XLII | God of Connections

Magsimula sa umpisa
                                    

"So, they already know about the machines' existence." ani Dio. "And now they want us to look for one of them."

"Inulit mo lang ang sinabi ko, bro." nababagot kong sabi.

Sinummon ko ang weapon ko at pinalutang ito sa ibabaw ng palad ko. Tinignan ko ang kapangyarihan sa pagitan nito at ng aking balat. Wala naman akong nakikitang tali o liwanag. Sa halip, nakikita ko ang repleksyon ng enerhiya na matatagpuan sa isang barrier.

Naalala ko ang sinabi ni Hermes sa'kin dati...

Ayon sa kanya, makapangyarihan ang isang tao na may kakayahang bumuo at manatili ng anumang koneksyon, katulad nalang ng koneksyon sa pagitan ko at ng weapon ko... pati na rin ang koneksyon ko sa mga kaibigan ko, sa Alphas.

Dahil bilang god of trades, roads, at travelers, naniniwala siyang konektado ang lahat.

Tinignan ko ang dahan-dahang pagbaba ng weapon sa'king kamay. Pagkatapos, kinuyom ko ito.

Naniniwala si Dad na may kakayahang gumawa ng malakas na buhawi ang isang munting paru-paro.

Ibinaba ko ang aking mga paa mula sa mesa. "Nga pala..." Umayos ako sa pagkakaupo. "Nakakausap niyo pa ba yung deities n'yo? Sobrang tahimik ata nila ngayon eh."

Sa simula, napaka-active nila. Napaaga nga yung claiming ceremony namin eh. Tapos ngayon, wala na akong mensahe na natatanggap mula kay Hermes. Ni hindi ko na gaanong naririnig ang boses niya, di katulad ng dati.

Hmm... nagloloko na naman ba ang kalangitan?

"We've noticed that too, Chase." pagsang-ayon ni Kara.

"But to hell with them." dagdag naman ni Ria. "Kung ano mang problema nila, sa kanila na 'yon. We have our own problems to face. We don't need them, just as they don't need us."

"Kaya siguro nagkakaproblema tayo dahil sa walang-tigil mong pang-iinsulto sa deities, Ria." Pinasadahan ko siya ng tinatamad na tingin. "Para naman kasing machine gun 'yang bunganga mo pag sila na yung pinag-uusapan."

Hinanda ko ang sarili ko na lumayas sa pwesto habang hindi pa lumilitaw ang isang espada sa kamay niya.

"O di kaya, napuno na sila sa katarantaduhan mong gago ka-"

"Or possibly, naingayan sila sa'nyong dalawa." sabat ni Dio. "Can you guys stop with the constant arguing? Ano ba talagang meron at bakit kumukulo ang dugo niyo sa isa't-isa? Can't we have a serious meeting? Just for once?"

Nagpalitan kami ni Ria ng matatalim na tingin.

"He's the one who started it."

Magsasalita na sana ako pero pinigilan ko nalang yung sarili ko at piniling manahimik.

Pasalamat yang Ria na 'yan at pinalaki akong humble. Tch. Sobrang humble ko kaya ibibigay ko nalang sa kanya ang huling linya sa round na'to.

Atsaka, ramdam ko rin yung galit ng anak ni Zeus dito sa kinauupuan ko kaya pass muna ako mga tsong.

"Pero ano ba talaga ang hahanapin natin? As far as I can remember, there's two machines, right? The Elite and Seht?" Madaling naibalik ni Ria sa dating topic ang pag-uusap. "So alin ba sa dalawa?"

"Either one." sagot ni Kara. "Both of them are primarily made up of the same stuff. The only difference is that the Seht is an enhanced version of the Elite."

"Chase, did you go to his house in the mortal realms?" tanong ni Trev.

Tumango ako. "Wala akong nahanap na kakaiba. It was just as you described it. Alikabok lang ang sumalubong sa'kin."

Olympus Academy (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon