Kabanata 30

4.7K 150 15
                                    

Kabanata 30

Aalis ka?


Hindi na ako tumanggi nang ayain pa ako nina Maggie at Newt na ihatid sa mansyon dahil wala pa si Marco at natitiyak akong gagabihin iyon. Now, I've had heard their reasons, Maggie and Newt, ay hindi na ako naiilang na matignan sila sa mata sa mata. Kaya ko na silang kausapin ng maayos at hindi sumasagi iyong nakita ko sa kanilang dalawa. Ngunit kahit ganoon...hindi ko maiwasang maisip si Conrad. I can't.

Hindi naging tahimik ang byahe dahil nawala na 'yong awkwardness sa aming tatlo. Newt being Newt. Ilang biro din ang pinaulan niya sa amin. Iyong iba napapangiwi na lang kami ni Maggie. Pero patuloy pa rin si Newt. Wala na kaming nagawa.

"Here we are!" anunsyo ni Newt nang huminto ang kanyang Colorado sa tapat ng gate. Mabilis siyang bumaba para buksan iyong pinto sa aking tabi. "What a gentleman should do," aniya. He winked at me.

"Salamat!" Tipid akong ngumiti sa kanya. Tumingin ako kay Maggie na nakadungaw sa bintana. "Salamat!" ani ko sa kanya. Si Newt nama'y sumakay muli sa kanyang Colorado. "Mag-ingat kayo!" Ngumiti ako ng malaki. I waved my hand after.

"Salamat din!" ani Maggie. "Thank you for your time," Her sweet voice made me smile even more.

"Una na kami! Ingat ka 'dyan!" biro ni Newt.

I chuckled. "Oo. Ingat!"

Narinig ko ang ingay ng engine hanggang sa pinaharurot na ni Newt ang kanyang sasakyan. Nanatili akong nakatingin sa kanilang dinaan hanggang sa mawala na iyong sasakyan sa aking paningin. Napagpasyahan kong buksan ang gate makalipas ang ilang minuto. I stayed to stare nowhere until I convinced myself to go inside. Pagkasara ko nito'y ay pagsulpot ni Conrad galing sa hardin. Seryoso siyang nakatingin sa akin hanggang alisin niya iyon at pumasok na sa loob ng mansyon. Sinubukan kong habulin siya ngunit nang makapasok at makaakyat ako sa second floor ay siyang pasok niya sa kanyang kwarto.

I guess, it's not time to talk about that matter.

I guess, there will be no time for that matter...also. I guess.

Napabuntong hininga ako. "Conrad..." I whispered his name. "I don't know anymore..." Napapikit ako sandali. I heaved a sigh after hanggang sa dumiretso na ako sa nakalaang kwarto para sa akin dito sa mansyon.

**

Nanlaki ang mata ko nang makita kong papalakad si Ate Jam papunta sa office ni Marco. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nang siya ang una kong makita nang buksan ni Marco ang pinto ng kanyang opisina. "ATE? ATE JAM?" Tumayo na ako mula sa couch at nagtatakbo na papunta sa kanya. Agad ko siyang niyakap ng sobrang higpit dahil sobra ko siya na-miss. Ilang linggo baa ng lumipas? Ilang linggo rin hindi ko siya nakausap? Pero nandito na siya? At yakap-yakap ko pa!

"Hindi mo naman ako na-miss, no?" Kinalas niya ang yakap ko at tumawa. Napansin ko ang paghaba ng maikli niyang buhok. Dahil hanggang leeg ngayo'y sumasayad na sa kanyang balikat. Pero iba pa rin iyong ganda ni Ate Jameica. "How's life without me? Natuto ka na?" aniya sabay tawa.

Tumango ako ng dalawang beses ngunit si Marco ang sumagot, "Syempre, ano pa bang ginagawa ko rito?" Marco kid. Parehas kaming napatawa ni Ate Jameica.

Naglakad na kami papasok sa opisina ni Marco. Niyakap ni Mar si Ate ng sobrang higpit. "How's the project?" tanong ni Marco.

"Ayos lang," Ate Jam winked at me. "You know what I mean." Marco giggled at Ate's statement. Umupo si Ate sa couch kaya napaupo rin ako sa tabi niya. Hindi mawala ang ngiti ko habang tinitignan si Ate.

Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon