Kabanata 42

3.9K 85 2
                                    


Kabanata 42

Take it


Today is rest day.

Maghapon kaming magkasama ni Mommy sa unit. Si Maggie nama'y abala sa kanyang trabaho. Ngunit sinabi naman niyang sasama siya sa amin ni Mommy na mag-grocery sa mall dahil halos ubos na rin ang pagkain sa refrigerator.

Tinignan ko ang sarili ko salamin upang makita ang aking mukha. Naglagay lamang ako ng red lippie sa aking labi. Tinali ko ang buhok ko pagkatapos inayos ang blue and white stripe kong top na suot ko. I am wearing high-waist blue jeans and sandals.

Lumabas ako ng kwarto. Naabutan ko si Mommy na may binabasa sa isang maliit na papel. Maaring listahan ng bibilin namin ngayon. Inangat niya kaagad ang tingin sa akin nang ako'y mapansin.

"Ready?" she asked.

"Yup!" I said.

Tumayo si Mommy at binulsa ang papel. Napatawa ako nang kumapit sa braso ko si Mommy. I giggled. Lumabas kami ng unit at dumiretso sa elevator. May naghihintay na taxi sa amin sa labas. Si Maggie ang nagsabi sa akin. Aniya matatapos na rin ang shoot niya at pasunod na siya sa amin sa mall. Iyon ang huling text na natanggap ko sa kanya noon sa kwarto.

Unang pumasok si Mommy sa taxi, sumunod na lamang ako. Mabilis ang naging byahe namin papunta sa Trinoma. Saktong dating namin doon ay nakatanggap ako ng mensahe kay Maggie na malapit na siya sa mall. Mabilis akong nagtipa ng mensahe upang sabihin kung nasaan kami ni Mommy parte ng mall.

To Maggie:

We're at Tokyo-Tokyo.

Mabilis akong nakatanggap ng mensahe kay Maggie.

From Maggie:

Okay! Saw you na pati na rin si Mommy! :D

Sa mensaheng natanggap ko, kinalabit ako ni Mommy at tinuro si Maggie na mabilis ang paglakad papunta sa aming pwesto. Kumaway ako at kitang-kita ko ang ngiti niya. Maggie will always remind me of lovely things. She's attracting good things. She's really radiant.

"Halo!" aniya nang makarating sa amin. Kaagad niyang hinagkan si Mommy sumunod ako. "What's up? Where we gonna it?" she added, put her hands on her waist while smiling so wide. Her body screams how deadly sexy my sister is. The skinny blue jeans and black sleeve crop top looks really good on her. Isama pa ang boots.

"Let Mommy decides that thing," I said, smiling.

Parehas pa yata kaming tumingin kay Mommy ni Maggie. Mother laughed at us. "Ako pa?" aniya.

I looked at Maggie. Nakatingin na pala siya sa akin. We smiled at each other, thinking the same. We both nodded and said the word, "Yep!"

Umiling si Mommy sa amin, ngunit kasabay nito ang pagngiti niya. "Fine. Because you're my girls, ako na ang pipili ng kakainan natin. H'wag niyo kong sisihin kapag...uhmm," ani Mommy, at napatigil dahil tumawa. "Okay! Okay! Kahit saan!"

I'm glad she could smile and laugh without even thinking what happened to our family. Masaya akong unti-unti ng nawawala ang sakit. Sana tama ako ng panukala. Seeing your mother happy make you the happiest girl in the world. Seeing her in pain makes me feel the pain she's feeling. I don't want it.

Kinalabit ako ni Maggie. Kumindat siya sa akin. She clinged to my arms. We both thought same thing. I laughed. Mother said something that made me laugh again. This is what I'm hoping for since our feet landed in Manila. To start again. To begin new things...new life. To be happy again. To smile without pretending it. To...start.

Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon