43 - Together again

49.1K 1.2K 272
                                    

GEORGINA


Earlier that morning, naka-receive ako ng text message galing kay Samantha. Kakalabas ko lang galing shower room nang matanggap yun.

Sam 💕
Good morning, Gee.

Me:
Good morning, sammie. 😻❤️💖💗

Sam 💕
How's your sleep?

Me:
Mabuti naman, Ikaw, nakatulog ka ba? 🙊

Sam 💕
I had a hard time, sleeping. I can't stop thinking about the kiss.

My heart suddenly leaps. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi.

Last night, Sammie and I kissed. And it was not just an ordinary kiss, but it was a kind of kiss that we usually shared ever since kami pa dati, sweet and passionate. Hindi ko tuloy maiwasang bigyan yun ng meaning.

Wala sa sariling nahaplos ko ang labi ko. I closed my eyes to savor the memory of our kiss. Feeling ko may nagbago simula ng mangyari ang halik. Ngunit ayokong pangunahan si Sam, ayokong umasa.

Napatingin ulit ako sa reply niya.
Nag-dadalawang isip akong sagutin siya, ngunit sa huli ay nag-reply ako.

Me:
Me too, I can't stop thinking of you. 😘

Sam 💕
Can we start over again?
You and me?

Napasinghap ako kasabay ang malakas na pag-tibok ng puso ko. Mabilis akong nag reply.

Me:
Babe, YES!!! Of course, we could start over again.

Sam 💕
❤️😍🙊

Me:
I love you so much.

Naghintay ako sa maging sagot niya, pero lumipas ang ilang minuto ay hindi na ulit siya nag reply. Agad nagbago mood ko. I waited for another spare minute pero sampung minuto ang lumipas ay hindi na ulit siya sumagot. Ugh, I definitely don't get her! Ang hilig niya talagang mang-bitin!

I smiled bitterly. Another false feeling. Lumabas nalang ako sa cabin at nagtungo sa kinaroronan ng mga kaibigan ko.

"Morning, Guys." I greeted my friends. There was a sad tone on my voice at mukhang nahalata 'yon ng mga ito.

"Hi, George." sabay-sabay na bati nila.

"You seem sad?" ani Czarina.

"Don't mind me," sabi ko lang saka umupo sa tabi nila.

"Good morning, Tita Gigi!" bati ni Flynn. Lumapit ito sakin at kumandong sa lap ko.

"Hello, baby girl." Hinagkan ko ang sa noo nito. "How's my little angel?"

"I'm fine po, tita." nag-kiss ito sa pisngi ko bago ulit bumalik sa tabi ng mommy Ava nito.

Wala akong ganang kumain ngayon kaya nag-tea at sandwich lang ako. Pagkatapos ng breakfast ay muli akong bumalik sa cabin para ayusin ang mga gamit ko.

Saglit akong tumigil sa paglalakad nang tumapat ako sa nakasiradong pinto ng cabin ni Samantha. Gustong kong buksan yun at sunggaban siya ng mahigpit na yakap o kaya salubungin ng halik.

Ayokong umasa pero hindi ko maiwasang isiping may pag-asang maging kami ulit. Base na rin kasi sa mga ipinakita niyang kilos kahapon 'nong kasama ko si Brad. Nagpapakita siya ng dahilan upang bigyan ko 'yon ng kahulugan.

Loving the Enemy (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #1) | ɢxɢ ✔️Där berättelser lever. Upptäck nu