chapter60

3.7K 78 3
                                    

Natalie's POV

Nagising ako sa alarma ng cellphone ko. Sinigurado kong magigising ako ngayon ng maaga upang magluto ng agahan. Unti unti kong tinanggal ang kamay ni France na nakayakap saakin. Bago pa man ako tumayo sa kama, hinalikan ko muna siya sa noo niya.
Nang makarating ako sa kusina, natanaw ko si Odessa na nagkakape habang abala sa laptop niya

"Aga mo yata. 4:30 palang." Sabi ko habang nagtitimpla ng kape.

"May nireresearch kasi ako."

"Kagabi pa yan ah. Di pa ba matapos tapos?"

"Iba lang to."

"Ano ba yang nireresearch mo?" Sabi ko at sumilip sa laptop niya ngunit nagulat ako ng bigla niya itong tiklupin.

"No, natalie. Sige na magkape ka na." Aniya at tumayo na siya at lumabas ng kusina dala ang laptop nia.

"Weird naman." bulong ko.

Mukhang kagigising lang ni Yaya Dulce habang ako abala sa pagluluto ng almusal naming lahat, sinabihan ko siyang ako na ang bahala dito kaya naman tumungo nalang siya sa sala upang maglinis. Napansin kong tunog ng tunog ang cellphone ni yaya sa kwarto niya. Mukhang hindi niya to narinig kaya naman naisipan kong kunin nalang sa kwarto niya at ako nalang ang mag aabot sa kanya. Nang makuha ko ang cellphone na nasa lamesa

"Mariel?" Mariel kasi ang pangalan na lumabas sa screen ng cellphone ni Yaya.

"MAAM!" Halos mabitawan ko ang pagkakahawak ko sa cellphone ng biglang magsalita si Yaya sa likuran ko.

"Anong g-ginagawa mo dito maam?" Aniya.

"Ah yung cellphone mo kasi, iaabot ko sana sayo, baka kasi di mo narinig may tawag ng tawag sayo. Mariel ang pangalan. Anak nyo po ba siya?"

"Ah- h-h-hind-di m-maam. P-pamangkin l-lang." aniya.

"Okay ka lang ba yaya? Mukhang may sakit ka? Namumutla ka eh. Naku magpahinga ka muna. Sige maiwan na kita. Rest day mo muna ngayon yaya. " sabi ko at iniwan ko na siya sa kwarto niya.

"The breakfast is Ready." Bulong ko sa sarili ko pagkatapos kong ihanda lahat ng pagkain sa lamesa. Tatawagin ko na silang lahat upang magalmusal na. Pumunta ako sa kwarto ko, nakita kong mahimbing pa ring natutulog si France, nilapitan ko siya at umupo ako sa kama habang pinagmamasdan siya, unti unti kong nilapit ang mukha niya upang bigyam siya ng isang halik sa pisngi nang biglang dumilat ang mata niya na siyang ikinagulat ko.

"Are you going to rape me huh?" he said in a husky voice.

"H-ha? H-hindi no. Feeling mo." irap ko. Hinila niya ako kaya naman napahiga na din ako habang magkayakap kaming dalawa.

"Where's Odessa?" he asked kaya naman kumunot ang noo ko.

"Nasa baba, bakit?"

"Wala. May tatanungin lang ako." He said.

"Kumain na tayo baby."

"Baby nah! Sa labas na tayo mag almusal."

Napayuko ako "Bakit? A-ayaw mo ba dito kumain?"

"Baby kasi nakakasawa na magalmusal dito sa bahay. Let's have a morning date. Biglaan nga lang baby hindi prepared." He said.

"G-ganoon ba. Sayang naman. Sige ipapaligpit ko nalang kay yaya yung mga niluto kong pagkain." I said. Sayang, nageffort pa naman akong magluto ng porkchop, sweet and sour fish at macaroni soup para sa kanya tapos malalaman kong nagsasawa na pala siya dito kumain sa bahay.

My Casanova King: Nats & FranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon