Kid

52 22 0
                                    

Gill Enriquez' POV

I hate it. I hate being here. It feels so uncomfortable.

Ano ba yan! Ang init! Kanina pa tumatagaktak yung pawis ko dito. Ano ba yan!

Tapos yung mga tao dito, katanghaliang tapat, nagpafireworks! Umaalingasaw!

Hay nako. Bwisit kasing PLDT. Nahuli pa tuloy ako na nakikiapid sa kanilang linya. Kaya ayun. Dito kami bumagsak sa com shop.

"Oy pare! Wag kang manggugulo! Ano ka ba? Terrorist o counter-terrorist?", dinig kong hiyaw ng isang lalaki na nasa tabi ko lang naman.

"Bang! Panalo ko. Yung taya ko asan.", sabi naman nung isa matapos yung paglalaro.

Kasalukuyang itinatype ni David yung BUOH sa net.

"Like. What the hell is that word? Saan mo ba nakita yung salita na yan at napapasugod pa tayo dito? Jusko! Amoy kili-kili yung mga tao dito, yuck!", pagdidiwara ni Caron. Yan nanaman siya.

"Oh ayan. Itutok mo sa araw. Sabihin mo sa akin kung ano yung nakita mo", ani ko.

Nagpunta siya sa labas at agad ring bumalik sa loob.

Nagulat ako nang makita ko siyang putlang-putla. May nangyari ba?

"Oh, anong nangyari sayo? Para kang nakakita ng multo?", bungad ko pagpasok niya sa loob.

Mga 10 minutes siyang naka squat position then hawak-hawak yung tuhod niya.

Hinahabol niya lang yung hininga niya.

"Oh ano na?", tanong ko nang mapansin kong hindi na siya naghahabol ng hininga. Hayy. Salamat naman.

"Wooaah!!! Astig! Parang pera! May watermark!", hiyaw niya. Parang batang inosente na first time makatikim ng cotton candy.

Agad na nagsilingon yung mga taong nasa comshop at tinitigan kami ng masama.

"Wag nga kayong mambulabog, may naglalaro oh.",  sabi nung bantay ng comshop.

"Oo nga. Respeto please.", sabi nung isang gamer.

"Okay. Tuloy. Pero, bakit ang baho nung papel?", agad naman akong nagtaka nung tinanong niya yun. Hindi ko naman kasi napansin kanina yung amoy.

"Huh? Paanong mabaho? Patingin nga.", agad na hinablot ni David yung papel mula kay Caron at inamoy ito nang mabuti.

Makalipas ang ilang saglit na pagsinghot-singhot niya sa papel...

Agad siyang humagikgik na parang nagpipigil pa ng tawa niya.

"Bakit ba, David?", taka naming tanong ni Caron.

"It's semen bro. Haha. It's the watermark."

"Eew!", hiyaw ni Caron.

Sabay-sabay nanamang nagtinginan yung mga naglalaro na animo'y may planong pabagsakin kami.

"Shh."

Winarningan nanaman kami nung mga nasa loob.

Nagpasya nalang kami na bumalik sa bahay ko para ituloy yung usapan.

"So, ano nga pala yung ikukwento mo, David?", tanong ni Caron. Alam nyo naman, sobrang chismosa.

"Eh trivia lang kasi to.", pagtanggi ni David.

"Ehh. Sige. Interesado ako eh.", pangungulit parin ni Caron.

"Oo na panalo ka na. Noong kasagsagan kasi ng World War II eh naghahanap ng paraan yung mga sundalo kung paano maipaparating yung sulat nila nang walang nakakaalam. Syempre, kasama na din dun yung mga codes. Pero, mas pinrioritize nila ang invisible ink. At yun ang tootoot naming mga lalaki na galing sa tootoot namin."

"Ah okay.", halata namang nabored siya sa kinuwento ni David. "So how's the word?"

"Ayon sa nasearch ko, ang BUOH ay isang salita mula sa Old High German Period na nangangahulugang libro o book.", pagpapaliwanag ni David.

Book?

"Pwede bang pakibasa niyo ulit yung nasa pinrint na binary kanina?", tanong ko sa kanila. Baka kasi may kinalaman yun sa palaisipan.

"Tell me what you were once, I'll tell you it's three.", tugon ni Caron.

"Tell me what you were once, I'll tell you it's three."

Anong kinalaman ng book dun?

Hindi kaya...

Agad akong kumaripas papunta sa luma at maalikabok kong tokador. Pagbukas ko nito ay tumambad ang mga naglalakihang sapot kasama ang iba't-ibang uri ng gagamba.

Kinuha ko agad ang libro. Oo tama. Ang libro na matagal ko nang itinago dahil sa hindi ko malamang dahilan.

Isang taong hindi ko kilala...

Hindi ko kaano-ano...

Ngunit humiling sa akin ng isang simpleng bagay...

"Alagaan mo ang librong ito. Darating ang tamang panahon at kakailanganin mo yan. Kakailanganin niyo yan."

Tinupad ko naman ang hiling niya. Itinago ko nga ang libro na yun sa luma kong tokador.

Pero ano ang ibig sabihin niya sa 'kakailanganin niyo yan'? May kasama ako?

Agad kong nilapag ang libro sa lamesa. Punong-puno ito ng alikabok kaya pinagpag ko muna.

It's All About the Genes
- R. Coates

Yan lang ang nakasulat sa pinakagitna ng papel.

Pero teka? Coates? May kinalaman kaya siya kay Caron?

Mamaya na nga lang. Hindi naman masyadong importante eh.

Hindi ito katulad ng ibang libro na may pamagat at magarbong pabalat. Tingin ko ay isa lang itong talaarawan na parang draft na rin ng libro niya.

Ang sumunod ay ang table of contents.

May mali sa libro na nakapukaw ng aking pansin.

Sa bawat pamagat ng mga kapitulo ay laging may mali...

Bakit ang lahat ng letrang K ay nakaimprenta na malaking letra?

At ito pa, bakit lahat ng letrang 'i' ay malabo ang pagkakaimprenta? Aksidente lang kaya o ito ay sinasadya?

Pinapasakit nito ang ulo ko.

Isa pa itong mga mali ang pagkakapagitan ng mga letra na laging kasunod ang 'd'.

May ipinapahiwatig kaya ang mga letrang ito?

Agad kong ipinaliwanag sa kanila ang hinala ko at ito ang sagot nila.

"IDK siguro. Baka hindi alam ng libro yung sagot. I Don't Know daw."

Sobrang nakatulong yung sagot ni Caron, hindi ba?

"Maybe ang sagot ay KID.", sagot ni David.

Huh? Paanong nangyari yun?

"Tama si David, Enriquez. Kid nga.", pag-sang-ayon ni Caron.

"Tell me what you were once, I'll tell you it's three. Lahat tayo ay naging bata. At magiging bata pa. Tatlo iyon. Bata na bilang isang bata. Pangalawa, kabataang o ang panlabas na anyo na hindi naaayon sa edad. At pangatlo, bata ang pag-iisip. Second childishness ba. Kaya ang sagot ay kid. Tama ang nakaprint. Nasa libro nga ang sagot."

"So, what's with a kid?", tanong ko. Hindi ko magets kung ano yung ipinupunto ng palaisipan na yun.

"Hindi 'what's with a kid', kundi 'what's in the KID'. Yun yung pangalan nung Chapter 37 sa book. Yung Knight in Day."

Agad kong binuklat yung libro at hinanap iyon.

Nasaan ko nga ba nakita yun?

Ah eto!

"Buti nakita ko to kanina.", ani ko.

"Oh God.", sabi ni Caron.

"Bakit Caron, anong meron?", tanong ko.

"S-si Nitrougal..."

Noble #Wattys2016حيث تعيش القصص. اكتشف الآن