chapter56

2.7K 88 12
                                    

Natalie's POV

Nang imulat ko ang mga mata ko, nakita ko agad ang mga nagtataasang building dito sa Manila. Nakarating na pala kami ng Manila sa wakas. Doon kami nagpalipas ng gabi ni France sa resthouse nila sa Subic. Madaling araw kaming umuwi kasi may pasok ako ngayon at hindi ako pweden umabsent.

"Good Morning Baby." He said at umayos ako sa pagkakaupo ko.

"GoodMorning baby."

"Baby, I'm sleepy." He said.

"Naku, gusto mo bang ako nalang magdrive? Matulog ka muna medyo malayo pa tayo."

"Tsss I know marunong ka na magdrive pero I won't let you drive a car. "

Nagpout ako "Bakit naman."

"Wag kang mag pout."

"Bakit?" Nagtagpo ang kilay ko.

"Mas lalo akong naiinlove sayo." Aniya. Napayuko ako sa sinabi niya at namimula ang mga pisngi ko sa kilig.

"Edi wow." Bulong ko.

After 30mins nakarating na kami sa mansyon, umakyat agad ako sa kwarto ko at nag prepare for school. 6:00 am palang naman at 8:30 ako papasok. Nang makababa ako para mag almusal, natanaw ko si Natasha, Nadie at Nanay na nag aalmusal.

"Oh ate, kamusta ang short vacay?" Ani Natasha. Kumunot ang noo ko.

"Paano niyo nalaman na hindi ako umuwi kagabi?"

"Duh ate. Pinagpaalam ka kaya saamin ni Kuya France." Nakangiting sabi ni Natasha.

"Ayeeeh ate inlove." Pang aasar ni Nadie at tumawa naman sila Nanay.

"Anak puntahan mo na ang boyfriend mo, pakainin mo na." Nakangiting sabi ni nanay.

"Nay naman eh." Sabi ko at tumungo na sa kwarto ni France. Kumatok ako at bigla naman nyang binuksan. Napatakip ako sa mukha gamit ang folder na dala ko "M-magb-bihis k-ka n-nga." Nauutal kong sabi at tumawa siya

"Bakit baby, am I seductive? Sorry baby hindi pa kita inaakit pero naakit ka na." He smiled.

"Ewan ko sayo." Sabay talikod ko ngunit pinigilan niya ako.

"Wait. I'm sorry baby. Nag bibihis lang kasi ako. Ihahatid pa kita sa school."

"Pero inaantok kapa. Magpahinga ka na lang."

"But Natalie."

"Please baby." I said.

"Hmmm. Kiss me first."

"Ayoko nga."

Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin papasok sa kwarto. Magkayakap kaming dalawa ngayon. Naamoy ko na rin ang mabango nyang hininga "Baby ihahatid parin kita sa school niyo. Mahirap na no. Baka may umagaw pa sayo saakin. You're mine Natalie." He whispered and he kissed my forehead.

Kumalas sya sa pagkakayakap saakin "Ok sige." Sabi ko.

**

Saint Benedict Int'l School

Magkahawak kamay kaming naglalakad papunta sa classroom namin. Maraming nagtitinginan saamin at naghihiyawan sa kilig

"Woaaah! What's the meaning of this!" Nakangiting sabi ni Dazh. Kasama nito ang girlfriend nyang si Brandice.

" Hello Natalie." Nakangiting sabi ni Brandice.


Pinulupot ni France ang mga bisig niya sa bewang ko "Bagay ba kami?" Nakangiting tanong ni France. Nagtititili sa kilig si Brandice "Omg! Kayo na ulit? Im so happy!" Ani Brandice.

"Im so happy for you Nat." Sabi ni Dazh at napayuko ako "THANKS."

Nang matapos ang classes namin, dito ako naghintay kay France sa President's office. Isang oras na akong naghihintay sa kanya ngunit hindi pa siya na dating. Alas dos palang naman ng hapon siguro busy siya. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto, isang studyanteng hindi ko kilala ang pumasok

"Wala dito si-"

"Miss Aquirez, pinapapunta po kayo ni Maam Demakulang sa field." Aniya at kumunot ang noo ko

"Bakit daw?"

"Di ko po alam napag utusan lang."

"Sige. Susunod ako." sabi ko at lumabas na ito. Prof ko si Maam Demakulang kaya naisip ko may sasabihin yata sya saakin.
Agad akong tumungo sa Field, pansin ko rin ang napakaraming estudyante na todo tili, mas lumakas ang tili ng dumating ako. Nagbigay daan sila saakin habang ako ay nagtataka pa rin kung anong meron. Di nagtagal sa paglalakad ko, natanaw ko ang limang casanova na sila France, Lance, Dazh, Clinton at Travis na may hawak na mga gitara samantala si France naman may hawak na microphone.

"Hello baby." France said at nagtilian ang mga tao dito.

"A-anong ibig sabihin nito?" Nauutal kong sabi habang papalapit ako sa kanila. Natanaw ko ang kapatid kong si Natasha at ang mga kaibigan ko na sina Sydney, Brandice, Rhianne, Hannah, Alecia, at Odessa na nasa gilid at halatang kilig na kilig sila.

"Natalie, I know you know how much I love you. But please, for now, let me say and show it to everyone how much I love you."

Malakas ang tilian ng mga estudyante dito. Kitangkita ko din ang pamumula sa kilig ng mga kaibigan ko.

Biglang tumunog ang string ng gitara ng mga kaibigan ni France

Sa isang larawang kupas ay aking nasilayang muli ang ating lumipas
Kung maibabalik ko lamang panahon at ang oras
Hindi sana lungkot at pagsisisi ang dinaranas
Hanggang sa mga sandaling ito di ako nagbabago
Taglay ko pa rin ang damdamin sa'ting lumang litrato
Ngunit sayo, ewan ko ikaw ba'y iba na buhat ng tayo'y magkalayo

Nagkatinginan kami ni France. Napangiti ako kasi ang baduy naman tagalog kinanta niya tapos medyo luma pa pero kinikilig ako kasi bawat lyrics ng kanta, parang sumasapul sa puso ko.

Kapit kamay tayong dalawa nakangiti at kapwa masaya
At ang tunay na pagmamahal nakalarawan kahit kupas na
Isa itong yaman ng puso ko, makulay na yugto ng buhay ko
Bumabalik ang ligayang lipas, salamat sa larawang kupas

Isa isang lumapit saakin ang mga kaklase ko at inabutan ako ng isang petal of rose kada isa sa kanila

"Natalie wag mong sayangin ang effort namin ha." Ani ng President ng Students council na classmate ko.

Hanggang sa mga sandaling ito di ako nagbabago
Taglay ko pa rin ang damdamin sating lumang litrato
Ngunit sayo, ewan ko ikaw ba'y iba na buhat ng tayo'y magkalayo

Kapit kamay tayong dalawa nakangiti at kapwa masaya
At ang tunay na pagmamahal nakalarawan kahit kupas na
Isa itong yaman ng puso ko, makulay na yugto ng buhay ko
Bumabalik ang ligayang lipas, salamat sa larawang kupas

Ooohhh... Hooh... Salamat sayo... Ohh... Hooh salamat sayo...

Lumapit saakin si France at kaya naman biglang lumakas ang tilian ng mga tao dito. Napansin ko ring nandito sila nanay maging sila tita Amesyl at tito Paul.

"Natalie, I know this is too fast pero gusto ko ng gawin to kasi takot akong maagaw ka saakin ng iba." Ani France habang hinihimas ang mga kamay ko.

"France." Napayuko ako.

Don't tell me.....

Oh my! Lumuhod siya sa harapan ko. Kaya naman panay talon ng mga studyante sa kilig.

"Natalie, will you marry me?"

My Casanova King: Nats & FranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon