"Ah, may iaabot lang ako sa kanya. Ikaw?"

"Uuwi na din ako. Hinahanap na kasi nila ako."

"Ganoon ba.  Sayang naman, let's have night snacks muna." ani Clinton.

"Clinton! Buti naman you're here na. Where's my report?" ani Rhianne. Inabot ni Clinton ang usb kay Rhianne. So si Clinton talaga pinagawa niya ng reports niya samantala kami nanood lang ng movie.

"Rhianne, niyayaya ko si Natalie magnight snacks. Mukhang ayaw niya." ani Clinton.

"Natalie go with us! Naging hobby na din namin to ni Clinton and Sydney eh. Teka nasaan si Sydney?" tanong ni Rhianne.

"Ah. Nasa bahay nila. Masama daw pakiramdam niya. Galing ako doon at doon ko ginawa report mo."

"Naku, guys im sorry, pero hinahanap na talaga nila ako. 11 na ng gabi, maybe some other days nalang?"

"Hays sige na nga. Clinton, sabay nalang kayo ni Natalie sa pag uwi. Ihatid mo muna siya sa kanila ha. Ingat kayo." ani Rhianne at sumakay na ako sa kotse ko. Nakasunod lang si Clinton saakin hanggang sa makarating na ako sa subdivision. Nang makarating ako sa tapat ng mansyon namin, pansin ko rin na palabas na ng gate ang kotse ni France. Huminto ito ng makita ang kotse ko kaya naman lumabas siya at ganoon din ako.

"Damn Natalie! Saan kaba galing?!" sigaw niya.

"S-sorry." nakayuko kong sabi.

"Brad, relax." ani Clinton na nasa likuran ko na pala.

"Magkasama kayo?" Pasigaw na sabi ni France.

"Woah! Chill brad. Let your fiancee explain first."

Tinugon saakin ni France ang attensyon niya "Speak."

"Galing lang ako kina Rhianne. Boring kasi eh."

"Hanggang 11pm? Sabi ni yaya may araw pa ng umalis ka ng mansyon." Inis niyang sabi.

"Sorry na."

"Bro! Una na ko. Natalie, bye." paalam ni Clinton. Sinundan lang namin siya ng tingin hanggang sa makaalis na ito sa harapan namin. Inutos na namin sa guard na ipasok ang mga kotse namin. Kinulong ako ni France dito sa kwarto ko.

"Bakit mo kasama si Clinton?"

"Hinatid lang niya ako. Pumunta kasi siya sa bahay nila Rhianne, tapos ayoon hinatid na niya ako."

"Yun lang?"

"Oo yun lang. Bakit?"

"W-wala. " he said ang hugged me. "Next time, sasagutin mo kung tumatawag ako sayo. Nag aalala ako sayo. At kung pwede natalie, keep distance sa mga lalake."

Kumalas ako sa pagkayakap niya saakin "Nagseselos kaba sa kaibigan mo?"

"Psh, may reklamo ka?"

"Eh. kaibigan mo naman yon."

"Kahit na. You're mine Natalie. " he said kaya naman niyakap ko siya.

"Iyong iyo lang ako France. I love you so much. Sorry kung pinag alala kita." I said.

Nang lumabas na siya ng kwarto ko, kampante akong humiga sa kama ko ng biglang may pumasok. Si France na may dalang pagkain at unan.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Let's eat. "

"Dito ka namanamn ba matutulog?"

"Why not?" He said.

"France namam eh."

"Bakit Natalie, ayaw mo ba akong katabi sa pagtulog?" aniya at nagpout kaya naman minasamaan ko siya ng tingin.

"Pero-"

"Sige kung ayaw mo. Aalis na ako. Matutulog nalang ako sa kwarto. Goodnight." he said at tumayo siya at lumabas na siya ng kwarto ko. Napantingin ako sa dala niyang pagkain. Isang bowl ng salad. May dala din siyang freshmilk para saming dalawa. Napangiti ako kaya naman pumunta ako sa kwarto niya. Kumatok ako sa pinto at agad tong bumukas.

"Wag ka ng magtampo. " sabi ko.

"Matutulog na ako. Matulog ka na din."

"Pero-"

"Ano?"

"Sa kwarto ka na matulog please." sabi ko at ngumiti siya.

"Cute mo naman mag please." he said.

"Ayaw mo?"

"Gustong gusto. Sabi ko na nga ba di mo ako matitiis eh." he said at nauna pa siyang pumunta sa kwarto ko at napailing nalang ako.

Bago paman ako pumasok sa loob  h kwRto ko, pinagmasadan ko muna ang fiancee ko habang abala siya sa pag set ng Dvd player at mukhang magmomovie marathon kami.

"I love you, France." I whispered

My Casanova King: Nats & FranceWhere stories live. Discover now