16 - Still in trouble

46.9K 1.3K 408
                                    

Date published: 04/30/2016



SAMANTHA


Nawalan ako ng ganang umalis ng bahay pagkatapos naming mag-usap kanina ni Keziah. Aaminin ko't natatakot ako sa presence niya.

Kilala ko siya. She's a major red flag. Hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang kanyang gusto. As much as possible kilangan ko siyang pigilan sa anumang plano niya bago pa man ito malaman ni Georgina. Ayaw ko pa naman itong madamay sa mga kalokohang pina-plano ngayon ni Keziah, lalo na't may alam ito sa relasyon namin. Natakot ako na baka ibenta nito 'yon sa mga showbiz insiders. It would harm our careers.

Kinuha ko ang cellphone ko saka tinawagan si Kiel. Isa ito sa mga nakaka-alam tungkol sa past namin ni Keziah.

"Hello, Sam?" he answered.

"Kiel, may nangyari at---"

"Huh?! Ano?! Bakit, nadisgrasya ka ba? Saang hospi--"

"Sira, walang nangyare sakin." putol ko sa ibang sasabihin niya. Napaka-OA.

"Sorry, o ano bang nangyari?"

I took a long breath. "She's here, Kiel. Bumalik siya."

"Sinong siya?"

"The ex,"

Napasinghap ito. "Oh no. You mean si...?"

"Keziah," sagot ko.

"Keziah Romanov?"

"Oo at nandito siya kanina sa bahay." sinabi ko lahat ang tungkol sa nangyari kanina. "Kiel, as much as possible please huwag mong sabihin kay Georgina ang tungkol sa kanya."

"Paano na yan, girl? Tumawag kanina sakin si George, tinanong niya 'ko kung mag-kasama ba daw tayo."

"Ano ang sabi mo?" Kinakabahang tanong ko.

"Malamang sinabi ko na hindi tayo magkasama, na...day-off mo ngayon."

I groaned inwardly. Di ko masisi si Kiel dahil wala naman itong alam sa pangyayari kanina.

"I'm sorry, Sam. Kung alam ko lang e di sana di ko sinabi."

"Okay lang, Kiel. It's just that, paano ko ba'to e-explain kay Gee? I lied to her,"

"I think it's better if you'll tell this to her. Para maging aware din siya kay Keziah."

Napaisip ako. "You're right. Pero hindi muna sa ngayon."

"E kailan ba?"

"Basta. I have to go now, Kiel. Thanks."

"Anytime Sam, just call me when you need me," tinapos na nito ang tawag.

Huminga ako ng malalim saka tinawagan sila Cara at Trixie para sabihin sa kanila ang tungkol sa pag-babalik ni Keziah. We talk for about half an hour bago ako nagpaalam.

I was about to turn off my phone when Georgina's name appeared on the screen. It was a text message. Agad ko yung binasa.

Baby 🙈💕
I'm coming over at your parent's house, wala ka sa unit mo; some shooting pala ha? 😒😤😠

Ito ang message natanggap ko sa kanya.
Marahan kong nai-hilamos ang palad sa mukha ko. Argh, great! Emoji pa lang ay tila pinapatiwatig niyang galit siya.

Narinig ko ang pag-bukas ng pinto ng kuwarto ko kaya napalingon ako. Nakita ko nakatayo duon ang isa sa mga katulong namin.

"Ahm ma'am Sam, may bisita ho kayo."

Loving the Enemy (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #1) | ɢxɢ ✔️Where stories live. Discover now