Unknown

77 27 0
                                    

Caron's POV

"Strange. A police' siren is not like that. Baka may nangyayaring kakaiba. Tara, tingnan natin!", pag-aaya niya sa akin.

Sumama na rin ako. Naiiintriga din ako eh.

Tumakbo kami papunta sa sulok ng rooftop.

Tumingin ako sa ibaba.

Feeling ko mahuhulog ako anytime. Feeling ko, isang galaw ko lang ay sasabog ang bungo ko at magkakandabali-bali ang mga buto.

"D-david? Hindi ba tayo mahuhulog dito?"

Nginitian niya lang ako.

"Huwag kang mag-alala, Caron. I can hold gravity."

What? Ano yung sinabi niya?

Kaya niya daw umano?

"Huh? Ano yung sinabi mo?", muli kong tanong para masiguro kung tama nga yung pagkakadinig ko.

"Wag ka na ngang magsalita dyan. Basta hindi ka mahuhulog. Pinapangako ko sa'yo.", at hinawakan niya ang kamay ko.

Agad ko itong inilayo dahil nakaramdam ako ng awkwardness.

Para kasing hindi ako sanay eh.

"Nandito ka lang pala.", agad na bumukas ang pinto.

"Ay palaka!", napadausdos ako sa pagkakaupo ko.

Oh my gosh!

"Aaahh!!!"

Biglang parang huminto ako sa pagkakahulog ko.

Pag-angat ko mula sa pagkakahulog ay nakita ko si Enriquez.

"Wag mo nga akong gugulatin ha! Tingnan mo nga, muntik pa akong mamatay nang dahil sayo!", bulyaw ko sa kanya.

"Edi sorry.", sabi niya sa akin ng paloko. Kung alam nyo lang, matagal na akong gustong patayin niyan. Una yung sa bahay niya, yung bumaha at nasunog, tapos ngayon naman, ginulat niya ako para mahulog sa rooftop na 352 feet ang taas!

"T-teka! David?", tawag niya sa katabi ko na kanina pa nagmamasid sa nangyayari sa ibaba.

Lumingon si David at nakita niya agad si Enriquez.

Nang makita nila ang isa't-isa ay naging blanko ang kanilang mga ekspresyon.

Para bang malaki ang galit nila sa isa't-isa. Teka! Ano ba ang nangyayari? Akala ko ba related sila?

Hay nako.

Pabayaan ko na nga lang silang magtitigan diyan. Titigil din naman sila. Makikichismis muna ako sa ibaba.

Agad akong tumayo at pumunta papuntang elevator. Bababa na ako para mas maganda ang view at para mas madinig ko ang usapan doon.

May bigla akong naalala.

Bago ako pumasok sa elevator ay nag-"Thank you, David." muna ako.

Atsaka na ako tumuloy pababa.

Pagbukas ng elevator ay nakita ko agad ang kakaibang mga armadong lalaking nakaitim.

"We are looking for Richard Coates. At kung ayaw niyong masaktan, ilabas niyo na siya!", pananakot ng isang lalaki.

Richard Coates?

Tatay ko yun ah?

Yung iba kong mga kaklase ay agad na napatingin sa akin. Siguro dahil narinig nila yung apelyido ko.

Eh diba, patay na si Dad?

Bakit nila hinahanap sa school si Dad? Napakacreepy naman nila.

Mga misteryoso sila.

Noble #Wattys2016Where stories live. Discover now