Lumabas ako at muling binalikan ang mga lugar na hinanapan ko. Dumaan ako sa puting bookshelf kung saan sumagi ang aking balikat sa isa sa mga nakapalagay dito dahilan na mahulog ito.

Isang colorful scrapbook na may letrang 'G' sa gitna ng cover.

Bubuklatin ko na sana ito nang marinig kong bumukas yung pinto kaya dali-dali ko itong ibinalik sa kinalalagyan nito.

Natagpuan ko si Kara na nasa labas na ng kwarto at sinenyasan kaming wag mag-ingay. "The students just got back from their classes. Act like we've done nothing suspicious."

"Saglit lang!" ani Art. "Iche-check ko muna yung acting skills ko-"

Napapadyak si Ria sa inis. "For Olympus' sake, Art! Tara na!"

• • •

Bumagsak si Art sa sofa. "Ayoko na! Utas na brain cells ko! Wala na akong energy!"

"May energy ka ngang magreklamo diyan eh!" Nakapameywang si Ria. "Bumalik ka na nga rito!" Saka niya hinatak ang paa ni Art na agaran namang napakapit sa dulo ng sofa.

Umayos ako ng pagkakaupo sa carpet.

Pinatawag yung boys para mag-facilitate sa mga preparasyon kaya kami lang yung nandito sa dorm, kasama ang libro ni Theosese.

"Art, we need your light." tugon ni Kara.

"Ayoko! Snack time na ih!" pagmamaktol ni Art. "At saka, pagod na nga ako."

"How many times do I have to tell you, hindi tayo pwedeng mapagod. Mamaya na natin isu-surrender sa council ang libro. So please, lift your ass up and put it back there." Dinuro ni Ria ang iniwang pwesto ni Art, sa tabi ko.

"Wala rin namang kwenta yung effort natin kung hindi ito pinapansin ng pinag-eeffort-an natin." Humaba ang nguso ni Art sabay sipa ng kanyang paa dahilan na mabitawan ito ni Ria. "Hindi ko sinasabing yung ibang students 'yon, pero parang ganu'n na nga..."

Yumuko ako at napangiti. Naalala ko kasi ang isa sa libo-libong aral na natutunan ko mula kay Auntie.

Padabog kong sinarado yung pinto sabay hagis nung bag ko. Nangingilid ang luha ko nang i-lock ko ito. Pagkatapos, dahan-dahan akong napaupo sa sahig.

Paano nila nagawa sa'kin 'yon? Akala ko ba mga kaibigan ko sila?

Nagsimula na akong umiyak habang yakap-yakap ang mga tuhod ko.

Naging mabuti ako sa kanila, pero bakit gano'n? Bakit pinagkaisahan nila ako? Ginawa ko lang naman yung inutos nila sa'kin. May inabot silang susi, kaya't nakapasok ako sa storage room para kunin yung folders na gusto raw nilang makita.

'Abigail? Tumawag sa'kin yung adviser mo.' Narinig ko ang boses ni Auntie mula sa labas. 'Buksan mo muna yung pinto.'

'O-Opo! Alam ko po! S-Sorry! Hindi ko sinasadya!' Humagulgol ako ng iyak. 'Kasalanan ko po 'yon. Hindi ko po alam na ninakaw pala nila yung susi. H-Hindi ko alam na answer keys pala yung kinuha ko.' Humihikbi ako sa pagitan ng bawat salita. 'S-Sorry...'

Ilang beses na kumatok si Auntie, pero hindi ito lumalakas habang tumatagal. Humina ito, hanggang sa wala na akong marinig na ingay maliban nalang sa hagulgol ko.

'Ayoko na sa kanila...' bulong ko. 'Ayoko na sa mga taong katulad nila...' Ipinatong ko ang noo ko sa aking mga tuhod.

Ibinuhos ko lahat nga mga luha ko. Halos isang oras din ang lumipas nang makaramdam ako ng antok, kaya pinunasan ko na ang luha't sipon ko sa mukha gamit ang damit ko saka tumayo at pinihit yung door knob para i-unlock ito.

Mabibigat ang bawat hakbang ko patungo sa higaan. Hindi pa ako umabot sa paanan nito nang mapahinto ako. Napalunok ako at dahan-dahang umikot.

'Sinabi rin sa'kin ng adviser mo kung ano yung sinabi mo sa kanya.'

'A-Auntie...'

'At ayon din sa kanya, yung statement mo lang ang naiiba mula sa statements ng ibang students na nagsasabing ikaw daw ang nagpasimuno simula umpisa.'

'Hindi po nila ako pinaniwalaan nung sinabi kong-'

'Abby, naniniwala ako sa'yo.' Lumapit siya sa'kin. 'Naniniwala ako sa'yo at dapat sapat na 'yon kasi ako lang ang nakakakilala sa'yo nang husto.' Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

'P-Pero-'

'Abigail, ako ang nagpalaki sa'yo. Mahal mo ako at mahal na mahal kita kaya dito ka lang makinig sa'kin. Pabayaan mo na yung iba.'

Inangat ko ang aking ulo. "Art? halika na. Bumalik ka na rito." Tiniyak kong malambing ang boses na ginagamit ko. "Huwag mo hayaang umikot ang mundo mo sa mga taong hindi napapansin ang grabitasyon nito. Naiintindihan mo ba ako?"

Humibi ang kanyang mga labi, at ilang sandali pa'y tumayo na siya. Umupo siya sa tabi ko, at gano'n din si Ria na nakaupo na sa kabila.

Itinapat ni Art ang lumiliwanag niyang palad sa ibabaw ng nakalatag na libro. Napabuntong-hininga siya. "Last few pages na natin 'to..."

Sa bawat lipat ng mga pahina, unti-unti akong nawawalan ng pag-asa na may makukuha kaming mahalagang impormasyon mula sa libro na makakatulong sa'min sa paghahanap ng Elite.

Iniunat ko ang aking leeg at napahikab.

"Art, does this look familiar to you?" tanong ni Kara dahilan na mapatingin din ako sa tinutukoy niyang sketch ng isa sa mga components ng imitators. Hugis bilog ito at kung titignan nang maigi, may depth ito, na tila nakakurba paloob ang gitnang bahagi nito.

Hmm. Medyo pamilyar nga.

Sumingkit ang aking mga mata at pilit inalala kung sa'n ko na ito nakita.

Sa dating eskwelahan ko ata 'yon eh, nung high school, sa Biology class namin...

Muli ko itong tinitigan.

"Red blood cell." sabay kaming napasabi.

"Ba't naman may red blood cell yung imitators?" nagtatakang tanong ni Art. "Imposible naman siguro yun unless source of energy ng machines yung dugo?"

"No, Art..." Mabilisang binuklat ni Kara ang kasunod na mga pahina. Bumungad sa'min ang mga larawan ng iba't-ibang uri ng cells. Mula sa nerve cells, skin cells, pati na rin muscle cells. "We've been thinking wrong, all along. That's why we had a hard time understanding." dagdag pa niya. "Because we didn't expect for the imitators to move, speak and think, and that their design enables them to communicate, understand, calculate, remember, and imagine."

Dahil sa sunod-sunod na pinagsasabi ni Kara, isang konklusyon lang ang nahinuha ko.

Sinarado niya ang libro. "We're not looking for something. We're looking for someone."

Tao. Tao ang Elite.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now