Kabanata 14

5K 113 3
                                    

Kabanata 14

I'm wrong


Kung ano man ang ayos ng pamilya nila Conrad sa hapag-kainan ay ganoon din sa amin. May mahaba silang mesa na gawa sa kahoy. Nabilang ko ang upuan nila noong ina-assist ako ni Nina sa uupuan which is katabi niya. Mayroong 12 chairs ito. Si Sir Douglas—Daddy ni Conrad ay nadatnan kong nakaupo na sa gitna katulad din sa Daddy ko. Sa kanan niya naman ay si Ms. Lea ang Mom ni Cyrus. Ms. Lea is the second wife of Mr. Douglas. Siguro nasa 28 or 30 ang edad nito? I'm not sure. She looked young to Mr. Douglas which I think his age is in 50s. Namatay ang unang asawa nito dahil sa atake sa puso. And I don't want to go further with the details. Katabi ni Ms. Lea si Cyrus na nilalaro ang kutsara at tinidor. Habang sa kaliwang mesa namay ay si Nina, ako, at si Conrad. Hindi ko nga binabaling ang tingin ko dito dahil ayokong bumalik na naman ang dalaw niya dahil sa akin. Panay tingin ko na lang kay Nina.

"Daddy! Ate Janella is a model like Ate Mags," masiglang batid ni Nina sa ama. Habang ako, napalunok nang ibaling ang tingin kay Mr. Douglas na binaba ang eyeglasses at newspaper. He gave me a small smile. Isinandal niya ang likod sa upuan habang ako napatuwid ng upo. I felt like a creepy person right now. Dahil sa ngiti kong ewan na takot, nahihiya, o kung ano pa man.

"So...what else do you do in your life, Miss Janella, right?" He asked me.

Tumango ako. And I was about to open my mouth but I heard someone hissed. I know, it's Conrad but I don't want to disrespect his father. Mabuting narinig ko rin iyon kung hindi baka masabi ko ang ginagawa ko sa San Mateo. What particular thing should I say? "Uhm...sa ngayon ito po ang pinagkaka-abalahan ko. Galing po kasi akong province." I stopped. And I am praying he will not question me anymore. Please. Please. Don't ask me a question.

Mr. Douglas just nod at me. And smile again. I am relieved. Bigla akong napasandal sa aking upuan.

"You look like Maggie in some angle, dear." Napabaling ako kay Ms. Lea na inaalis ang kutsara at tinidor na hawak ni Cyrus. "The dress looked good on you, too," she added and smiled at me. Ms. Lea has this simple and beautiful face. Hindi gaanong matangos ang ilong nito ngunit binagayan naman ng hugis ng kanyang mukha. Manipis ang kanyang labi ngunit ma-pink ito.

"Napansin ko rin po 'yong tita!" masiglang sabi ni Nina sabay hawak sa aking braso kaya napatingin ako sa kanya. "Minsan nga...pero hindi pa rin. But they are both beautiful, tita!" Nina said, letting her teeth appeared on our sight.

Papasalita na sana ako nang biglang may narinig na naman ako sa katabi. He whispered something like—no definitely—something like that ngunit hindi ko pa rin siya binibigyan ng tingin.

"O come on, let's just eat!" Conrad said, clapping his hands. Sinilip ko siya sa isang gilid ngunit biglang lumabas ang tatlong maid sa isang pinto na may dala na tray. Iyong isa nakatulak pa na may dalang pagkain. Doon na-focus ang aking atensyon at sa paglagay nila ng pagkain sa upuan. Ngayon ko lang napansin na maayos na maayos ang bawat pinggan, kutsara, tinidor, baso, at kung ano pa ang nasa mesa.

"Yehey! Eat!" I heard Cyrus giggled. Tumayo naman si Ms. Lea para lagyan ng pagkain ang plato ng anak. She offered the bowl to Sir Douglas. Sa gilid ko naman nakita ko si Nina na kumukuha ng vegetable salad.

"Vegetable for dinner..." she whispered to me.

At dito naman sa isang kabila ko ay si Conrad na sinasalin ng wine ang baso. Nasilip ko na hindi siya naglagay ng kahit ano sa kanyang plato.

"Janella...please. Make yourself comfortable," Ms. Lea said.

"Come on, honey...pinahanda talaga ni Lea 'yan sa'yo. Pagkatapos niyang malaman kay Marco na titira ka sa bahay. Eat whatever you want," Mr. Douglas simply said. Tumingin ako sa kanila. Una kay Dad nila sunod kay Ms. Lea. Tumango at ngumiti ako sa kanila.

Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon