Kabanata 49

4.1K 100 15
                                    


Kabanata 49

One


Alam kong kinumbinsi ko na ang sarili ko sa Greece palang ay may shoot ulit na naghihintay sa amin pagkabalik sa Pilipinas. Pero ngayong nasa Pilipinas na kami ni Maggie, gusto ko lang sana humiga lang sa kama. I wanted to stay, lay, and rest the whole day. Ngunit tawag ng tawag si Marco sa aking telepono. Si Maggie ay hindi dumiretso sa unit dahil pumunta siya sa unit ni Newt kaagad. Aniya susunod na lamang siya at ihahatid na lamang siya ni Newt sa Taguig.

The project we'd done in Greece was really, really—I don't know how—or what the exact word could describe it. Greece is freaking amazing. Sobrang nakakamiss kaagad ang mga pinuntahan namin kapag weekends. Weekdays were for work. I love weekends dahil nakapunta kaming Lindos, Satorini, Myrtos Beach, and Samaria Gorge. A month in Greece—Wow, I'll be back there, I promise. Walang trabahong katapat, ngunit bakasyon lamang.

"Dito ba kakain si Maggie mamaya?" ani Mommy nang buksan ang pinto ng kwarto.

"Hmm. I'm not sure," ani ko, tumayo na.

"Oh, okay. Mga anong oras ba kayo makakauwi?" tanong ni Mommy.

"Hmm...9?" I answered, unsure.

Tumingin ako ng damit sa cabinet upang makapagpalit na. I saw a romper. Ito na lang siguro. Any minute nasa labas na ang Land Cruiser ni Marco. Nakakahiyang paghintayin ko pa siya. My bag is all ready. Ako na lang ang hindi.

"9 pm? Tama ba ako ng narinig," kunot noong sabi ni Mommy.

Nag-umpisa akong magtanggal ng damit upang ipalit ang romper. "Hmm...not sure, Mommy. Hindi ko rin po alam kung anong oras ang tapos ng gagawin namin..." Nang matapos kong isuot ang romper, tumingin ako sa salamin.

"Parang kakauwi niyo lang, hindi ko man lang kayo, makasama ng matagal," malungkot na batid ni Mommy. Bigla akong napatigil sa pagtingin sa salamin. Lumapit ako kay Mommy at niyakap siya.

"Sorry, Mi. Masyado lang busy..." Kumalas ako ng kaunti at tinignan ang mukha niya. "We'll have a long rest days after this campaign. I promise. Those days are with you," I said, bit my lip, trying to hide a big grin, and continued saying, "Mostly."

My mother feigned her face dropped.

I laughed out loud.

"Kidding. Love you, Mommy."

"I love you, too," she said and gave me a motherly hug. Meaning, I big suffocating hug. But I love this so much and I wouldn't trade this hug from anything. Kumalas na ako ng yakap. I gave her the biggest grin she always likes. "Okay, ayokong mahuli ka sa trabaho." She patted my shoulder. "O siya!" she added.

Tumango ako at kinuha ang aking bag. Lumapit ako kay Mommy at hinalikan siya sa pisngi. "Alis na po 'ko," ani ko.

"Ingat ka. Pati na rin si ate mo."

I nodded. I winked at Mommy. Tumawa siya. Naglakad na 'ko palabas ng unit. Bumungad sa labas ang Land Cruiser ni Marco. I wonder if he's there, sa huling text niya sa akin, abala pa siya sa pag-usap sa ilang kliyente.

Bumukas ang pinto nito. I saw Freya and Clark, smiling. Si Clark bumaba ng sasakyan. Marco is not here.

"I saw your photographs and Maggie, you looked really amazing. You were a brunette! Goodness!" ani Freya, ligayang ligaya. "I wonder how many offers are there for you, hun."

Kinuha ni Clark ang bag na hawak ko. Tinabi kay Freya. I hopped inside the car. Bumalik naman si Clark sa driver seat.

"Ready to go and slay, Janella?" ani Clark.

Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon