Etticus

57 21 1
                                    

Caron's POV

"Oh ayan. Kailangang mabasa mo ang lahat ng iyan ngayong gabi dahil wala na tayong oras. Padami na ng padami ang sumusunod sayo.", paglalahad niya sa akin ng isang makapal na notebook. Yung totoo? Notebook pa ba to o libro na? Feeling ko talambuhay ng mga Jedi sa Star Wars to eh.

"Oo na. Oo na. Babasahin ko na po. Eh paano kung may test tayo bukas? Pwedeng the next day nalang?", pabiro kong tanong. Siyempre niloloko ko lang siya. Gusto ko siyang bwisitin eh.

"Wala tayong test bukas.", matigas niyang ipinamukha iyon sa akin.

Itinaas ko ang dalawa kong kamay in sign of defeat.

"Ede ikaw na matalino. Tss. Babasahin ko to, sa isang kundisyon.."

Agad naman napakunot ang noo nilang dalawa.

"Anong kundisyon naman yan?", tanong sa akin ni David.

"Simple lang. Kailangan bukas, bati na kayo. Matagal ko ng alam kung ano yung problema niyo. Halata naman eh."

"Huh?", sabay na tugon ng dalawa.

"Pareho kayong may gusto sakin eh! Ang ganda ko kasi! Chos! Pero yung totoo. Eto na talaga. Lagi kayong nagtatalo sa kung sino ang sino. Kung sino ang karapat-dapat na may buhay. Alam niyo. Hindi niyo na dapat pinagtatalunan yung ganyan kasi pareho naman kayong nilikha eh. Ang kaso nga lang, artificially si David. Pero hindi niyo parin maipagkakailang dalawa na magka-dugo't laman kayo. Saan mang banda."

___________________

Page 1:

Etticus Coates

Page 2:

.Biography

Etticus Coates

Date of Birth: March 6, 2000

What? Diba dapat mga 19-- something yung date of birth niya? Bakit 2000? Ano? Baby palang siya nung naisulat niya to? Ginagago ba ako nila Enriquez?

Edi kung susumahin, 15 years old palang ngayon tong bata na to!

Gender: Male

Year Old: Unknown

Occupation: Chemical Engineer and Scientist

Date Started: July 18, 1968

Date Ended: March 6, 2000

How come na nasimulan niya tong isulat ng 1968 kung ang kapanganakan niya ay 2000? At paanong nag-end ito noong mismong birthday niya?

Ganun ba talaga noong unang panahon? Feeling 21st century ipinanganak, ganun?

Page 3:

The objective of my experiments are to transfer the power of every element in the periodic table made by Dmitri Mendeleev to the chosen humans who have the guts to be given such an ability to control the elements. And when this experiment become successful, there will be no more shortage of elements needed and it will be more beneficial to human living.

The role of every chosen man is to pass the power on every generation. Because when a single elemental gene is not passed, it will intentionally self destruct and it will affect the Earth and the supply of the said element.

Ahh. Ganun pala. So kailangan kong magkaanak? Kanino? Waahh!! Ayoko!!! Balak ko ngang mag madre eh! Ano ba yan?

Page 4:

Noble #Wattys2016Donde viven las historias. Descúbrelo ahora