Ang laman kasi nung envelope ay mga picture namin Charles during the community immersion. Yun yung mga picture yun na kalat na kalat na sa FB kaya ayoko nang buksan yung account ko. Di ko aakalaing pinadevelop yun ni Kelly! Aaarrgh! Lakas talaga ng trip ng babaeng yun.

Di bale, sesermonan ko ang babaeng yon mamaya. For now, tatapusin ko muna ang pinapagawa sakin ng asawa ko este ni Sir Charles.

Bigla namang bumukas yung pinto ni Charles este Sir at mukhang may pupunta.

"I have to talk to the other board members. Just stay there and finish what your doing" Okay. Aalis na sana siya nang tinawag ko siya. May nakalimutan kasi akong itanong.

"Sir wait!" Tumigil na naman ito sa may pintuan at tiningnan niya ako ng may pagtataka.

"What?"

"Ah eh. Ano bang password ng laptop mo?"

"Nakalimutan ko" And there. Lumabas na siya ng opisina. Tatawagin ko pa sana siya pero nakalayo na siya.

Hay buhay! Ano na naman bang trip na lalaking yon at mukhang gusto na namang makipag biruan sa akin? Hindi na nakakatuwa ah!

Paano ko matatapos ang powerpoint na ito kung hindi ko maopen ang laptop niya dahil hindi ko alam ang password. May nalalaman pa siyang nakalimutan niya, eh sarili niya yung gamit. Dapat alam niya!

Aba bahala siya. Imbes na matapos ko na itong pinapagawa niya, mas lalo tuloy ako nitong matatagalan.

Ilang oras na ang lumipas at hindi ko pa rin nasisimulan yung pinapagawa niya. Nak ng! Kung anu ano nang tinype ko sa password pero hindi ko pa rin mahulaan.

Kung bakit ba kasi umandar na naman ang baliw na utak ni Charles. Paano niya nakalimutan ang napakaimportanteng password?

Naisipan kong mamaya na lang pagdating ni Charles. Baka bukas pa ito kailangan, pwede ko namang gawin pag-uwi namin sa bahay.

Nga pala, almost a month na rin ang nakakalipas mula nung mangyari yung community immersion, meaning 2 months nang married ang aking status. Hanggang ngayon ay kalat pa rin sa FB yung mga picture namin ni Charles kaya hindi ko na magawang mag open ng account ko. Nahihiya pa rin akong makita ang mga yun, tapos si Kelly pinadevelop pa. Wah!

Dahil hindi ko maopen ang laptop ni Charles yung ibang bagay muna ang inasikaso ko.

After a while..

"Have you finish the slideshow? I need it now so I can already review it" nagulat na lamang ako nang pumasok siya. Wooo.

"Hindi ko pa po tapos eh" Kailangan niya na ngayon? Eh hindi niya nga binigay yung password eh. Talagang gusto niya na naman akong pahirapan.

"What? I need it now"

"Paano naman ako makakagawa ng slideshow na yan kung hindi ko alam kung ano ang password? Bakit pa kasi nakalimutan nung may-ari ang password ng kanyang laptop" Pinarinigan ko talaga siya. Hindi na ulit ako papayag na pahirapan niya muli. Natuto na ako eh.

Marrying My Boss [Completed]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα