa akin, hindi ba? Baka immune na kasi yung cells ko sa mga bagay sa tunay na mundo pero yung inyo, siguro hindi.", paliwanag ko sa kaniya with matching OA na hand gestures para dama niya.

"Ay oo nga pala no? O sige, pinayagan ka naman na ni Carbon. Basta di ko sagot pag biglang naging kaliskis yang balat mo ah?"

Pinindot niya yung mga buttons na nasa dingding. Ang cute nga nung tunog eh, parang Work ni Rihanna.

Agad itong nagbukas. Naalala ko nanaman ang mala roller coaster ride noon.

"Uhh. Hindi mo ba pwedeng bagalan yung pagtravel ko, Yttrium? Hehe.", kabado kong tanong sa kaniya. Lagi pa naman akong nasusuka sa mga ganito.

Noble #Wattys2016Where stories live. Discover now