Reasons

96 27 0
                                    

Gill Enriquez' POV

"Other half?", seems like nagugulo siya kung ano ang ibig sabihin ko sa other half.

Well di ko siya masisisi.

Kung sa tingin niyo ay masyado na ang mga rebelasyong nalaman niya, well nagkakamali kayo.

Panimula palang yan ng kaniyang pagtuklas.

Flashback...

"Gill, sunduin mo na ang anak ko. Ito na ang tamang oras para makilala niya ang kaniyang ina."

"Yes, madame. I will."

"Okay, Gill. Bibigyan kita ng isang buwan para dalhin sa akin ang anak ko. Do it and you'll get the power you could ever wish for."

"At paano naman po kung hindi ko siya mahanap?"

"I will just kill your entire family, in just a snap."

End of flashback...

Sino ba namang gustong mamatayan ng pamilya diba?

Kaya heto ako ngayon, nasa tabi niya at gumagawa ng paraan para maipaliwanag sa kaniya ang lahat.

I have 12 more days to go.

And I need to get her as soon as possible.

Marunong tumupad ng usapan ang clan ng mga Rogers.

"Yes. He's my other half. Pamilyar ka naman siguro sa chromosomes diba?"

Tumango siya. Ibig sabihin, alam niya iyon.

"May alam ako ng konti dun since tinake up namin yun the past two years."

"Okay, so here it goes.", napabuntong hininga nalang ako.

Unang-una sa lahat, ayokong magbahagi ng slice of life ko sa isang taong madaldal.

At pangalawa, I hate talking much. I often do work rather than chat with neighbors.

Mapapansin mo talaga na sobrang naiintriga siya sa aming dalawa ni David.

"Well, my sex chromosomes are duplicated to produce David. Gumamit sila ng mga artificial at eco-friendly na materials para sa kanya. At bawat part niya ay according to the human anatomy, which means he is created to act like us. Every piece of him is a work of art, except his brain."

Pagkasabi ko noon ay agad na kumomento si Caron.

"Huh? Paanong yung utak lang niya? Pakiexplain ng mabuti, please."

At ipinagpatuloy ko na nga.

"He got infected with some sort of virus and we believed that someone sabotaged it. Nagmalfunction siya. Naging mistula siyang isang sirang robot na hindi na muling maaayos pa."

"Pero bakit ang tino naman niya nang makausap ko siya?", tanong niya.

"Eto na nga diba? Patapusin mo muna ako."

Agad naman siyang tumahimik at umupo ng maayos. Nag-gesture rin siya na parang isinizipper ang mga bibig.

"He was able to fix himself. Thanks for the help of my genes. Kung wala siguro sa kanya iyon, baka namatay na siya ngayon at nag-degrade sa lupa."

"Wew nemen. Matalino."

"But still, there has the cons no one can run away from. In every successful experiment is a questionnable detail. Masisisi mo ba ang buhay kung may mali sa mga kalkulasyon mo? Masisisi mo ba kung mali ang teoryang pinaniwalaan mo?"

Noble #Wattys2016Место, где живут истории. Откройте их для себя