Borgon D5

29 18 1
                                    

SYSTEM SHUTTING DOWN IN 30 SECONDS.

Mabilis na tinipa ni Neon ang keyboard. Sa pagmamadali niya ay halos masira na ang mga ito.

I think those are HTML commands. Pinag-aralan kasi namin yun noong 8th Grade pero basics lang. Yung mga WYSIWYG rules, ganern, What You See Is What You Get. Open here, close there.

Pero iba yung kaniya. Mukhang pangPro.

Nagsisimula nang manginig-nginig si David kaya kinabahan na ako.

"David? David!", pilit ko siyang inaalog. Niyakap ko siya nang mahigpit sa paniniwalang maiibsan ko ang sakit na nararamdaman niya.

"Arrgghh! Sino ka?"

P-panong hindi niya ako kilala?

Ano bang nangyayari?

Patuloy parin yung panginginig niya.

Nangingisay na siya at tumitirik ang mata.

Naririnig ko na lalong bumibilis ang pagtipa ni Neon.

"Neon ano na bang nangyayari?", kinakabahan na ako kay David. Baka tuluyan na siyang mamatay.

Minsan na akong nawalan ng kaibigan, baka di ko na kayanin pa kung may susunod man.

"May sariling utak ang Borgon D5. Kinokontra niya ang ginagawa ko. Bwisit."

Napahinto sa pagtipa si Neon.

Nagdilim ang monitor.

Nawala na ang liwanag na bumabalot sa kaniyang katawan. At tumigil na rin si David sa pangingisay niya.

"Sorry."

Yaon lang ang mga salitang lumabas sa kaniyang bibig at tumahimik na lamang.

"Hindi mo kailangang mag-sorry. Ginawa mo naman ang lahat eh."

Nagsimula nang tumulo ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa aking mga mata.

Wala na siya.

Bakit? Bakit ba parang magnet ako ng mga masamang pangyayari?

Lahat na siguro ng trahedya na pwedeng mangyari sa tao ay nasapit ko na.

Ang lahat ng mga mahal ko sa buhay, unti-unti na silang nawawala.

Kung ang pagiging malapit ko sa kanila ang rason para lang mamatay sila, lalayo nalang ako.

Ang dad ko, si Verdana, si Viner, at ngayon naman, si David.

Sino naman ba ang susunod?

Si Centaur kaya? Si Enriquez? Si Carbon? O baka naman itong si Neon na kakikilala ko palang?

A thing popped into my mind.

Oh no.

Siya nga ang kasunod!

"Neon, ikaw na muna ang bahala kay David. May pupuntahan lang ako."

Agad naman siyang tumango habang unti-unti niyang tinatanggal ang mga plugs na nakasaksak kay David.

I took a last glance on his face.

Hindi kita malilimutan, David.

At umalis na ako ng kwarto ko.

Saan nga ba sila Enriquez?

Pupuntahan ko siya para ipaalam ang masaklap na balita.

Lanthanides? Mali!

Ah naalala ko na. Oo nga pala, sa Actinides.

Malayo-layo rin ang District 5 mula dito sa District 1 at paniguradong iba din ang time frame roon.

Noble #Wattys2016Where stories live. Discover now