Author's Note

63 21 4
                                    

First of all, nagpapasalamat ako sa 500+ na reads na kung susumahin ay mayroon akong readers na nagrarange from 30 to 35. Pero salamat parin. First time din na gumawa ng novel lalo pa at sci-fi. Pero mukha namang pak na pak para sa akin yung genre na to kasi nailalabas ko lahat ng nasa isip ko.

Kaysa naman mag-romance ako tapos biglang lalagyan ko ng aliens. Anlabo no?

Paalala nga pala sa mga minamahal kong mambabasa na:

1. Ang lahat ng mga pangalan ng mga nasangkot sa istoryang ito ay napulot ko lang sa magulo kong imahinasyon.

2. Yung mga bagay na imposibleng mahanap kahit mapadpad ka man sa kabilang panig ng mundo ay galing rin sa abnormal kong utak.
* Maximus Orvium
* Nitrougal - wala naman pong salita na ganun pero malalaman niyo rin kung bakit hehez

3. Lahat ng powers nila ay ikinonsulta ko kay Google. Ang bawat elements ay may corresponding na power na totoong nag-eexist.
*Caron/Phosphorus - fire
*Chlorine - Acid Attack
*And if tinatanong niyo naman si David kung bakit gravitational power. -- eh bakit ba? Artificial human lang naman siya eh, pwede ang kahit anong power haha

Yun lang. Salamat ulit sa mga nagbabasa at patuloy pang magbabasa. Sisikapin kong tapusin itong story nang hindi natatapos ang 2016. At sisiguraduhin kong aasenso tong book na to at magiging 600 reads!

PS. No plagiarism. It's a crime. Baka gusto niyong ipasalvage ko kayo?! Chos. Ipapabaranggay nalang haha.

About me?
- 3rd year ako nung sinimulan ko to and kasalukuyan akong 4th year high school ngayon. Mahirap mang tanggapin pero isa akong 4th year high schooler na 155 cm lang ang height.😭😭😭
- loves to read sci-fi stories lalo na yung English. Mas nakakapagbigay kasi sa akin ng goosebumps. May kilabot factor ba.
- wala kaming internet sa bahay at nakikisagap lang ng wifi
- kung gusto niyo pa ng trivias tungkol sa buhay ko, welcome kayo sa bahay kong gawa sa candy. Lol haha.

Hay. Masyado na pala akong madaldal at umabot na sa 320 words tong Author's Note.

Bakit ko naisipang gumawa ng ganito? Nakikiuso lang.

Nakikita ko sa ibang stories na may paipit na Author's note eh. Yung ibang stories nga, mas madami pang AN kaysa sa chapters eh.

Pero anyways, mga silent readers, paramdam naman kayo. Para alam kong may sumusuporta sa mga gawa ko kahit papaano.

Yung simpleng follow, comment, message. Chos. Follow nalang haha.

Atsaka salamat nga pala sa mga taong nag-add ng story ko sa Reading lists nila. Ang alam ko either they're 2 or 3 na nag-add sa Reading list nila. Pero siya lang yung pinakarecent eh.

@Problemsolverr - sobrang naappreciate ko yung pag-add mo ng story ko sa reading list mo. It makes me feel na may interesado parin sa gawa ko. Super thank you. More power hahaha.

At thank you rin sa pitong followers ko! Kaway kaway!

So dito na nag-eend tong AN.

And oh! Ang quota ko nga pala sa book na to ay 30 chapters kaya tiis-tiis lang at matatapos na rin to.

Saludo ako sa mga taong naniniwala parin sa mga taong gumagawa ng sci-fi novels. Kasi alam kong sila yung magagaling umintindi at malawak ang imahinasyon. Sila yung mga tunay na naghahanap ng adventure sa pagitan ng realidad at birtwal. Kaya patuloy niyo akong suportahan sa mga susunod ko pang irerelease na chapters.

And again, salamat sa lahat.

Noble #Wattys2016Where stories live. Discover now