01 - Pictorial

200K 3.1K 1.5K
                                        

Date published: 04/15/2016



GEORGINA


It was a cold Saturday morning, kasalukuyan akong abala sa pagbabasa ng scripts ko nang tumunog ulit sa ika-pitong beses ang cellphone kong nasa ibabaw ng lamesa.

Inis ko ulit itong binalingan ng tingin at napabuntong-hininga. Kanina pa 'to nagiingay at kanina ko lang din 'to ini-ignora. I'm too busy reading and concentrating on my movie scripts, ayokong ma-distract.

"Fuck," Irritation filled me. And with a heavy heart, I answered the phone call without looking at the caller's id. "Hello?"

"Oh great, mabuti naman at naisipan mo nang sagutin ang tawag ko?" bungad sa akin ng caller sa kabilang linya. Bahagya akong natigilan at tinignan ang screen ng phone ko. Double fuck.

"Peter? I'm sorry for the missed calls. What is it?" tanong ko sa aking manager na si Peter Cristobal.

"Sa susunod, sagutin mo agad ang tawag ko, ha? You know i hate being ignored, Georgina."

I rolled my eyes. Malay ko bang siya ang tumawag? "Duh, busy ako dito at ayoko ng distraction."

"Whatever. Anyways, where the hell are you? Bakit wala ka sa condo mo? I was there lately. Saang planeta ka na naman ba napadpad?"

I rolled my eyes again and took a sip of my favorite coffee drink. "I'm here at my parent's house. It's weekend, remember?"

"What!? Bakit nandiyan ka? Di mo ba alam na ngayon ang schedule ng photoshoot mo sa La Greta!?"

"Huh?" nabitin ako sa pag enjoy sa ininom kong kape.

"Letche ka, Georgina. 10 am magsa-start ang shooting mo, and it's already 8:45am!"

Mabilis kong inabot ang notepad ko para alamin ang schedule ng activity ko ngayong araw. Triple fuck, Peter was right.

"Shit. I'm going to end this call, mag-hahanda na ako."

"As you should." aniya, bago pinutol ang linya.

Dali-dali akong umalis sa kinauupuan ko at pumunta ng shower room. Mabilis akong naligo, nag-ayos, at nagbihis. I choose to wear a simple get up. A lavender skinny jean paired with navy blue tank top with three inches tiger printed stilettos.

Pinasadahan ko ng buong tingin ang sarili ko sa salamin, at nang makontento na ay lumabas na'ko ng kuwarto at bumaba ng hagdan.

I saw my parent's together with my siblings having breakfast in our kitchen. Lumapit ako sa kanila para mag-paalam.

"Mom, Dad, I have to go. I'm sorry, tinawagan kasi ako ni Peter ngayon. Nakalimutan ko may photo-shoot pala ako ngayong araw."

"Ganon ba, kailan ka makakabalik?" tanong ni mama.

"I'm not sure yet, pero dito ako matutulog mamaya." i leaned in and kissed her on the forehead. "I have to go now. Bye, everyone." 

"Ayaw mo bang magpahatid sa Driver natin?" tanong ni Papa habang hindi inalis ang mata sa binasang newspaper.

"It's okay, dad. I'll just bring Matilda with me."
ang tinutukoy kong Matilda ay ang personal assistant ko.

"Alright, mag-ingat kayo."

"I will, toodles!" lumabas na kami ng mansyon at sumakay sa kotse ko. Awtomatic na binuksan ng mga security guards ang gate. I started my car's engine and drove away. I was humming while listening to an old english rock song on the stereo. Ngunit lumipas ang dalawampong minuto ay nag-papadyak ako sa inis. Paano ba kasi? Ang traffic!

Loving the Enemy (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #1) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon