chapter26

3.4K 88 2
                                    

Rhianne's POV

"Rhianne, hindi ka pa ba oorder? Mahigit isang oras na tayo dito, baka magalit na satin yung staffs dito." Ani Natalie.

"Ssshhh saglit lang." Bulong ko.

It's saturday, kahit alam kong busy siya, nagpumilit ako sa kanya na samahan niya ako sa kakastalk kay Jed.
Buti nalang pumayag siya at sumama saakin.

"Mahal mo pa ba?" Natigilan ako sa kakatingin kay Jed sa sinabi ni Natalie

"Ewan." Sagot ko.

"Ayon ayon tumayo na siya." Ani Natalie kaya mas tinaasan pa namin yung dyaryo na nakatabon sa mukha namin.

Hindi na ako nag abalang sundan pa siya. Mukhang wala naman siyang date eh. Balita ko, hindi natuloy ang kasal nila ni Mariel dahil ako pa rin ang mahal neto. Pero hindi ako tanga para bumalik pa sa kanya. Hindi ko alam kung mahal ko pa siya basta gusto ko siyang makita paminsan minsan. Hindi ko naman din gusto na bumalik kami sa dati. Ewan ko, naguguluhan ako.

Nang makaorder na kami, panay tawanan kami dito sa starbucks kaya naman pinagtitinginan na kami halos ng mga tao dito. Puro kalokohan kasi pinag uusapan namin gaya nalang ng nagtrending sa youtube na sumayaw ng Tatlong Bibe tapos yung Nahulog log log something. Hahaha.

"Rhianne, diba si Mariel yon?" Bulong ni Natalie saakin ng nakarating kami sa parking lot.

"Nagkita kaya sila ni Jed? Sht dapat sinundan pala natin." Bulong ko.

"Baka naman coincidence lang." Aniya

Naabutan kami ni Mariel na nakatingin sa kanya at nilapitan niya kami.

"Well well well." Ani Mariel na nakapamewang.

"Anong kailangan mo?" Patary kong tanong

"Sinusundan mo ba ako?" Aniya

Nagkatinginan kami ni Natalie atsaka tumawa ng malakas dahilan ng pagtagpo ng kilay nito

"Hahahahahaha. Bakit ka naman namin susundan? Ano ka celebrity?" Pang asar kong sabi.

"Why not? Diba nagseselos ka kasi may bagong pinalit si Jed sayo?" Aniya

"Hindi naman kayo diba?" Nagulat ako ng nagsalita si Natalie

"Woah. The girlfriend of France Garcia. Sinabi na ba niya sayo?"

"Ang ano?" Tanong ni Natalie

"Ohhhh. Wala siyang alam. Hindi pa ba niya nasasabi sayong ikakasal na kami?" Aniya

Mas laking gulat ko nang sampalin ni Natalie si Mariel sa pisngi nito kaya naman ngumiti ako ng parang nagtagumpay kasi alam kong nagulat din si Mariel.

"Wag na wag mong gagawin o sasabihin yan sakin kasi kahit kailan, hinding hindi mo maaagaw saakin si France!" Sigaw ni Natalie kay Mariel

"Walang hiya ka!" Bago paman masampal ni Mariel si Natalie, pinigilan ko na ito

"Wag na wag kang magkakamali na saktan ang isa saamin. Stupid girl!" Sabay bitaw ko sa kamay niya

"Sisiguraduhin kong saakin ang bagsak ni France!" Sigaw niya bago pa siya tumungo sa kotse niya.

"Asa ka!" Sigaw ko.


My Casanova King: Nats & FranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon