The Killer

198 31 0
                                    

Chapter 2 : The Killer
Date Published : October 31, 2015

"Aaaahh!!! Oh my God!"

Bigla na lamang akong napasigaw nang makita si Verdana...

Na nakabitin ang leeg sa bintana ng kwarto ko.

Isang bala ng baril na nagmistula nang mga mata niya at saksak sa mukha na halata mong pinanggigilan ng pumatay.

Halos hindi na siya makilala dahil halos lumabas na ang mga laman niya sa mukha. Nababalot na ng dugo.

Parang wala na siyang buhay.

Sinong gumawa nito?

Sinong hayop ang gagawa nito?

Hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Napasandal ako sa dingding at naupo nalang.

Naiyak nalang ako.

Naging parte siya ng buhay ko, alam ko yun.

Sa kasiyahan at kalungkutan, kadamay ko siya.

She's one of my best friends in the class...

Pero paanong namatay siya kung kaninang nagreply pa siya sa tinext ko?

What the...

Buhay pa kaya siya?

Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko.

Nag-alinlangan pa akong lapitan siya pero narealize ko na kailangan.

"Verdana! Verdana! Huy! Gising!"

Umabot siguro ng mga sampung minuto ko siyang ginigising pero wala.

Patay na siya.

__________________

Alas sais palang ng umaga ay sobrang dami na ng tao sa eskwelahan.

Anong meron?

Dumaan ako sa lupon ng mga tao at natahimik sila.

Bakit? Anong meron?

Wag ko na nga lang pansinin.

"Diba siya yung pumatay kay Verdana?"

"Ang sama niya, grabe."

"Psst. Diba kaibigan siya ni Verdana? Tsk. Tsk. Mga kaibigan nga naman."

Napipikon na ako sa kanila.

Hindi naman ako yung pumatay kay Verdana eh!

At alam ko yon sa sarili ko na hindi ako yun.

At kailanman, hindi ko gagawin ang bagay na yun sa kahit sino.

Tumakbo nalang ako sa sobrang daming panghuhusga na naririnig ko.

Well, ganyan naman ang buhay eh.

Mapanghusga.

Wala ka namang ginagawang masama, kung makaasta akala mo sobrang perpekto.

Ikaw na nagmalasakit, ikaw pa ang naging masama.

Tinawag ko yung mga pulis para tulungan akong ialis si Verdana dun sa bintana, pero ano?

Noble #Wattys2016Where stories live. Discover now