26 - Naughty 🔞

59.4K 1.3K 168
                                    


Ang malakas na tunog ng alarm sa cellphone ko ang nagpagising sakin kinaumagahan. Bahagya akong uminat at humikab. I opened my eyes and wandered the entire room. Mataas ang sikat ng araw at sakop ng buong liwanag ang buong kwarto.

Nakaramdam ako ng mabigat na bagay sa bandang tiyan ko kaya't sinilip ko yun sa ilalim ng comforter para alamin. Napangiti ako nang makita ang braso ni Sammie nakayakap sa akin. Lumingon ako sakanya dahilan para mas lumawak ang ngiti ko. Bahagya kong itinukod ang kaliwang braso ko sa kama para mapagmasdan siya ng mabuti. Mahimbing parin ang tulog niya at mukhang pagod na pagod siya. Maybe it's the effect of her drunk ass last night. And speaking of that, naalala ko tuloy ang pangyayari kaninang madaling araw. My cheeks heat up.

Gosh! I can't believe how embarrassed I am. I just hope Samantha will not tease me about it. I'm pretty sure hindi niya 'yon nakakalimutan. Knowing her, mapang-asar din siya.

Tiningnan ko ang orasan sa night stand and it's already 8 AM in the morning. Kaya pala mataas ang sikat ng araw. Muli kong ibinalik ang atensyon sa mukha ni Sam at inilapit ang sarili ko sakanya para bigyan siya ng magaang halik sa pisngi. Aw, she's so beautiful. Mas lalo pa yata siyang gumanda sa aking pangingin. I'm so happy that I was able to bring her back to me, akala ko susuko na siya. I know I hurt her so much and I'm guilty about it. Kung sana nga pinakingan ko nalang siya dati hindi sana mangyayari ang away namin. I know my jealousy is way over reacting pero hindi niyo naman ako masisi, sadyang selosa talaga ako and I highly accept that.

I gently traced my fingers on Sam's cheeks up to her eye lashes at saka bahagyang nilaro-laro ang mga ito, kapagkuwan ay malambing kong pinindot-pindot ang ilong niya.

Bumangon ako saka kinuha ang calling card ng hotel at tumawag sa landline. I ordered some heavy breakfast for us. After kong mag-dial bumalik ako sa kama. Gising na si Sam at bahagyang kinusot-kusot ang mga mata niya. Ang cute 🥹

"Good morning baby." malambing na bati ko.

"Morning babe." clingy siyang yumakap sa'kin.

"Masakit pa rin ba yung ulo mo?" tanong ko habang minasahe ang noo niya.

"Medyo." sagot niya saka isinubsob ang mukha sa leeg ko.

"I already ordered our breakfast, kailangan mo kumain ng marami para mawala yang sakit sa ulo mo."

Hindi sumagot si Sam kaya naman mahina kong tinampal ang braso niya.

"Baby nakinig ka ba?"

"My head hurts." mas lalo niyang isiniksik ang sarili sa akin.

"Should I call your manager? Sasabihin ko sa kanya hindi ka pa makakauwi ngayon at sabay na lang tayo bukas."

"Ang lambing ng boses mo ngayon, babe." may bahid na tuksong sabi niya. "Salungat 'nong mga nakaraang linggo."

"Gustong mong awayin ulit kita?"

Mabilis siyang umiling. "Hindi na, takot ako sayo."

Mahinang akong natawa.
Di nagtagal ay dumating na yung agahan namin. Sabay kaming kumain at pagkatapos nauna na siyang naligo.

While my girl is on the shower room, I went outside the terrace and do some yoga. I do this all the time and it's one of my daily exercise routine.

I was doing the forearm plank nang makita ko si Sam lumabas na ng shower. Suot niya ang damit ko. Marahil napansin niyang nakatingin ako sakanya kaya napalingon siya sa kinaroroonan ko. Nakangiting lumapit siya sa'kin.

"Maligo ka na." kinuha niya ang towel sa rack at pinunasan ang pawis sa aking mukha. Di pa siya na-kontento, pinunasan niya rin ang leeg ko hanggang sa bumaba yun sa dibdib ko. Bahagya akong napa-ingtad nang maramdaman ko ang kamay niya doon. Malaki ang ngisi niya ng gawin 'yon.

Loving the Enemy (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #1) | ɢxɢ ✔️Where stories live. Discover now