chapter47

2.6K 68 2
                                    

Natalie's POV

Mabuti nalang talaga at maaga kaming dinismiss ngayon. Nakareceive ako ng email galing kay Adrian. Ang sabi niya kailangan ko raw bumalik ng America kahit isang linggo lang. Marami daw mga dapat asikasuhin at nagiging problema don reklamo ng mga employees. Nang mapadaan ako sa Faculty room, lumakas ang kabog ng puso ko nang makita ko si France nakasandal sa pader habang ang dalawang kamay niya ay nasa magkabilaang bulsa niya. Nang mapansin niya ang presensya ko, agad ko siyang nilapitan dahilan ng pagtayo niya ng maayos ng magkaharap kami.

"What?" He said in a sarcastic voice.

"Babalik ako ng America."

"Why?"

"Pinapabalik ako ni Adrian. Marami ng conflicts at complains ang mga employees. I need to fix this."

"Psh, sa tingin mo hindi ko kayang ayusin yon?" he said at nagtagpo ang kilay niya.

"Oo nga sa tingin ko hindi mo kayang ayusin yon." sabi ko sa kanya.

"What the hell did you just say?!" Sigaw niya kaya naman nakaramdam ako ng kirot dito sa puso. Pero kailangan kong sabihin sa kanya ang katotohanan na hindi ako natuwa sa pang iwan niya sa Aquirez Tower na ang sabi niya hindi niya ito pababayaan hanggat nasa Pilipinas ako.

"Kung hindi mo din lang pinanindigan ang sabi mong hindi mo pababayaan ang kumpanya, ako nalang ang aayos. Total, pag mamay ari naman yun ng lolo ko, it's my job to fix this."

"Ako na ang aalis."

"Ako na France! Hinding hindi talaga kita maasahan."

"Edi ayusin mo! Ano ba ang problema mo? Bakit mo hindi iutos nalang saakin. Aabsent ka para lang don?"

Nakaramdam ako ng inis sa sarili ko maging sa kanya kaya naman hindi ko nalang siya pinansin at nagwalkout nalang ako. Bago paman ako makalayo sa kanya, pinigilan niya ako. Hinarap niya ako sa kanya. Nawala ang galit sa mukha niya. Naging maamo uli ito kaya naman ang puso ko bumilis na naman ang tibok.

he sigh "Im sorry Baby" he said at niyakap niya ako. Para akong may sakit sa puso. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Parang may nagkakarera sa katawan ko. Parang ewan. Tinawag niya ako ng baby kaya naman kinakabahan ako. Kumalas na siya sa pagkakayakap saakin at hinawakan niya ang kamay ko

"Madali lang ayusin yan. Hindi na natin kailangang pumunta ng America. Ako na ang bahala diyan." Aniya.

"Bumalik ka nalang ng America, France" Sabi ko sa kanya bago ko pa iya tuluyang iwan sa pwesto namin kanina.

Nag email ako kay Adrian na aalis ako ng America. Hindi ko nalang ipapaalam kay France. Ayokong magtalo pa kaming dalawa.
Nagpabook agad ako ng ticket at bukas agad ang alis ko. Tinawagan ko si Rhianne at sinabi ko sa kanya na aalis ako ng America. Ang sabi niya sasama siya saakin. One week lang naman. Gusto niyang bumalik ng America kaya naman nagpabook na din siya ng ticket.




Los Angeles, California

Wala pa kaming pahinga ni Rhianne at dumiretso agad kami sa Aquirez Tower. Pagkababa na pagkababa palang namin ng eroplano, tumawag agad si Adrian saakin na may malaking problema ang kompanya. Nang makapasok ako sa conferenceroom, kitang kita ko ang mga expresyon ng mga empleyado naming americans at pinoy na takot sila at mukhang kinakabahan. Naupo si Natalie sa likod at tumungo ako sa harap para kausapin sila.

"Spill it out". I said.

"M-maaam."

"I said, Spill it out!" sigaw ko.

"M-maam n- nakawan po tayo ng 50million dollars." Ani ng pinoy naming employee sabay abot sa mga folders saakin. Binagsak ko ang folders sa lamesa.

"How does this happen?! Are you doing your job?"Sigaw ko.

"Y-yes maam."

"Saan na napunta ang pera? Who are the Finance Officer?"

"M-maam ako po." sabay taas ng kamay ng isang babae na nasa kaedaran na ng 30s

"Did someone ask a money to you without our permission?"

"M-maam wala po talaga. Nasa taas lang po ang may kakayahang kumuha ng pera ng hindi dumadaan sakin."

"Attorney Adrian, anong pwede kong gawin?" Seryoso kong sabi kay Adrian. Bakas din sa mukha niya ang pag aalala sa kalagayan ng kompanya namin.

"Malaking pera ang nawala sa inyo Miss Aquirez. Kung icoconvert natin sa Philippine money ang nawalang pera, billions ang nawala sainyo."

Napahilamos ako sa mukha sa sinabi ni Adrian. "Sino sa tingin mo ang nagnakaw?"

"Mga Aquirez at Garcia lang ang may kakayahang kumuha ng pera."

"Pero impossible namang isa saamin ang kumuha ng ganoong kalaking pera. As far as I know, kami lang ni France ang pwedeng kumuha ng pera sa kompanya."

"'Nagkakamali ka, Miss Aquirez. Hindi yan ang nasa mga pinirmahan mo."

"A-anong pinirmahan?"

"Hindi mo ba binas ang pinapirmahan ko sayo noon? Na lahat kayo sa pamilya niyo at sa pamilya ng Garcia ay may karapatan sa negosyo? Makukuha nila ang lahat, sa inyo lang ito pinangalan."

"Pero sino naman sa pamilya namin ang gagawa noon? Walang alam si Nanay diyan, pati si Natasha at Nadie nga din."

"Pag usapan niyo yan ni Mr. Garcia." ani Adrian kaya naman napaupo ako sa upuan ko.

"Okay go back to your work." sabi ko kaya naman nagsilabasan sila at naiwan kami ni Adrian at Rhianne.

"Natalie, sino sa tingin mo ang gagawa niyan sa company?" ani Rhianne.

"Hindi ko rin alam, Rhianne. Kailangan kong makausap si France. Adrian, pabalikin mo ng America si France bukas." utos ko kay Adrian bago paman kami lumabas ng conference room.

***

Tatlong araw na ang lumipas ngunit hindi nasulpot si France sa Aquirez Tower. Ayon kay Hannah nang makausap ko siya sa skype, parati daw itong nasa SBIS kasama ang professor namin na si Steffi. Kaya naman nakaramdam ako ng inis sa kanya. Hindi ko alam pero sobra ang galit ko sa kanya ngayon. Pagod na pagod na ako. Tatlong araw na rin akong walang ganang kumain at kulang ako sa tulog. Pinaiimbestigahan ko kung sino ang may gawa nito ngunit hanggang ngayon wala pang update.

Nandito ako ngayon mag isa sa isang coffeeshop. Magkikita kami ngayon ng mommy ni France. Nang mabalitaan niya ang problema sa kompanya, agad siyang pumunta ng America at nakipagkita saakin. Lumapad ang ngiti ko ng mapansin ko ang isang batang babae na pumasok sa coffee shop, nang lumingon siya sa akin, aga siyang ngumiti at tumakbo papalapit saakin

"Ate Natalie!!!!!"

Niyakap ko siya ng sobrang higpit. "I missed you Stacey!"

"I missed you too ate Natty!"

Naupo si Tita Amesyl sa harap ko "Hello tita." I said.

"Nangangayayat ka Natalie. Huwag ka naman masyadong magpapastress. Tandaan mo, marami kang malalapitan." ani tita amesyl kaya naman nakaramdam ako ng gaan ng loob. Alam ko na matutulungan ako ni Tita sa problema ko. Kaya naman, marami siyang kinontak ngayon sa cellphone niya. Umorder nalang kami ni Stacey ng pagkain. Pati si Tita Amesyl, kumain na rin.

"Natalie, umuwi ka na ng Pilipinas." Ani tita Amesyl.

"P-pero hindi ko po pababayaan ang-"

"Trust me Natalie, I can handle this. According to my husband, marami ka ng absenses, graduating ka pa naman. Prioritize your studies Natalie."

Yumuko ako. Nahihiya ako kay Tita Amesyl, "Tita, sa totoo po nahihirapan din ako. Gusto ko pong matapos na ang problemang to."

Hinawakan ni Tita ang kamay ko "Umuwi ka na. Maraming magandang mangyayari sa buhay mo sa Pilipinas kesa dito. You're too young to handle the situation. Let me fix this." Aniya kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

My Casanova King: Nats & FranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon