32 - Missing babe

37.5K 1K 127
                                    

Date published: 09/12/2016



GEORGINA



"Thank you sa pag guest mo sa show ko, Georgina."

"You know I can't say no to you, Miss Angela." nakangiting sagot ko sa may edad na talk show host ng IBN. Kakatapos lang ng show nito na Keep up with Angela kung saan ako ang inimbitahan nitong special guest. Pabalik ako sa Studo 5 nang makasalubong ko ito.

"Ang ganda ng topic natin kanina, I really enjoy it. Sana sa susunod na i-invite kita tungkol naman sa love life mo ang pag-uusapan natin." she said while giggling. Natawa ako.

"Love life? Don't worry tita, we'll get there. I promise sasabihin ko yan sayo pag may karelasyon na'ko."

"Alam mo? hindi ako naniniwala na hanggang ngayon, after your previous relationship with Brandon Sy, wala ka paring bagong boyfriend."

Lalo akong natawa. My god Tita, if you only knew wala akong boyfriend, instead I have a Girlfriend who's wickedly hot as hell.

"I'm sure there's someone. Ayaw mo lang ipaalam sa publiko."

Amused akong umiling. "Tita, wala na akong balak mag-ka boyfriend."

Umangat isang kilay nito. "Sa dami ng lalaking nag-kakandarapa sa'yo wala kang mapili? Georgina, you're beautiful and successful. You've got everything, but you're not getting any younger."

"Tita, I'm only twenty-seven."

"Hey, I'm not pushing you to get married. I'm just saying that most of the ladies at your age, nag-se-settle down na, ang akin lang e gusto kong makita sa publiko na masaya ang isa sa mga hinahangaan kong artista sa industriya."

I feel a soft touch spreading through my chest. "Thank you so much, Tita."

"Miss Angela, 5 minutes until the show starts." tawag ng isang crew.

Tumango si Tita Angela dito bago ulit humarap sakin. "Thank you ulit sa pag-guest, Georgina. Next time kapag-inimbintahan kita, dapat kasama mo na ang taong minamahal mo."

I laughed again. "Alright, tita. Soon."

"Very well." nakangiting nagpaalam na ito sakin at naglakad palayo. Ako naman ay tumuloy sa lobby kung saan naghihintay sakin si Peter.

"Kinukulit ka na naman ni Miss Angela?" he asked.

"As usual."

"Let me guess, tungkol na naman sa lovelife mo inuungat nya?"

Bumuga ako ng hangin bilang sagot.

Paglabas namin ng IBN ay nakita ko sila Ava at Trixie na masayang naghaharutan sa isa't-isa. Agad akong napalingon-lingon sa paligid. Godness! Masyado talagang PDA ang dalawang 'to, baka mahalata sila.

I call out their attention by calling their names. Ava met my gaze while Trixie just playfully winked at me. Mabilis akong lumapit sa kanila.

"Ano ba kayo? Mag-ingat nga kayo sa galaw niyo, baka may makahalata sa inyo."

"OA lang George? There's no one around, except you and Peter." sagot ni Ava. "Hi manager P." bati pa nito.

"Hey." masayang sagot naman ni Peter.

"Still you need to be careful, lalong lalo ka na Trixie. Bawas-bawasan mo nga ang kaka-akbay kay Ava."

"Really, huh? Para namang hindi din kayo PDA ni Sam."

"Excuse me, we're not. Alam ni Sammie lumugar, unlike the two of you kahit saang planeta pa yata ilagay ay over makapag-Public Display of Affection."

Ava and Trixie just both laugh saka mahigpit na niyakap ang isa't-isa.

Loving the Enemy (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #1) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon