I tried again. I really tried. Pero wala parin talaga. Then I tried another and another and another and kada "another" ko may sapok ako mula sa babaeng ito. Aba, sabi na kasing Impossible eh. Pssh >______<

"Eeh!" she groans

"Sorry naman oh? Impossible game nga yan kasi!" I sighed tapos nanahimik nalang kaming dalawa.

Tapos may dumating na bata na naki-insert ng token. Lakas ng loob ng batang to, kala mo naman makakakuha siya. Nagstart na yung machine tapos walang kahirap hirap na...

"Yey! Galing ko talaga. Papakita ko to kay Mommy and Daddy!" sabi niya habang nagtatalon tapos umalis papunta sa kung saan.

Our jaw dropped. Nagkatinginan kami ng babaeng katabi ko.

"Impossible Game pala ha? Talo ka lang nong bata. Hahahahahahahaha" sabi niya sabay nagtatawa na parang timang.

"Ewan ko sayo"

Hinawakan ko yung kamay niya at dadalhin ko na sana doon sa nilalaro niya dati ng may nakinig akong grupo na nagtatatawa. Paglingon ko, nakatingin sila samin..

"Hahahaha. Wala pala e. Talo pa ng bata ano pare?"

"Oo pare. Hahahahaha"

Eh? Uminit bigla yung dugo ko at binitawan ko yung kamay niya. Lumapit ako sa kanila.

"Ako ba yang tinutukoy niyo ha? Mga gago kayo?" sabi ko tapos pinagduduro ko sila tapos tumayo sila na parang naghahamon ng away.

"Oo bakit. Sadya naman diba? Bulok ka!" sabi nong isa

"Hahaha. Amin nalang yang dala mong babae ng magkaigi tayo dito" sabi noong isa pa

"Oo nga. Bibigyan namin yan ng teddy bear" sabi pa noong isa

"Teddy bear niyo mukha niya nito" 

Akmang susuntok na ako ng nahawakan ako ng isang kamay sa likod ko. Napatigil ako noong naramdaman kong may nakayakap sa likod ko. Lumingon ako sa kanya at nakita kong paiyak na siya. Namumula na yung mukha niya.

"Tutee. Wag na. Pleasee. Ayoko na ulit ng away" she said

Naalala ko na ayaw niya nga pala ng mga away. Naalala ko yung gulo na nagawa ko sa National Library sa may labas. Naalala ko yung mukha niya noon. Yung takot niya. Parehas na parehas sa takot niya ngayon. Kaya niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ko siya sa noo niya.

"Ssh, hindi na. Aalis na tayo" sabi ko sa kanya sabay tumalikod na ako doon sa mga lalaking yon. Hindi ko nalang sila papansinin para sa kanya. 

Habang palakad kami palabas, nagiba agad yung mood nitong babaeng ito. Hinigit niya ulit ako paloob. At niyaya akong maglaro doon sa piso piso ang huhulugan T___________T Damn weirdo. 

"Tutee! Pengeng piso" sabi niya then I rolled my eyes tapos binigyan ko siya.

"Eh! Di pa nahuhulog! Isa pa!"

Eh may magagawa pa ba ako? Buti may barya ako ditong 10 pesos. Pero di pa rin daw nalalaglag yung mga piso. Hangga't sa naubos ang barya ko tapos nagdabog siya sa harapan ko.

"Eh! Nakakainis naman na machine to! Ayaw mahulog nong mga piso! Ugh!" sabi niya tapos sinipa niya yung machine. 

"Huy, may alarm yan. Bawal sipain" sabi ko

Gusto niya kasi malaglag yung mga piso para may tickets. Pero ewan ko ba, ang malas niya dito. Di talaga mahulog hulog yung mga piso niya.

"Tutee, may barya ka pa ba?" tanong niya sakin tapos tiningnan ko wallet ko.

She's O.B.M.Where stories live. Discover now