Chapter 35: LOL

Beginne am Anfang
                                    

"I told you already the password!"

"May balak ka na naman bang pagtripan ako? Anong sinabi mo na? Eh nakalimutan mo nga eh!"

"Shit! You are so dumb!"

Awtz! Ako? Dumb?

Lumapit siya sa table ko at inopen yung laptop niya.

"I'll show you the password" At binagalan niya yung pagtype ng password para makita ko yung keys na pipindutin niya.

N-A-K... And the letters he typed goes on.

Pagkatapos niyang itype yung password ay na open na yung laptop.

Ako? Napatunganga na lang.

"I told you, I already said the password. Now, finish the task that I gave you" At pumasok na sa office niya. Naka smirk pa siya.

Naisahan ako dun ah! Pero ang astig.

'NAKALIMUTAN KO' Yan ang password ng laptop niya. Gusto kong matawa na ewan.

Kakaibang password. Gawin ko nga ring password ng netbook ko.

Low gets ako kanina. Nakalimutan ko. Nice one.

******************************

Time na ng uwian at buti na lang mabilis kong natapos yung pinapagawa sakin. Hay naku. Hindi pa rin ako makaget over sa 'NAKALIMUTAN KO' na password.

Matapos kong masave yung ginawa ko, nag browse muna ako sa laptop ni Charles. Ang boring naman, walang games at puno ng mga documents na pang opisina lang talaga.

Pasensiya na ha. Curious lang ako kung ano ang laman ng laptop ng asawa ko.

Kahit movies wala. Videos meron, pero puro naman porn. Nakakadiri. Siguro araw araw niya itong pinapanood.

Tumingin naman ako sa mga pictures. Wala ring something interesting. Merong pictures pero puro logo lang ng company.

Sasaraduhin ko na sana nang may makita akong folder dun na 'Untitle' lang ang nakalagay. Nacurious ako kaya inopen ko siya. Pag open ko, may isang picture kaya para mas makita ko pa, ginawa kong full screen at viola. Tumambad sa akin ang picture ng isang babae.

Napatitig ako doon ng ilang segundo.

Babae nga. Nakaside view at natatakpan ang mga mata nito ng bangs pero kitang kita mo pa rin sa ilong at labi nito na maganda siya. Medyo blurred din.

Para akong nakaramdam ng ewan sa dibdib ko. Yung feeling na parang nasaktan ako? Di ko maexplain eh.

Marrying My Boss [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt