XLVII | Sub Silentio

Começar do início
                                    

Inilahad niya ang kanyang kamay. "Give it to me."

"No."

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. "What?"

"Ayoko." Pagmamatigas ko.

"I said give it to me. Now." Walang ipinagbago ang tingin na binabato niya sa'kin, maliban nalang nung sabihin niya ang panghuling salita. Dagliang lumiwanag ang mga mata niya, na para bang sinindihan ito saglit.

"Hey, Cesia." Biglang lumitaw si Ria sa tabi niya. "Kami na ang bahala dito." Nginitian niya ako.

Dinig na dinig ko ang paglakas ng mga katok kaya't inabot ko na kay Ria yung libro. May balak naman talaga akong ibigay ito kay Trev, kung inayos niya lang yung pananalita niya. Siguro kung simpleng utos lang, okay na sa'kin 'yon, pero ang paghinalaan akong itatakas ko yung libro at ikompromiso ang misyon namin? Hindi.

"Let me apologize in behalf of Trev." Ipinatong ni Ria ang kanyang kamay sa balikat ni Trev. "Trust me, he's as good as dead."

Nag-abot ang aking kilay sa sinabi niya. "Ano?"

Nagpakawala si Ria ng mahinang tawa. "Oh wait. Ang ibig kong sabihin, he's as insensitive as a dead person. There's really no hope for him anymore. Ang lungkot lang, diba?" Kumisap-kisap siya.

"Tch." Marahas na ikinibit ni Trev ang balikat niya upang tanggalin ang kamay ni Ria.

Napabuntong-hininga ako saka nginitian si Ria. "Ang lungkot nga." Agad namang nawala ang ngiti ko nang tignan ko si Trev. "Oh sya, aalis na ako. Kailangan ko pang magbihis tsaka magpahinga."

Pagkatapos magpaalam, dumiretso na ako sa kwarto ko.


Ria's POV

"She's gonna start asking questions, Trev." sabi ko sa kanya. "About the things we have yet to tell her."

I received a cold glare which, coming from him, is not unusual. I just sighed and proceeded to open the door. But before that, I made sure to hide the book behind my back. Malakas kasi ang kutob ko kung sino ang nasa labas.

Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa'min ang isang babae. She wore our school uniform, and undeniably, an angry look on her face.

"I know you have it. Give it back, Ria."

"Have what?" I asked, innocently.

Hindi siya umimik at sa halip ay binigyan ako ng nakakamatay na tingin bilang sagot.

"You know something... do you?" Tinignan ko siya nang maigi, mula ulo hanggang paa, sa paraang tila sinusuri ko ang buong pagkatao niya, pati kaluluwa.

"Yes, I know that the council is looking for the book." aniya. "Every oracle knows about it, Ria. Even some of the students from my class."

"At alam mo ba kung bakit nila ito hinahanap?" I tilted my head.

"I... I don't." Lumambot ang kanyang tinig. "Pero alam kong makakatulong ito para malaman ko kung anong ibig sabihin ng mga visions ko."

Pabalik-balik ang kanyang tingin sa'ming dalawa ni Trev bago siya muling magsalita. "I am going to return it, I promise. Just please..." pagmamakaawa niya. "I'm scared. I'm scared that I won't get my answers and when I do, it will be too late."

Olympus Academy (Published under PSICOM)Onde histórias criam vida. Descubra agora