Fire

110 28 0
                                    

"Oy, Enriquez! Huwag mong sabihing robot din yung nakita kong kamukha mo kanina? Pati nanay ko, meron na din! Hay nako!", hiyaw ko habang kumakatok ako sa malapalasyong pinto nila.

Nagbukas naman agad ang pinto nang marinig niya sigurong hinihiyawan ko siya dito.

Okay.

Creepy na kung creepy.

Paano magbubukas ang pinto nang walang tao?

Agad akong napasign of the cross.

Ngayon ko lang napagtanto na ang weird niya.

Hindi lang siya.

I mean, pati yung bahay niya.

Yung tipong puro alikabok na lahat ng gamit at sobrang mga antique? Yung parang mga pinagshooshootingan (anong salita to?) ng mga horror movies.

Yung may mga puting tela pang nakatakip sa mga gamit, then boom.

Sasara ang pinto nang sobrang lakas.

*boog!

As I was saying.

Tsk. Mga pakulo mo Enriquez.

"Hoy, lumabas ka na. Laspag na yang mga panakot mo."

At lumabas naman siya.

"Hey, Caron. Ready for the game?"

Huh, anong game pinagsasasabi nito?

"Hoy. Hindi ako pumunta dito para makipaglaro ako sayo. Marami akong gustong malaman."

Napangisi nalang siya nang marinig niya ang tugon ko.

"Caron, Caron, Caron. Hindi naman lahat ng bagay, kailangan mong seryosohin. Just take this as a fun game. Ikaw ang taya at ako ang tatayain. Kailangan natin minsan sa buhay ay pahinga."

Anong pinagsasasabi ng asungot na 'to? Nadaig pa yata nito si Centaur sa paghitit ng rugby.

May pinindot siya sa may vintage na upuan at nagdilim na ang lahat.

Wala na akong makita.

Feeling ko bulag na yata ako.

*bam

Nagbukas na ang mga ilaw.

Teka.

Bakit nawala yung mga antique na gamit?

Isa na lang blankong silid ang nakikita ko.

Lahat ay puti.

Agad na umulan ng malakas.

Huh?

"Hoy, Enriquez! Bakit umuulan dito? Ano nanamang ginawa mo?"

Kakasalita ko palang nang maramdaman kong...

Hanggang baywang ko na yung tubig!

Oh shit!

Paano na 'to?

Talaga bang gusto akong patayin ni Enriquez?

Jusko po! Tulungan niyo ako!

Masyado pa po akong bata! Ayaw ko pa pong wakasan ang buhay ko!

At higit sa lahat, di ako marunong lumangoy!

*blleerrp

Nalubog na ako sa tubig.

Ano yung kulay itim na yun?

Baka sink.

Puntahan ko nga. Baka sakaling mabuhay ako.

Noble #Wattys2016Donde viven las historias. Descúbrelo ahora