19 - Shock

36.5K 1.1K 147
                                    

Date published: 05/28/2016



GEORGINA


Sabado ng gabi, tumambad sakin ang maraming taong nagsasayaw sa malawak na bulwagan ng malaking bahay ni Marianna La Croix Monseretti, ang lola ko. Nasa grand planes village kami ngayon. Ang masiglang tunog mula sa ukelete at gitara ang nagpapaindak sa mga bisita. Puno ng halakhakan at kuwentuhan ang bulwagan ng gabing ito.

"Belle." tawag ko sa kaibigan ko, nandito kami sa isang sulok kung saan nakapuwesto ang mga inomin. Lumingon siya sakin.

"Ang daming guwapo, 'no?" she said while giggling. Isabelle was right, there are a lot of handsome men but I don't find them attractive. "Oh god, George, sino ba yun?" turo niya sa lalaking nakatayo sa may buffet table. Kausap nito ang Lola ko. Napangiti ako. It's my cousin Noah. Isa itong chemical analysis sa New york. Himala at nakauwi ito. It's been a while since I saw him.

"He's my cousin," sagot ko.

"Really? Gosh, ang guwapo naman."

"Yeah but he's already taken. Girlfriend niya yung sikat na News Journalist sa RIBC."

"Madaming sikat na News Journalist sa RIBC, sino ba 'don ang tinutukoy mo?"

"The owner herself, Maureen Ricci."

"Ay, bf pala ni Maui yan."

"Yup kaya huwag mo ng ituloy ang balak mo."

"Girl, I wasn't planning to flirt with him though. Maui might wring my neck."

"You're friends with her?"

"We have a lot of common friends kaya medyo close na rin kami."

Mahina akong natawa saka kami lumapit kay Noah para kausapin ito. Nagtagal ng dalawang oras ang kwentohan namin bago nag-paalam si Belle dahil maaga pa daw siya bukas. Inihatid ko siya papunta sa nakaparada niyang kotse. After niyang mag-paalam ay pinuntahan ko ang lola ko para mag-paalam din dito. Gusto ko ng mag-pahinga kaya kailangan ko na ring umuwi.

"But you can stay here, apo. May mga spare rooms naman doon sa itaas at nandun rin yung ilan sa mga damit mo, it's getting late na." sabi ni lola habang pinigilan akong umalis. I smiled amusingly at her. Fine, tutal birthday naman nito, pag-bigyan ko na lang.

"Okay, la. I'll stay."

"Good, o sige na, magpahinga ka na, alam kong pagod ka na."

Tumango ako saka pumasok nasa loob ng bahay. Ginamit ko yung room na usually ginagamit ko sa tuwing nandito ako.

I took a long shower before wearing my nighties. Paghiga ko sa kama ay tiningnan ko ang phone ko. I didn't receive any calls and messages from Samantha today. Usually sa ganitong oras ay tinatawagan niya na ako through viber o di kaya nag videochat na kami. She's probably busy right now in Singapore.

I tried to dial her number pero hindi niya sinagot. I tried again, longer this time, pero tulad kanina ay ganon pa rin. It was ringing but still no answer. Nagtaka ako kaya napabangon ako. I dial her number again and again pero hindi niya parin 'yon sinasagot. Nagsimula na akong kabahan. Baka may nangyaring masama sa kanya.

Tinignan ko ang screen ng phone ko, I already made 45 missed calls. Why isn't she answering?

I dial her number once again at sa wakas sinagot niya na.

"Hello, Sammie? Bakit ang tagal mo---"

"Excuse me?" putol ng tinig mula sa kabilang linya. Nagsalubong pareho ang kilay ko. Hindi 'yon boses ni Samantha.

Loving the Enemy (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #1) | ɢxɢ ✔️Where stories live. Discover now