Kabanata 12

4.9K 126 4
                                    

Kabanata 12

Bad


This is my first time to ride on a motorcycle. At pakiramdam ko nawawalan ako ng hangin sa bilis ng pagpapatakbo ni Conrad na para mong wala ng bukas. Na parang meeting kaming hinahabol. Na may naiwan kami. Pero lahat 'yon ay mali dahil pauwi lang kami sa bahay nila. Dahil may bukas pa. Wala naman kaming meeting. At lalong wala kaming naiwan. Ilang beses kong hinabol ang hininga ko.

Hawak ng isang kamay ko ang helmet dahil medyo malaki 'to sa aking ulo. Habang 'yong isang kamay ko nasa black leather jacket niya. I mean sa likod niya. Hindi tumatama sa kanyang katawan dahil baka mainis ito sa akin. Nakakatakot lang dahil baka mahulog ako sa ginagawa kong paghawak.

Nanlaki ang mata ko nang bigla bigla na lang kaming sumingit sa pagitan ng dalawang kotse. Tumingin ako sa driver ng kotse at kita ko ang hulma ng bibig nito na pinauulan kami ng mura. Napahawak ako ng mahigpit sa itim na jacket ni Conrad. Napasinghap ako nang tumingin ito saglit sa akin. Lalong bumilis ang pagmamaneho ni Conrad at hindi ko na napigilang sumigaw. Diyos ko po! Pinahahalagahan ko ang buhay ko pero itong si Conrad. Naku! Pinikit ko na lang ang mata ko hanggang sa hindi ko na lang naramdaman ang hangin sa akin.

Tumigil kami?

Binuksan ko muna ang isang mata ko kasunod 'yong isa. At tumigil nga kami sa isang gilid. Ang masama wala pa yata kami sa bahay nila.

"Miss, hindi ka ba sanay humawak?" iritado niyang sabi. Ngunit hindi siya lumilingon sa akin. His back is tensed. Kahit sa gilid, kita ko ang pag-igting ng kanyang panga. Ang mabagal niyang paghinga marahil sa pagpipigil ng inis.

"A...e..." Hindi ako makasagot.

"Ganito!" Bigla-bigla na lang hinablot ni Conrad ang kamay ko at nilagay sa bewang niya. "Ipulupot mo. Dahil baka sagutin ko pa ang buhay mo kapag nahulog ka. Where's your brain, woman?" He mocked.

Kalma, Janella.  Keep calm and have patience to Conrad Velez.

"Sorry. Akala ko kasi bawal kang hawakan," ani ko. This time, Conrad looked at me. His brows creased while looking at me. I gave him my sweetest smile. Calm, Janella. The secret recipe to survive is to keep calm. "Ito na hahawakan na kita. At least sa'yo na nanggagaling na pwede kang hawakan." Ewan ko kung bakit nanginginig ang kamay ko sa pagpulupot—ang braso ko sa bewang niya. Kahit ganon, kahit may permiso, hindi ko pa rin dinidikit sa tyan niya. Nakakatakot. Dahil alam ko ngayon, irita at inis na inis na siya. Hindi ko naman alam kung bakit ganito siya kainis sa akin.

"Hold on, woman," aniya.

"Janella," I say.

Bumaling muli ang tingin niya sa akin. Tumaas ang kilay niya. Ginaya ko siya. "May pangalan ako. Not woman, Janella."

"I don't prefer to call you by your name." Nanlaki ang mata ko.

I clear my throat.

"Really?" pagsusubok ko.

"Really. Dahil saglit ka lang naman dito. Susuko ka rin. Aalis. Don't worry about the contract," aniya ng walang kaemosyon-emosyon.

"Talaga lang?" Napalunok ako. Urgh. Ano ba 'tong pinasok ko. Akala ko ba, kalma lang Janella! Bakit nanunubok ka? "But let me tell you, I know your secret." Taas noo akong tumingin sa kanya. Lalo namang kumunot ang noo ni Conrad sa sinabi ko. Hindi ko man lang nakita na nasindak siya sa sinabi ko. Tinignan niya lang ako ng masama at ni isang salitang walang sinabi. Agad niyang pinaandar ang motor habang ako ay kapit-kapit sa kanya. Ramdam ko sa likod kahit hindi naman dumidikit ang mabagal niyang paghinga. Minsan tinitignan ko siya—sinisilip—poker face lang. Minsan, hindi ko naman sinasadya ng matama ang kamay ko ng sobra sa tyan niya at naradaman ko ang pagsinghap niya. Ganon din ako. Nilalayo ko naman agad.

Hindi ko alam kung humihinga ba ako sa buong byahe. Buong byahe akong tensyonado dahil sa sinabi ko. Nagi-guilty ako pero parang tama naman ang ginawa ko. Hindi ako susuko, Conrad. Nakaka-intimidate ka man hindi ako bibitaw. Alam ko man ang sikreto mo, gagamitin ko 'yon hanggang sa magkapera...hanggang sa maging tulay ito ng paghahanap ko sa Mommy ko.

**

Ilang beses ko ng tinatapik ang paa ko sa lupa habang hinihintay si Conrad na lumabas muli sa bakuran nila. Iniwan niya ako kasama ang motor niya sa labas—sa gate nila. Ewan ko kung babalikan niya pa ako dahil wala siyang pasabi at pumasok na lang. Patingin-tingin na lang ako at pasilip-silip. Mataas at kulay itim ang kanilang gate na gawa sa bakal. Malawak ang kanilang bakuran at kitang-kita ko pa ang maliit na fountain sa gitna nito. Mayroon ding garden sa isang gilid tapos nandoon din 'yong swimming pool. Ganito kalaki ang bahay namin sa San Mateo. Ganito. And I miss it. Biglang gumala ang pagkaulila ko sa bayan namin—sa bahay—sa mga tao. Kay Daddy. I know, he lied. Pero namimiss ko rin siya.

Ilang minuto na ba ang lumipas simula nang iwan ako ni Conrad. Nilalamok na ako rito sa labas. O baka pagsubok ulit ito ng pagtitimpi ko sa kanya? Pero sorry, unlimited ang patience ko sa kanya.

Dalawang salita: Hindi susuko.

Lumapit na ako sa may gate. Hinawakan ito at sumilip. Napatalon ako nang may paparating na tao—babae. Isa siguro sa mga katulong nila rito. "Ma'am Janella?" ani nito. May maikli itong itim na buhok. Naka-uniform nila. Medium-sized woman. Mukhang siya ang head maid dito.

"Ako po ang head maid dito. Lita po." Yumuko ito. Umangat ang tingin niya kung saan at biglang nagbukas ang mataas na gate. Napaatras ako. "Inutusan po ako ni sir Conrad na sunduin kayo," anito.

"A...salamat po. Pero 'yong motor po niya?" tanong ko.

"H'wag na po kayong mag-alala doon." Yumuko ito. "Tara na po." Ilang beses akong tumango rito. Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kanya. Ma'am Lita? Manang? Nanay Lita? Dahil kaedaran niya 'yong mga naninilbihan sa amin. Halos lahat nga doon mga nana yang tawag ko. Iilan lang 'yong bata doon.

Ngayon kitang kita ko ang maliit na fountain. Dirediretso kaming naglakad hanggang sa makarating sa tapat ng pinto. Iyong bahay ay may combination ng modern and tradition house. I mean—may parte na sa kahoy ang gawa ngunit sure na napakatibay nito dahil baka gawa sa narra. Nasa bahay din 'yong pagkamodern nito dahil may glass door sa isang gilid. Pero itong main door ay two door katulad nung sa amin. May hagdan pang mababa na gawa sa bato bago makapunta sa main door. Bumukas ito at nanlaki ang mata ko sa nakikita ko. Bumagsak ang panga ko sa ganda ng bahay—sa ayos—sa mga furniture—sa neatness nito. I blink many times. Magarbo ang ayos. Nandoon pa rin 'yong combination ng modern and traditional na ayos.

Ang ganda. Ang laki.

Iyong sala pa lang nakakalaglag na ng panga sa ganda ng ayos at kasimplehan. May malaking picture ding nakasabit sa isang pader. Limang tao ang nandoon. Si Conrad kaagad ang nakita ko dahil maski sa picture ang seryoso niya. Kasunod 'yong Mom at Dad niya siguro. Tapos may babae at lalaki—na maaring kapatid nito. Sa ibaba nito ay may nakasulat na Velez. Gumala pa ang mata ko sa ibang parte ng bahay ngunit naudlot nang may narinig akong boses. Napaangat ako ng ulo at nakita ko sa second floor si Conrad. Nakakatitig sa akin. May isang bata naman na pababa sa hagdan ay may hawak ng kung ano.

"Bad! Bad! Bad!" At pinagbabato ako ng chocolate cake nung batang lalaki nang hindi ko alam ang rason. Habang nakita ko ang pagsilip ng ngisi ni Conrad mula sa taas.





Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon