Chapter 11:Move on

Start from the beginning
                                    

"san ka pupunta?"

"pagod na ko at medyo masama pakiramdam ko. magpapahinga muna ako sa bahay..." tinanggal ko yung kamay nya sa kamay ko at umalis na.

Pagkadating ko ng kwarto ko, humiga ako sa kama.

malamang girlfriend kita eh. Di naman masamang magdate tayo di ba?

Dug dug

Dug dug

Kainis naman, nararamdaman kong ang init inin ng pakiramdam ko. Ano ba pinag sasabi nya?

Rina, ano ba? Nafofall ka na agad? Tigilan mo yan!

Ano ba tong sarili ko >.< wag kang ma fall sa mga banat na ganyan, masasaktan ka lang. dahil pare-parehas lang sila.

Ano ba yan, kinakausap ko na naman sarili ko. Nababaliw na ako...

Ren's POV

Kakarating ko lang dito sa bahay nila, bumili kasi ako ng regalo para kay Rina sa malapit na anime shop. Bukas na yung party, gusto ko sana, magdate kami kahit isang besed bago bukas.

hay

7:30pm na pero di pa rin lumalabas si Rina. Okay lang kaya sya? teka Galit ba sya? Girlfriend ko naman sya diba? Mali ba ko?

Biglang may kumatok sa kwarto ko. Si Ayane -chan, kakain na daw. Tas umalis na rin.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kwarto nya para sabihin na kakain na kasi di sya pinuntahan ni Ayane-chan. Kumatok ako sa pintuan pero di sya sumagot so pumasok ako.

Tulog pa rin sya...

Nilapitan ko sya at kinuha yung kumot sa tabi nya para kumutan sya. Lalabas na sana ako...

"wag mo kong iwan..." tinignan ko sya, nananaginip ata sya kasi tulog pa rin sya pero umiiyak... " please...please..." nilapitan ko sya at hinawakan yung kamay nya para gisingin sya.

Teka bat ang init nya? Hinawakan ko yung noo nya, may lagnat sya..

"Rina, Rina" ginigising ko sya.

Pagkamulat ng mata nya...

"R-Ren?"

"ok ka lang Rina?" tumango lang sya. Agad akong kumuha ng bimpo sa drawer nya at pumunta sa banyo para basain yun.

"ba--" di ko na sya pinasalita.

"kakain na daw, kaya pumunta ako dito. bigla ka nalang umiyak  tas antaas ng lagnat mo kay ginising kita." lumabas ako ng banyo at nilagay yung bimpo sa noo nya "may gamot ka ba dito?"

"w-wala. bibili sana ako kanina pero di ako pinaalis ni tito. ayoko naman na sabihin sa kanila dahil mag-aalala sila"

"ibig sabihin kanina pang umaga yang lagnat mo?" tumango sya "sana sinabi mo sa kin para ako nalang ang bumili" nagbuntong hininga ako "sige pala,bababa muna ako, kukunan kita ng pagkain at gamot." aalis na sana ako pero bigla nyang hinawakan yung kamay ko.

"w-wag mo kong iwan...Ren" nakatingin sya sa kin, para syang takot na takot.

"sige, dito lang ako" kinuha ko yung upuan, nilapit sa side ng kama nya at umupo ako. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si otosan...

"Ren, bumaba ka na, antagal mo. kakain na"

"oto-san, di ako makababa, si Rina nilalagnat, pakisabi naman kay tito magpadala ng pagkain at gamot, di ko sya maiwanan dito eh. Mamaya nalang po ako kakain."

"o sige pala, alagaan mo syang mabuti"

Pinatong ko sa table yung phone ko at tumingin kay Rina.

"gusto mong matulog muna? Gigisingin nalang kita pagdumating na yung pagkain." umiling lang sya. Hawak hawak parin nya yung kamay ko.

May gantong side din pala sya kahit na masungit sya lagi.

"ano ba yung napanaginipan mo?" tahimik lang sya kaya di ko na pinilit na sagutin nya. "anu palang gusto mong gawin habang naghihintay ng pagkain?"

"pwede bang kwentuhan mo ko, nung bata ka pa" nagulat ako dun ah. Yung words na yun nanggagaling sa taong naiingayan sa kin?

"Baka mainis ka pag nagkwento ako tulad nung nasa eroplano tayo." umiling lang ulit sya.

"sige, anu bang kukwento ko? Hmm...wala ganu eh, ang importante lang na nangyari sa kin nun nung nakilala ko yung kababata ko eh."

"bakit mo sya minahal?"

"ewan ko nga eh basta naramdaman ko nalang na mahal ko sya at gusto ko syang protekahan sa lahat. " napatingin ako sa kanya "pero hayaan mo, kakalimutan ko na sya"

"Bakit naman?"

"para makamove on" tas biglang may kumatok sa pinto at pumasok si Ayane-chan. Nilagay nya yung maliit na table sa kama.

"salamat pero pano mo nabuksan yung pintuan kung occupied yung dalawa mong kamay?"

"a-ah... ahaha secret po Ren-sama. Sige po." nagbow sya at umalis na. Panu kaya nya nagawa yun? hindi naman nya nilapag sa sahig yung table.

"may nanunuod sa tin sa labas ng pintuan" biglang nagsalita si Rina.binitawan na nya yung kamay ko, Tinanggal nya yung bimpo sa noo nya at umupo sya para makakain.

"huh? Sino naman?"

"sino kayang natutuwang panuorin tayo?" narealize ko, yung mga tatay namin. Mga pasaway talaga. Kinuha ko yung miso soup at kutsara. Nung susubuan ko sya...

"a-ako nalang..."

"ako nalang, masakit yung kamay mo di ba?"

"pano--"

"napansin ko kanina nung naglalaro tayo, nahihirapn kang magserve tapos natamaan ng bola yung wrist mo di ba? Kaya sabi ko magpahinga muna tayo. kasi mas lalo kanv nahirapan after nun" tas sinusubuan ko ulit sya, kinain naman nya. "teka bat namumula ka?" nilagay ko yung kutsara sa mangkok tas hinawakan ko yung noo nya "hala bat uminit ka lalo?"

"w-wala to, wag mo na ko intindihin. Basta wag mo syang kalimutan."

"huh?"

"yung kababata mo" biglang nagchange topic.

"bakit naman?"

" part sya ng memory mo, kahit abutin ka pa ng 20-50 years, di mo sya makakalimutan. Pwera nalang kung magiging uugod ugod ka na at maging  ulyanin ka or magka amnesia ka. pero kahit amnesia yan, maaalala't maaalala mo sya. Diba? Sabi nga ni Jinpei Matsuda sa Detective Conan. You don't need to forget anything. Whether you can move on or not is totally up to you. "

"..."

"bat ka natahimik? Bakit masama bang manuod ng anime sa gantong edad?"

"h-hindi. Wala lang akong masabi, sapol sa puso eh XD" tas bigla syang tumawa

Dug dug

Dug dug

1st time ko syang nakitang tumawa ng ganto...

Feeling ko may tama na talaga ako sa kanya...

-----

A/N: . . . Haha wala akong masabi XD tnx nlng ult sa pgbasa, nagustuhan nyu sana. Comment naman Kau if ok LNG tong chap na to thank u c: -mishimish20

I Can't Run Away From My DestinyWhere stories live. Discover now