Prologue

41.7K 887 69
                                    


"MATTEO! Nasasaktan ako. Matteo. Please. Tama na! Hindi ko na kaya." Ito nanaman ako, kami, hindi ko nanaman mapigilan ang pag-iyak dahil sa pangangaladkad na ginagawa niya sa akin patungo sa likod ng bahay.

"Walang hiya ka talaga. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag na huwag kang papasok sa kwarto ko? Ha? At sabi ko sa'yo diba gawin mo mga trabaho mo! " Bulyaw niya sa akin. Tinigilan niya na ang pangangaladkad niya sa akin pero hawak niya ng mahigpit ang kamay ko. Ang sakit, pinipilipit pa niya yung kamay ko.

"Oo." Matipid kong sagot.

"Eh ayun naman pala eh, pero bakit ang kulit-kulit mo? Gusto mo talagang nasasaktan ka eh? Kung ako sayo, gagawin ko lang ang trabaho ko ng maayos para maayos rin tayo dito sa bahay na 'to!" Bulyaw sa akin muli ng asawa ko.

Napaiyak na lang muli ako dahil nakakatakot. Nakakatakot ang kaniyang titig at sigaw. ASAWA? OO ASAWA KO SIYA! Two years, dalawang taon na akong nagtitiis sa ugali niya. Siguro, ganoon talaga? Kapag mahal mo yung isang tao? Hindi ko alam, nabubulag ako. Gusto ko nang bumitiw pero, ayoko siyang iwan. Ayokong mawala siya sa buhay ko. Kahit na ganito kami ngayon, gusto ko pa rin siyang makasama.

Nakatitig siya sa akin ngayon, namumula ang mata at talagang makikita mong galit na galit siya sa akin.

"A-aray! Matteo, tama na please!" Sigaw kong muli sa kaniya at pagmamakaawa dahil kinaladkad nanaman niya ako gamit ang braso ko na may matinding paghawak. Ang sakit.

"Matteo, nasasaktan ako. Itigil na natin 'to, para mo nang awa." Sigaw ko ulit. Nanlulumo na ako hindi ko na kaya. Ang hapdi na ng tagiliran ko dahil sa sugat nito dahil sa pagkaladkad niya sa akin. Ang dumi dumi ko na rin.

Binuksan niya ang pinto at pinilit niya akong itayo at malakas na itinulak sa damuhan.

"Dahil sa hindi mo pag sunod sa akin, you have no right to enter this house. Tonight, diyan ka matulog sa labas! Magtabi kayo ng aso mo, parehas kayong mabantot!" Sabi niya sa akin. Magpapaliwanag pa sana kahit hindi ko na kayang tumayo pero pinaglock-an na ako ng pinto.

"Matteo!" Sigaw ko sa kaniya kahit wala na akong lakas. Kinalabog ko ang pinto, pero halata rin sa pagkalabog na wala na nga akong lakas.

"Diyan ka matulog, tabihan mo si Fix! Tiisin mo ang lamig. Diba kaya mo namang magtiis? Natiis mo ngang hindi ako sundin eh. Pwes, paruso mo yan! If you open this door and pumasok ka, I'll sue you!" Sabi niya sa akin. Ano ba ang tingin niya sa akin? Bagay at walang buhay? Na kaya lang niyang itapon sa labas kung gusto niya? Na isang bagay na walang pakiramdam, walang sakit at lungkot na nararamdaman? Ang sakit sobra, yung kirot na nararamdaman ko, puso at buong katawan.

Unti-unti akong napaupo dahil sa kawalan ng lakas para gumalaw at dahil sa kapaguran. MAHINA AKO! Bakit ba hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko? Bakla ako pero hindi ako hayop. May puso pa rin ako, isip at pagkatao. Bakit ako ginaganito? Wala naman akong ginawang masama ah? Matteo? May nagawa ba ako?

"Ang kapal talaga ng mukha mo eh! Kung hindi dahil sayo, kasal na ko! Naririnig mo naman siguro ako diba? Lintik ka, napakasama mo. Ginawa mo pa talagang dahilan lahat ng karangalan mo para mapakasalan lang ako. Pwes, dahil diyan, pagsisihan mo." Parang tinaga ang puso ko. Wala na, wala na ang MATTEO BUENAVENTURA na minahal ko. Hindi na siya ito.

Kasalanan ko rin kasi, apaka sama kong tao. Bakit kasi siya pa ang nagustuhan ko.

Apaka walang kwenta kong tao. Hindi ko man lang maipagtanggol ang sarli ko. Bakit ba kasi hindi na lang ako naging lalaking-lalaki? Dahil sa katangahan ko ako ngayo'y nasasaktan.

Mahal ko si Matteo, kahit ano pang sabihin ng ibang tao, hindi ako susuko. Pero kapag hindi ko na talaga kayang kumapit pa. Bibitaw na ako. Pero ngayon, pansamantala muna akong magtitiis. Wala na akong maihaharap kila mama't papa kapag iniwan ko si Matteo. Baka i-down pa nila ako lalo. Matteo, sana ngayon naiisip mo ako. Sana naiisip mo na giniginaw na ako dito. Sana naiisip mo na natatakot na ako dito. Sana maisip mo na ang sakit, ang sakit-sakit na, lahat ng pinaggagagawa mo sa akin. Sana lang, sana.

A Husband's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon