06 - Dinner Date

63.9K 2K 800
                                    

Date published: 04/19/2016

A/N: If you guys don't like fast burn dramas/romance, then i don't recommend my stories.





SAMANTHA



HINDI ko in-expect na papayag si Georgina sa invitation ko. It was unplanned. It just popped into my mind and asked her. Mabuti na lang at hindi niya ni-reject.

I glance at my wristwatch and it's already 6:45. Kinda early though. Masyado kasi akong excited kaya napa-aga ang dating ko. Ang bilis ng pangyayari. I know it's kind of weird dahil kung tutuosin ay kailan lang kami nagkabati. Pero bahala na, paninindigan ko yung kabaklaan ko sa kanya.

Napa-angat ako ng tingin nang may napansin akong pamilyar na mga mukhang pumasok sa entrance ng LaCuisine restaurant. Hindi nga ako nagkamali, it was Trixie Villanova and Cara David. My two best friends. Ano naman kaya ang ginagawa ng dalawang 'to dito?

"Hey!" tawag ko sa kanila na agad namang lumingon sa kinaroroonan ko. Naglakad sila palapit sakin habang parehong nakangiti.

"Well looks who's here, anong ginawa mo rito at nag-iisa ka lang?" tanong ni Cara nang makarating sila sa mesang inuupuan ko.

"E ikaw? Himala yatang nakatakas ka sa manager mong may sayad sa utak?"

Pina-ikot ni Cara ang mga mata nito. "Oo nga e, badtrip ako 'don at isa pa kasalan ng babaeng to." sabay turo kay Trixie na ngumisi lang.

"But seriously why are you guys here? Hindi kayo mahilig sa mga fancy restaurants dahil palaging bar ang tambayan nyo."

Trixie leaned forward and whispered something in my ear. "I have a pretty date."

"Again?" pabiro ko itong itinulak palayo. "Napaka playgirl mo talaga noh? So, who's the lucky woman?" Yep, Trixie is into girls too.

"Si Ava." she answered.

"The half Russian actress?" I guessed.

"Yup. Avallaine Vyalisdav Isidro indeed. The one and only."

"2016 na crush ko pa rin yun? Diba straight 'yon?"

Trixie laughed before grinning widely. "Masyado kasi akong charming kaya nabinat ko."

"Nah, Trixie seduced her." pambabara ni Cara. "Alam mo namang matagal na nyang crush yun."

Napa-iling na lang ako. Ava Isidro is a famous actress too. Nasa iisang network lang kami pero hindi kami kailan man nagkaroon ng interaction.

"Ewan ko sayo, Trix. Umalis na nga kayong dalawa dito. Shu!"

"Luh bakit, may ka-date ka din ba? Himala yata?" tanong ni Cara.

"Anong tingin mo sakin?" tinaasan ko ito ng isang kilay.

"Seryoso?" dali-dali itong umupo sa tabi ko. "Sino naman? Kilala ko ba? Is it an actor? a model? a singer?" kung may chismosa man sa aming tatlo, si Cara 'yon.

"Secret." sagot ko lang.

"Sino nga."

"Ba't ko naman sasabihin sayo?"

"Asus sige na sabihin mo na." pangungulit pa nito.

"Secret nga."

"Ang arte mo naman!"

Natawa ako. "Fine, fine, fine eto na, sasabihin ko na."

"So sino nga?" tanong ulit nito.

"Kilala nyo siya. You both know her because she's--"

Loving the Enemy (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #1) | ɢxɢ ✔️Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz