XLVI | The Alpha Way

Start from the beginning
                                    

Mental note. Huwag i-on yung TV kapag nasa presensya ni Art. Delikado.

Tumayo na ako.

Hindi rin naman ako makakapanood nang maayos kaya mas mabuti pa't gawin ko nalang yung Plan B ko: ang lumabas sa balcony at mag-relax.

Pumunta ako sa kusina para magtimpla ng kape na dadalhin ko sa labas.

Nginitian ko lang yung boys nang mapadaan ako sa dining table. Hinayaan ko ang aking mga kamay na gawin ang mga dapat gawin hanggang sa matagpuan ko ang aking sarili na nilalanghap ang isang tasa ng kape. Lumabas ako sa balcony bitbit ito.

Pagkalabas ko, umupo ako sa upuan, kaharap ang malawak na tanawin ng kagubatan at kabundukan sa hangganan ng lupain na abot-tanaw ko.

Tama. Ito ang kailangan ko, dahil ito lang ang alam kong paraan para makalimutan ko yung napanaginipan ko.

Hinipan ko yung kape bago inumin ito.

Habang dinaramdam ang hangin, hindi ko maiwasang mag-alala para sa sarili ko. Wala na akong maiintindihan sa nangyayari sa'kin at sa kapaligiran ko. Paiba-iba nalang ang daloy ng panahon. Parang kahapon lang, unang araw ko pa dito sa Academy, tapos ngayon, kung anu-ano nang mga kaguluhan ang nangyayari.

'This war is just a stepping stone. No more than a piece of a puzzle.'

At ang malaking katanungan ko, ay kung hanggang dito nga lang ba yung gulo... o simula pa lang ito?

• • •

Narinig ko ang pagbukas ng glass panels dahilan na maalimpungatan ako. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo at nakita si Dio.

"It's gonna rain. Just in case di mo alam." aniya.

Kinusot-kusot ko ang aking mga mata. "S-Sorry. Nakatulog ako."

"And your coffee is already cold." dagdag niya.

Dumako ang aking tingin sa kape sa aking harapan na hindi ko naubos. Kinuha ko ito, at tama nga si Dio, dahil kasing lamig na ng hangin yung tasa.

Tumikhim siya. "So, kailangan ko pa bang mag-apologize sa nangyaring bulgaran?"

Napangiti ako saka umiling. "Bago pa ako dito kaya naiintindihan ko rin kung bakit ayaw niyo akong isama sa mga plano niyo-"

"You're underestimating yourself, Cesia. Just because you're new doesn't mean you're weak." Itinukod niya ang kanyang magkabilang palad sa railing ng balcony. "Kung nakikita mo lang yung sarili mo sa trainings natin, then you'd believe me."

Tumayo ako. "Okay then, ano nga ba ang dahilan?" Lumapit ako sa kanya. "Bakit ayaw niyo kaming isali ni Art sa digmaan?"

"To protect you, Cesia." sagot niya. "To protect you and Art, as well as the people around you."

Ewan ko ba kung bakit bigla akong natawa sa sinabi niya. "Sinabi mo 'yon na parang ang laking panganib namin ni Art sa iba."

Tinignan niya lang ako. "Art is the fragile one, isn't she? And we wouldn't want our new member getting hurt, would we?"

Dahan-dahang naglaho ang aking ngiti. "'Yan lang ba ang dahilan kung bakit kaming dalawa lang ang kailangan niyong protektahan?"

Tumakbo ang kanyang tingin mula sa aking ulo hanggang paa. "Let's just say, you two are different." Saka niya pinatong ang kanyang kamay sa balikat ko. "Sapat na ba yung mga sagot ko? Did I satisfy your curiosity?" Nginitian niya ako.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now