38 - Final decision

37.4K 1.1K 451
                                    


2 DAYS after. Napatitig ako sa hawak kong passport habang nakaupo sa gitna ng kama.

Kaninang umaga pinadala sakin ng secretary ni Peter ang isang passport at plane ticket. Naka tanggap din ako ng mensahe sakanya para ipa-inform sa akin na kailangan ko na daw maghanda para sa flight

I bit my lip worriedly. Peter is just giving me another reason to decide whether I'm going to leave the country or not. I'm so confused right now, either me to go or stay.

Napabuntong hininga ako.

Kung tutuusin gustong-gusto ko talagang umalis ng bansa, ngunit hindi madaling gawin ang desisyon kong iyon dahil alam ko magagalit na naman sa akin si Samantha.

Aaminin ko, hindi ko na kaya tiisin ang mga buwelta sa akin ng mga tao. Araw-araw sa tuwing naririnig ko ang pangalan ko tungkol sa controversial scandal namin, nanghihina ako. Hindi ko na kaya marinig ang paninira nila sa akin, hindi ko narin kaya makita ang sarili ko na laging pinag-uusapan at pinag-tatawanan ng lahat.

This is the reason why I want to stay away for a while. I need to relieve myself from trouble. I want to avoid the negative criticism of other people. I need to ease the pain the media caused me.

Ilang araw ko na din hindi binubuksan ang mga social media accounts ko dahil alam kong puro pang-babatikos lang ang mababasa ko doon.

The devastation of online attacks had leave me a deep mental scar. The issue is taking over my life. I hate being spoken out in public and knowing that many people out there watching our video, sharing them to others and others will do the same!

Fuck! Hiyang-hiya na ako sa sarili ko, hindi ko na alam kung anong mukha ang mai-haharap sa publiko. My name is really in big trouble; my sophisticated figure is now turning up-side down. Walang araw na hindi ako mapa-iyak sa sitwasyong kinasasadlakan ko ngayon. I just couldn't take this anymore.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang passport at ticket. Napahugot ako ng malalim na hininga bago dinampot ang cellular upang tawagan si Peter.

Nakapag-desisyon na ako. Aalis ako.

"Hello, Georgina? Ano na?" agad bungad sa akin ni Peter sa kabilang linya.

"Oo." tipid kong sagot.

"Really? Thank god at pumayag ka na."

Napakagat labi ako. "I first need to convince, Samantha. Kailangan ko muna siyang kausapin at ipaliwanag sa kanya ang tungkol sa plano ko."

"Sige. Aasahan ko iyan. But as soon as makausap mo siya at kapag pumayag na siya, kailangan na natin umalis at--"

"Peter, don't rush me, just give me time." I cut him off. "Hindi madali ang gagawin ko."

He heaved a sigh. "Okay, I'll wait."

"Thanks, Bye." pinutol ko na ang tawag at inilapag sa night stand ang phone ko saka tumayo paharap, ngunit agad akong natigilan nang makita ko si Samantha nakatayo sa nakasaradong pinto. "Sammie."

"Akala ko ba hindi ka na aalis?"

"B-baby--"

"Gee, you told me hindi ka na aalis. Bakit bigla na naman nagbago ang isip mo?"

"Sammie look." lumapit ako sa kanya. "Baby, please makinig ka muna."

"Ano naman ba ang drama mo?"

Napakagat labi ulit ako. "Let me explain."

Tumahimik naman siya, pero bakas sa mukha niya ang galit.

"Hindi ko na kaya." mahinang sabi ko. "Nakapag-decision na ako, aalis talaga ako."

Loving the Enemy (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #1) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon