03 - Premiere Night

75.5K 2.2K 1.4K
                                    




MAKALIPAS ng mahigit tatlong buwan, natapos rin namin ang taping ng pelikula. Next week na yung Premiere night kaya naman panay ang tv guestings namin. Kahit may alitan kami ni Georgina ay pareho naming tiniis ang presensya sa isat isa. Napaka-unprofessional naman tingnan kung hindi kami makipag-cooperate.

Anyways, it's sunday at guest ako ngayon sa isang talk show ng IBN. Nasa hot seat ako and I must admit medyo kinakabahan ako, lalo na't si Boy Iglesias o Tito Iggy ang mag e-entertain sa akin. Tito Iggy is known to be the king of talk.

Mga random questions lang naman ang tinatanong nito sakin na mostly tungkol sa family, lifestyle, love life etc. Pero nang tanongin nito ang tungkol sa alitan namin ni Georgina, 'don lang ako bahagyang nailang.

"Samantha, alam namin lahat ang tungkol sa alitan ninyo ni Georgina Monseretti, it's been two years at hanggang ngayon wala kaming alam kung ano ang dahilan sa away ninyong dalawa. I have a question, sana hindi mo isipin na nakikialam ako, but i'm just curious.......what is the reason behind of it?"

Sasabihin ko ba? Nah, ayoko nga. Kaya instead of answering Tito Iggy's question, I just gave him a simple smile.

"For now, tito iggy, I don't want to talk about it."





•••




GEORGINA


"You know what George? May topak talaga ang babaeng 'yan. I mean, hindi lang siya kundi ikaw na rin. Ano ba kasing problema niyo ha?" inis na tanong sakin ni Peter. We are watching the live interview of Samantha De Rossi sa isang sunday oriented talk show ng IBN.

Hindi ko pinansin si Peter, nanatili lang akong tahimik habang nakatingin sa screen ng tv. Pati rin ako ay walang alam kung anong problema ni Samantha sakin. I mean honestly speaking wala talaga akong matandaang kasalanan sakanya. Noong kapwa teen stars kami ay wala naman kaming naging alitan noon, sa katunayan nga I really want to make friends with her because I could feel na may special bond kami. Ngunit hindi yun nangyari dahil mabilis yung pagsikat namin. Wala na akong masyadong oras para mapalapit sa kanya. Years had passed bigla na lang siyang naging masungit sakin. At first it was tolerable, but as the time goes by sumusobra na siya at hindi ko na 'yon natiis. At dahil naiinis na rin ako sa mga pagsusungit niya, heto sinosungitan ko narin siya. So annoying.

I heaved a sigh and took a moment to stare at her face.

Samantha De Rossi is a very beautiful woman, no doubt about that. She had long, wavy slicked back raven-brown hair and a lean and well-toned body too. Nakaka-agaw pansin din ang height niyang 5'9. Mas matangkad siya ng konti kaysa sakin. I only stood up 5'8.

At bagama't hindi kami in good terms, nirerespeto ko pa rin siya bilang actress. Also, hindi siya magtatagal sa industriya kung pagandahan lang ang baon niya. Magaling siyang umarte, a very versatile actress. Kahit anong genre ay mahusay niyang nagagampanan ang karakter niya; Mapa-action, romance-comedy, heavy-drama ay kayang-kaya niya. No wonder maraming tao ang humahanga sakanya at isa ako sa mga 'yon. Yeah, I hate her, pero hindi ibig sabihin 'non ay hindi na ako humahanga sa angkin niyang talento. Unfair nga e, I'm her fan girl pero siya? Pupusta ako't puro negative impression lang ang meron siya tungkol sakin.

I sighed again. "Pabayaan mo nalang siya, Peter. Kahit nga ako hindi ko alam kung ano ang problema niya sakin, bahala siya sa buhay niya. I have no idea in this so called "War"."

"Eh di wow." sagot ni Peter.









NAG ready na ako para sa gaganaping Premiere night. Abala akong inaayusan ng mga stylist na kasalukyang nilagyan ng make-up ang mukha ko.

Loving the Enemy (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #1) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon