Message from Hell

74 27 0
                                    

Oo. Yung panira na si Centaur yung humila sa akin. Punyetis.

"Hoy! Ano ba? May sasabihin pa ako dun, eh!", hiyaw ko habang hila-hila niya ako.

"Natatandaan mo pa ba tong shades na to?", tumalikod at hinarap ako.

Eh ano naman sa kanya ngayon?

"Ah. Yan yung shades sa bahay namin dati. So?", pataray kong sagot. "Excuse lang ha. Aalis na ako. Kung ayaw mo akong papuntahin dun, kila Enriquez nalang muna ako.", dugtong ko.

"Enriquez nanaman. Ano bang nakita mo sa kaniya?", tanong niya sa akin nang simulan ko nang maglakad.

"Anong pinagsasasabi mo ha?"

"Bakit ba lagi mo siyang kasama? Kayo na ba? May nangyayari na ba sa inyo? Sagutin mo ako."

Yung totoo? Is he that dumb na gagaya ako sa ibang mga babae dito na ang hanap ay lovelife at hindi nagfofocus sa pag-aaral? Ganun ba kababa ang tingin niya sa akin?

"Wala ka nang pakialam dun dahil buhay ko to.", sagot ko nang malamig sa kanya.

Totoo naman diba? Bakit ba kasi siya nakikialam?

"Gagawin ko kung ano ang gusto ko dahil ako ang magpapasya sa kung ano ang kahihinatnan ko. Sino ka ba?", dagdag ko pa.

"Hindi mo ba maintindihan na pinahahalagahan kita? Bakit ba ang manhid mo?  Bakit hindi mo man lang masuklian yung Pagpapahalaga ko sayo?"

Hay nako. Kadramahan nanaman... Hinarap ko agad siya at kinunotan ng noo.

"Isang tanong, isang sagot."

Napuno ng pagtataka ang kaniyang mukha kasabay ng pagsambit ng, "Ano yang tanong mo?"

"Ano bang nakita mo sa akin?", diretsahan kong tanong sa kaniya.

"Simple lang. Dahil iba ka sa kanila. At naniniwala akong ikaw yung para sa akin."

"Alam mo, ang drama mo. Itulog mo nalang yan, hayop ka. Nakalagok ka siguro ng beer kagabi no?", tinalikuran ko siya at umalis na ako.

___________________

"Oh? Nasaan na yung magkapatid dito? Iniwan ko lang sila kanina dito, ha? Ang gulo naman nung dalawa na yun."

Naupo muna ako sa mainit na semento ng rooftop. Hindi naman ako apektado ng init dahil alam kong kontrolado ito ng katawan ko.

Parang biglang may kumontra sa init ngayon sa aking paligid. Mas lalo pa itong painit nang painit.

May mga mistulang tubig na hinangin na papalapit mismo sa akin. Hindi ako nabalutan ng takot dahil alam kong isa ito sa aking mga kauri.

May dala siyang mensahe...

Oo alam ko yun.

Bakit?

Sunod-sunod na silang dumadating...

Mula sa mga mistulang tubig na dinadala ng hangin ay lumabas ang isang taong di inaasahan.

Hindi ko siya kilala, at wala rin akong nararamdaman na koneksyon o kung ano mang init ng laman at dugo.

"Sino ka? Bakit ka nandito?", bungad ko agad sa kaniya.

"Easy ka lang, P. May pakay lang ako sayo kaya ako nandito.", sagot niya nang pabiro.

Ngunit ang masasabi ko lang...

Noble #Wattys2016Место, где живут истории. Откройте их для себя