chapter20

3.9K 126 5
                                    

Mariel's POV

Isang linggo na akong nagkukulong dito sa bahay. Hindi ako kumakain minsan , hindi ko rin kinakausap ang mga magulang ko.

"Mariel, buksan mo itong pinto" sigaw ni mommy.

Simula ng makick out ako sa Saint Benedict Int'l School, ganito na ako. Talagang kinakalaban ako ng Rhianne na yan, maging si France at ang girlfriend niyang si Natalie.

Habang kinakalikot ko ang ipad ko sa kaka stalk sa facebook ni France, bumukas ang pinto at nakapasok si mommy

" Mom leave me alone." I said. Ngunit hindi siya nakinig saakin at umupo siya sa harap ko.

"Bakit ba nagkakaganyan ka?" Aniya

Nagbuntong hininga ako "Mom, mahal ko pa rin si France."

"Pero may girlfriend na siya anak."

"Kaya nga mom. Pinilit ko silang kalabanin ngunit ako pa rin ang talo."

"Kasi nagpatalo ka."

Tinitigan ko si mommy.

"But mom, I cheated on France."

"Hindi mo ba sinabi ang totoo sa kanya anak?"

Umiling ako "Bakit ko naman sasabihin sa kanya."

"Sabihin mo sa kanya ang totoo na hindi mo mahal si Jed at kaya ginawa mo yon ay para din kay France."

Tama ang sabi ni mommy. Hindi ko mahal si Jed, alam kong may relasyon l sila ni Rhianne. Ang pamilya ni Jed ang business investors ng kumpanya nila France. Mahal ako ni Jed kaya bilang kapalit, magiging kami at magpapatuloy sila sa pag invest sa kompanya nila France. Kung hindi ko 'yon sinang ayunan, malulugi ang kompanya nila France. Kaya bilang pang bawi ko sa matagal na panahon na iniwan ko siya, ginawa ko yon para din sa kanya. Umuwi ako dahil magpapakasal na sana kami ni Jed kaso nangibabaw pa rin ang pagmamahal niya kay Rhianne kaya naman napag usapan namin ng maayos na wag nalang ituloy ang kasal at natuwa naman ako, naging mabait na kaibigan ngayon saakin si Jed at dalawa kami ngayong nahihirapan maibalik ang loob saamin ng mga minamahal namin. Kaya nag enroll ako sa SBIS para kunin uli ang loob ng mahal kong si France pero huli na pala ako, kasi may girlfriend na siya. Niligawan ako ni Lance pero parang wala akong naramdaman sa kanya, matagal na din akong mahal ni Lance kaya naman sagad ang pagbisita niya saakin sa ibang bansa. Nang makauwi ako ng pilipinas, nagkita kami upang sabihin sa kanya sana ang totoo kaso parang may gusto akong gawin kay Lance. Gusto ko siyang gamiting susi para mapalapit ako kay France ngunit nabigo ako.

"MAybe not now mom."

Bumalik ako sa pagkakahiga ko at nagtakip ng unan sa mukha ko, gusto kong umiyak.

"Magpapatalo kaba anak? Ginawa mo yon para sa kanya, kaya kunin mo ang nararapat para sayo. Ipaglaban mo siya." Ani mommy. Tinanggal ko ang unan na nakatakip sa mukha ko

"But mom?"

"No buts anak. Harapin mo ang babaeng umagaw kay France saiyo."

Bigla akong nabuhayan, tama si mommy. Hinding hindi ako magpapatalo. Kukunin ko ang nararapat para saakin

"Babawiin kita France." Bulong ko sa sarili ko.



Natalie's POV

Abala kami ngayon sa palengke kasi bukas ang fiesta saamin kaya naman tag ubos ang karne sa palengke. Tuwang tuwa si nanay kasi halos maubos na lahat ng paninda namin

"Nay, may handa ba tayo sa fiesta?" Tanong ni Natasha

"Oo naman anak! Natalie, imbitahin mo ang mga kaibigan mo bukas ha." Ani nanay at tumango ako.

My Casanova King: Nats & FranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon