"no!pe..pero ano,kasi..first time kong sumakay nang helicopter"bahagya naman akong natawa nang nauutal itong nag-salita

"masasanay kadin basta irelax mo lang yung sarili mo,para lang din tayong nasa eroplano.yun nga lang mas ramdam na ramdam mong nasa himpapawid ka dito"tumango lang naman ito,

Isinandal ko naman ang ulo nito sa dibdib ko para mawala kahit papano ang kaba nito.halos isang oras din yung nilipad nang helicopter bago kami nakababa.

"wow!"halos yun nalang ang tanging nasabi ko sa sobrang ganda nang lugar

"pano po.iiwan na po namin kayo dito,kung may mangyari naman po may telepono naman po diyan at connected na iyon samin.ienjoy niyo po sana ang bakasyon niyo dito"

"salamat!"sigaw ko nang unti-unti nang tumaas ulit yung helicopter para iwan kaming dalawa.

nang ganap nang mataas at malayo sa paningin namin yung helicopter eh,pinagmasdan ko si codilyn na nakamasid lang sa buong paligid

"'ang ganda dito no?mabuti nalang pala at hindi natin ito pinalampas"ngumiti naman ito at tumango sa sinabi ko

"tama ka nga.ang ganda nga!"nilapitan ko naman ito at pinisil yung pisngi

"eh,bakit parang hindi ka masaya?"umiling naman ito at naiiyak na bigla nalang akong niyakap

"masaya ako,sobrang masaya ako Harley,kung alam mo lang"natigilan naman ako sa sinabi nito lalo na sa nararamdaman kong saya na bumalot sa buong katauhan ko sa sinabi nito

"wooh.iba na yan hah!mukhang lumalalim na ang pagkaka-crush mo sakin"pinili kong biruin nalang ito dahil alam kong hindi ako pwedeng umasa na magugustuhan niya rin ako

"haha!ewan ko sayo"umalis na ito sa pagkakayakap sakin at nagtatakbo papuntang resthouse na nagmistulang isang palasyo sa ganda nang lugar

Sumunod naman ako dito habang bitbit yung iba naming gamit.kung maganda sa labas mas maganda sa loob.puro antique na gamit ang makikita mo sa loob,gawa rin sa narra ang halos mga upuan na makikita mo.

Dalawang palapag yung resthouse,merong anim na kwarto.tatlo sa baba at tatlo sa taas.yung gitnang kwarto sa taas ang gagamitin namin ayon sa note na nakuha namin sa pintuan nang resthouse bago namin ito mapasok

"ang daming kwarto pero lahat naman naka lock maliban lang sa kwartong gagamitin natin.dapat tig-isa tayo eh"reklamo nito nang mapasok na namin yung kwartong gagamitin namin

"ayos nga eh,pang-apatan ngang tao ang pwedeng humiga sa kama natin,kaya huwag kanang magreklamo.hindi naman kita gagahasin"sumimangot lang naman ito at pasalampak na humiga sa kama.nakangiti naman akong sumandal sa pintuan at pinagmasdan ito

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Where stories live. Discover now