Something Left

208 30 0
                                    

"Ano namang gagawin natin diyan sa centrifuge machine?", tanong ko.

Yung totoo?

Naamaze lang ako sa hideout niya pero hindi ibig sabihin na naiintindihan ko yung mga 'kahenyuhang' ginagawa niya.

"We will place the test tube with blood inside the centrifuge. The centrifuge will spin and spin until all the components of blood are separated by layers. The plasma, platelets, and the RBCs. In this case, we will not use water instead the plasma as a substitute since it is close to water. It may take for hours and when done, we'll now finally use the DPD tester for the hazardous contents present in her blood. I expect that we will now find out the chemical component present in her blood, and also the killer. The toxicity is determined by the intensity of the color, yellow."

Agad kong pinunasan yung ilong ko.

"Gets?", nang-aasar pa yata tong hayop na to eh!

"Teka ha? May dugo pang natira sa ilong ko eh."

__________________

"Red ang kulay. Tsk. Tama nga ang hinala ko. Positive, chlorine."

Chlorine? Paano?

Nilunod siya sa swimming pool?

"Huwag mong sabihing pinalagok siya ng tubig galing sa swimming pool?", tanong ko.

"Hindi, it's not what I meant. Duda ko, ang chlorine na nasa katawan niya ay pumasok bilang gas. Hindi as a form of liquid.", pagpapaliwanag niya sa akin.

"So, ganun pala. Pero akala ko ba malalaman natin kung sino ang pumatay kay Verdana?"

"Oo nga. Sinabi ko na kanina.", mahinahon niyang tugon.

"What? Bakit hindi ko narinig?"

"Si Chlorine. Siya ang pumatay."

"Huh? Eh diba kasasabi mo nga lang na gas yun tapos naging tao?"

Ang gulo din nito eh no?

_________________

"This is the Laguna Police Right?", tanong niya. Agad namang tumango ang babaeng pulis at nginitian si Enriquez. Yeah. Enriquez suits him better.

Ibinaba niya ang isang papel na may nakasulat sa itaas na 'Affidavit of Innocence'.

Binigyan niya ako ng ballpen.

"Anong gagawin ko dito?", taka kong tanong.

"Are you dumb? There's your printed name so what's next? Tss."

So pinalalabas naman nito ngayon na shunga ako? Aba!

Hindi nalang ako nagrespond sa sinabi niya at pinirmahan ang kung anumang affidavit ang pinirmahan ko.

Binuklat ko ang bawat pahina ng pinirmahan ko. Nakita ko ang autopsy, ang DPD results at ang detective and prosecutor's statement.

Para ba to sa paglilinis ng pangalan ko?

"Standby lang po muna kayo dyan, sir."

Grabe namang tumitig to kay Enriquez.

Lumingon yung babae sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Tapos inirapan ako.

Naupo kami ni Enriquez sa mga benches sa gilid mg presinto.

Nakakailang siyang katabi kaya lumipat ako sa isa pang bench.

Lumabas ang isang pamilyar na mukha ng lalaki.

"Chief Officer Alcantara!", siya nga pala ang tito ni Verdana.

Noble #Wattys2016Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang