Kabanata 11

4.8K 122 4
                                    

Kabanata 11

Matapos


Pinagmamasdan ko na lang 'yong ginagawa nila Vivienne at Gretel. Kalahating oras na akong may break dahil sa kagustuhan ni Conrad. Paano kasi hindi niya kasi nagugustuhan ang kuha ko? Maski 'yong shoot namin dalawa ni Newt hindi natuloy dahil sa mali raw ang ginagawa ko? Sinabi ko naman 'to kila Marco na baguhan lang ako sa ganito—no—hindi baguhan dahil hindi ko naman inaasahan na ang pagluwas ko ay ganito ang kahihitnatnan.

Napanguso ako habang tinitignan si Vivienne sa individual shot niya sa harap ng Intramuros. Habang ako nakasimangot. Ganon din naman 'yong ginagawa ko ngunit ayaw ni Conrad. Pero siguro mas may class 'yong sa kanila.

"You don't even know how to pose, woman!"

Hanggang ngayon, umaalingawngaw pa rin sa aking isipan 'yong sinabi ni Conrad. I know. I know. I don't know how to pose! Pero dinuldol niya sa akin 'yon. Obvious na nga sinabi pa. Mabuti na lang nandyan si Marco para mapakalma si Conrad sa akin. Alam kong napilitan din siya dahil alam ko ang sikreto niya. Pero kailangan ko ng pera. Tatanggapin ko na lang ang pag-aalipusta nitong si Conrad para sa pero. Pero gagamitin ko pa rin ang sikreto niya matuloy lang ako rito at matapos.

"Group shot na..." May tapik sa aking balikat.  Iniangat ko ang tingin ko at bumungad si Marco sa akin.

"Sasama na raw ako? Really?" Napatayo ako sa sobrang saya.

"Oo naman." Marco's smile widen. "I'm going to teach you how to pose, Janella. Napupuno na rin ako nitong si Cons. But I promise, I'll do my best for you. Pagkatapos kasi ng group shot na 'to tapos na ang shoot sabi ni Conrad."

Napayakap ako kay Marco. "Talaga? Tuturuan mo 'ko? Thank you! Thank you!"

"Yes, dear. You know what? The number one rule in modelling is just to be yourself," aniya. Ilang beses akong tumango kay Marco sa sinabi niya sa akin. Ilalagay ko sa aking puso 'tong sinabi niya at kailanman hindi ko aalisin para dito sa trabaho. "Passion, Janella. Make this thing as your passion. And eventually everything will just be natural."

"Thanks! Pagbubutihan ko lalo, Mar! Thanks!" I beamed at him.

"That's what an expert could say," He shrugged his shoulders. Lalo akong napangiti sa sinabi niya. "Sige na...punta ka na roon. Remember my advice, okay?" I nod.

Taas noo akong pumunta sa pwesto ng mga kasama kong models. Dalang-dala kung ano man ang dress na suot ko ngayon. Kailangan hanggang sa lakad ko dala ko ang pride ng Velez Team. Kailangan kong panindigan ang desisyong ito na ginawa ko para sa sarili ko. This time, this Janella is full of confidence. Kahit sino pang tao ang bumangga ay hindi niya papatulan—kahit si Conrad Velez pa ito. I'm gonna slay this shoot.

**

"Slay, princess, slay!" Ngising ngisi si Newt sa akin habang tinatanggal ang suot niyang pang-itaas. Binaling ko ang tingin ko sa iba.

"Thanks," ani ko ng hindi nakatingin.

Narinig ko ang yabag niya papunta sa akin. My back tenses. "I love your shot. Nakita ko kanina sa laptop ni Conrad. You really slay, Janella." I felt his hand on my shoulder. Doon ako napatingin kay Newt na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin ang pula niyang labi. Wala na siyang suot na pang-itaas kaya tumingin ako sa kanyang mukha.

"Salamat. Si Marco ang nagsabi sa akin na maging natural lang ako..."

"Right." He's beaming, still looking directly at my eyes. Na para mong may nakikita siya sa akin. Na parang may kinikilala siya. "You know, this industry is not about fame or money. This is about of passion, Janella." Inalis niya ang kanyang kamay sa aking balikat. "Galingan mo sa mga susunod. Mabait naman 'yang si boss Conrad." Newt laughs. "He's really a human, Janella. He's not a monster. May pinagdadaanan lang si boss."

Napatawa ako.

"Okay. Thanks ulit," ani ko.

Aaalis na sana si Newt nang may naalala siya. "O, wait, hindi mo na ba tatanggapin 'yong trabaho?"

Mabilis akong humindi. "Hindi na! Kuntento na 'ko rito. Pero salamat!"

Tumango si Newt, not really disappointed. "You know, passion," I added. Tumawa naman si Newt.

"Right. See you, tomorrow, gorgeous princess." Newt winked at me.

I beam. "See you din! Thank you!"

Pinagmasdan ko ang likod ni Newt hanggang sa lumabas siya ng tent. Ngayon, ako naman ang magbibihis dahil wala ng tao sa loob nito. Inumpisahan ko muna sa book ng hindi ko alam kung ilang pins ang nilagay nila sa buhok ko. Maingat kong inalis iyon ng hindi ako nasasaktan. Pagkatapos ay 'yong dress naman. Nagmamadali kong hinubad iyon at sinuot ang damit na pamalit ko. Hindi pa ako nakakahinga ng maayos sa pagpapalit ay siyang may pumasok na tao. Halos lumagay lahat ng dugo ko sa mukha ko sa nangyari.

Mabuti na lang nakapagpalit na 'ko.

"Janella!" Nagtatakbo si Marco sa aking pwesto. "Jam texted me!" Naaligaga ako sa sinabi niya kahit hindi ko pa alam kung ano ang nangyari.

"Bakit?"

Marco's brows furrowed.

"SI JAM!" He screamed.

"Anong nangyari?" Napahawak ako sa kanyang balikat at kumakabog ang aking dibdib sa sobrang kaba. Kinagat ni Marco ang kanyang labi at unti-unti itong ngumisi sa harapan ko. "Hindi raw siya makakauwi. And no one can accommodate you. She got a project on the province, Nella."

Bumagsak ang balikat ko sa sinabi ni Marco. Paano na 'to? Mag-isa na lang ako sa apartment ni ate Jam? Ganon? How can I live—No! No! Agad kong inalis sa isipan ko 'yong pananaw na 'yon. Dumating ako rito na buo ang aking loob na kaya kong mabuhay ng mag-isa. Kaya ko 'to kung mag-isa lang ako. Kakakayanin ko mahanap lang ang Mommy ko.

"So it means! Mas lalo tayong magkakaroon ng oras for my lesson about modelling!" Ngiting-ngiti niyang sabi. Kumunot naman ang noo ko. Time? E sa apartment ako. Ang ibig sabihin ba niya ay pupunta siya sa apartment para turuan ako? "Naiisip mo ba ang naiisip ko?" He added.

"Mar, parang ang liit ng apartment. At saka na—"

"No! No!" He interrupted me. Kunot na kunot na ang noo ko. "I offer Jam na sa bahay ka muna tumira hanggang sa matapos ang project niya. So it means nasa iisang bahay tayo simula ngayon. Mabuti na rin 'yon, di ba? We could have all the time practicing! Right?"

My eyes went wide. I don't know how to react. Ilang beses akong napalunok sa sinabi ni Marco sa akin. Unti-unti itong nginunguya ng isipan ko. Unti-unti hanggang sa matanggap ng isipan ko. Sa bahay nila Marco?

"That's a good news, right?" Marco is still beaming at me. He's really excited. Habang ako nangangamba na parang natatakot at hindi ko alam kung bakit.

**

"No!" Conrad hissed. Napangiwi kaagad ako. Hindi ko makuhang tumingin sa kanya. Lalo na titira ako sa bahay nila Conrad. Diyos ko. "Pumayag na nga akong tumira 'yan sa bahay pati pa ba naman paghatid sagutin ko? Marco that's too much." He said, really irritated. Napalunok ako.

"Oh my God, Cons, isasabay mo lang dyan sa motor mo ang dami mong arte. " Mula sa gilid ng mata ko, kitang-kita ko ang naghihimutok na reaksyon ni Marco. "Kung wala lang akong gagawin, ako na ang naghatid! God, Conrad. Basta ihahatid mo siya sa bahay. Aaalis na 'ko." Breathe in. Breathe out, Janella. "Janella, sige. Kita na lang sa bahay." Napatingin ako kay Marco. Hindi ko pa nakukuhang mag-react ay umalis na si Marco at sumakay ng kanyang kotse. Habang ako naiwan na nakatayo sa harap ni Conrad kasama ang Motor niyang Ducati.

Kung ayaw naman niya akong kasabay—"Come on. Ano pang hinihintay mo?" irita niyang sabi. Iniangat ko ang tingin sa kanya. Masungit at sobrang inis niya akong tinitignan.

"Kung ayaw mo naman—"

"Sakay na!" Hinagis niya ang helmet sa akin. Mabuti na lang nasalo ko ito. Aba!  Baka nakakalimutan na ni Conrad 'yong alam ko ang sikreto niya? Pero hindi naman sumasaklaw hanggang dito ang deal namin sa isa't isa. Kung may deal nga kami. "I don't know what's in you, Miss. But you're not even special to have this kind of treatment. She's still better than you." He shakes his head. "Sana matapos na 'to. Kaagad."





Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon