chapter59

2.9K 83 7
                                    

Natalie's POV

"France a-anong ginagawa niya dito?" Tanong ko sa Fiancee ko nang makarating ako sa sala.

"Ah. Mr. Del Castro. This is my fiancee, Natalie. Natalie, siya ang mag oorganize ng kasal natin. The theme, venue, everything." ani France. Nakipag kamay nalang ako sa baklang si Mr. Del Castro at naupo kami sa sofa.

"Hindi kaya masyado pang maaga? France gusto ko kasi grumaduate muna." bulong ko kay France. Hinawakan niya ang kamay ko "I know baby. Gusto ko lang maging prepared ang lahat. " aniya.

"Naku Maam Natalie. Hindi pa nga siya nagpropropose sayo kinontrata na ako.  " ani Mr. Del Castro.

"Excited lang." Bulong ko sa sarili ko.

Pinakita saamin ni Mr. Del Castro ang iba't ibang uri ng theme na pwede naming sundin sa kasal namin. Pwedeng beach wedding. Magsusuggest na sana ako ng beach wedding nang biglang magsalita si France.

"I want our wedding to be the best and unforgettable wedding. So baby, what do you want? Well for me, gusto ko sa simbahan kami ikasal and the reception should be planned."

"Ah. Ikaw bahala France." nakangiti kong sabi.

"Mas mabuti pa sigurong pag isipan niyo muna. Biglang nabibigla natin ang fiancee mo. Ikaw talaga pamangkin, masyado kang excited. Dont worry di ka naman tatakbuhani ni Maam Natalie. Unless nalang magloko ka." Biro nya.

"Aiys. Siguro nga. Am i too damn excited? Pero mas maganda kasi kung habang maaga pa planado na." ani France.

"I understand France, pero pag usapan muna natin to ng maayos. " sabi ko.

Umalis si France upang ihatid si Mr. Del Castro sa kanila. Ayon kay France, tiyuhin niya ito at siya ang mag aasikaso sa kasal namin.

Alas singko na ng hapon wala pa rin si France. Hindi pa siya nabalik, e kanina pa siya 1pm umalis. Naisipan kong umalis muna at pumunta sa bahay nila Rhianne. Namimiss ko na din kasi sila.

"Oh! Hi Natalie." Nagbeso kami ni Rhianne.

"Busy kaba?"  tanong ko

"Ah. Gumagawa lang ng reports. Pero nakuu makikigala ka ba? Go ako diyan." aniya.

Gusto ko sanang makipamasyal sa kanya sa mall kaso baka di kayanin ng konsensya ko kung mag cramming siya mamaya upang matapos lang niya ang reports niya.

"Hindi. Pwede bang dito lang muna ako? Boring kasi sa bahay eh."

"Naku! Gusto ko yan! Namiss kita eh. Halika doon tayo sa kwarto ko."

Hindi talaga nagpatibag si Rhianne, hindi niya ginawa ang mga reports niya. Nanood lang kami ng horror movies. Nakasanayan na kasi namin tong dalawa. Hindi ko namalayan ang oras at alas 11 na pala ng gabi. Kaya naman kinapkap ko ang cellphone ko ngunit wala ito sa bulsa ko

"Rhianne, kukunin ko lang cellphone ko sa kotse. Baka kasi tumatawag na si France. Mag aalala yon saken."

"Sure."

Kinuha ko ang cellphone ko sa kotse, hindi nga ako nagkakamali, 100+missedcalls and 100+sms mostly galing kay France, yung iba naman kay Natasha at kay Nanay, sinasabing nag aalala si France saakin. Dinial ko ang number niya ng mapansin kong may humintong familiar na kotse sa harapan ko at inabangan ko kung sino ang lalabas sa kotse

"Clinton? Anong ginagawa mo dito."

"Hi Natalie. " Nakangiting sabi ni Clinton.

"Ah. Bibisitahin mo ba si Rhianne?" tanong ko.

My Casanova King: Nats & FranceWhere stories live. Discover now