chapter50

2.7K 75 5
                                    

Natalie's POV

Hinatid na ako ni France sa mansyon namin. "Salamat" sabi ko bago pa ako makababa sa kotse niya. Napansin ko ring bumaba din siya ng kotse niya "Saan ka pupunta?" Tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

"Hindi mo ba ako papapasukin sa inyo."

"Hindi. Kaya umuwi ka na." Utos ko.

"France! Naku iho, long time no see!" Ani nanay nang sumulpot siya bigla sa gate.

"Nice to see you again tita. Kaso hindi na ako magtatagal. Ayaw naman akong papasukin ni Natalie sa mansyon nyo." ani France at napout pa. Sarap sapakin ang daming drama kay nanay

"Nay uuwi na siya kasi busy siya."

"Hindi naman talaga ako busy eh." ani France. Minasamaan ako ng tingin ni Nanay

"Oh hindi naman pala busy eh. Pumasok ka iho, dito ka na rin maghapunan. Marami tayong pagkwekwentuhan." ani nanay at inalalayan pa si France papasok ng mansyon.

"Oo nga po mukhang marami tayong dapat pag usapan." Ani France kay nanay at tumingin siya saakin at nginitian ako. "Bwiseet!" bulong ko sa sarili ko bago pa man sila tuluyang makapasok sa loob.

"Hay naku France, alam mo ba kinabahan ako kanina. Mabuti nalang talaga at nandoon ka at naligtas mo ang anak ko." ani nanay habang inaabot yung tinimpla niyang juice para kay France

"Next time natalie wag kang aalis ng mag isa." sabi ni France kaya naman tumango nalang ako. Totoo naman ang sabi niya, next time talaga hindi na ako aalis nang mag isa.

"Kaya nga nag hire ako ng personal guard at driver para kay Natalie. Kaso itong si Natalie tumakas pa sa Driver niya. Next time talaga hinding hindi ko na sila hahayaang humiwalay kay Natalie." Ani nanay.

"Ang OA naman nun Nay!" sabi ko.

"OA na kung OA. Hindi kaba natatakot simula ng may magpadala sayo ng Death note?"

"Death note?" ani France kaya naman pinandilatan ko si Nanay

"Oo France. Bakit hindi ba nakwento sayo ng Mommy mo na may nagpadala ng death note kay Natalie sa America?"

"She didn't tell anything to me about that."

"Bakit naman sasabihin ng mommy sayo? Wala ka ngang concern sa company, saakin pa kaya?" sabi ko.

"And who told you na wala akong concern sa company?" mariing sabi ni France

"Ako! Totoo naman diba France? I told you na wag mo munang iiwan ang Aquirez Tower. Pero umuwi ka dito. Kung hindi mo kayang gawin ang obligasyon mo edi sana sinabi mo saakin agad para hindi ko nalang iniwan don."

"Psh, may inaasikaso din ako dito."

"Inaasikaso? Sino ang inaasikaso mo? Yung girlfriend mo? Bakit hindi mahiwalay yang girlfriend mo sayo? Sana bago yan ang inuna mo, inuna mo muna yung mga problema sa AquireZ Tower."

"Psh, ano ba ang pinagsasasabi mo!?" sigaw niya.

"France, kung hindi mo kayang iwan yung professor namin, edi sana ako nalang ang nagpaiwan sa America!"

"What? Are you referring to Steffi? Ano ba ang problema mo sa kanya?" sarkastikong tanong ni France.

Oo nga ba. Bakit ganoon nalang ang reaksyon ko. Hindi ko alam pero parang sinisisi ko si Steffi sa pag uwi ni France dito sa Pilipinas. Hindi ko na lang siya pinansin at umakyat nalang  ako at nagkulong sa kwarto ko.




My Casanova King: Nats & FranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon