Kabanata 17

4.6K 109 9
                                    


Kabanata 17

Your fault


"Who's up for the dessert? Alam kong hinihintay niyo 'yon? Right?" Ms. Lea said, changing the topic and making the air release the tension. "Right? Who's with me?"

"Me!" I saw Cyrus raised his little hand.

"Me, too." Ganoon din si Nina na ngiting-ngiting nakatingin kay Ms. Lea.

Then the parents, too.

I stay silent.

Tumayo si Ms. Lea para kunin ang cheesecake. But it didn't stop Conrad. "Maggie...come back," it was a whisper that anyone could hear. "Please..." He begged.

"I will, cous. I will but not now," ani Maggie. Tinignan niya ng maigi si Conrad na para bang may mensahe itong pinararating. "Hindi ngayon. May kontrata akong pinirmahan. Alam ko namang kayang-kaya ni Janell—"

"Dammit!" sigaw ni Conrad.

My heart jumped. Unti-unti kong tinignan si Conrad na nakatayo at nakalagay ang dalawang kamay na nakayukom sa mesa habang nakatingin kay Maggie. "Dammit!" Marahas niyang iniiling ang kanyang ulo hanggang sa tumalikod na ito sa amin.

"Conrad!" Napatingin ako kay Mr. Douglas na nagsalita ngunit hindi nito napalingon si Conrad at tuloy-tuloy lang ang paglakad hanggang sa nawala sa aming paningin. Siguro'y aalis iyon o kaya mananatili na lang sa kwarto niya.

What's wrong with him? I know his parents are good. Paanong naging ganito na lang siya? Masyado ba siyang lunod sa pag-ibig na mayroon siya? Maybe I don't really know...Kung ano talaga ang mayroon sa kanila? Sa nararamdaman ni Conrad? Wala siguro talaga akong alam...but Conrad made me think of this...all.

"Cheesecake! Cheesecake! Mommy!"

Napatingin ako sa masayang bati ni Cyrus kay Ms. Lea na paparating. Nagtatalon naman si Cyrus sa upuan na nagpakabog ng dibdib naming lahat mabuti na lang nakarating agad si Ms. Lea at nayakap si Cy gamit ang isang kamay na hindi niya gamit sa pagdala ng cheesecake. Halos lahat kami napabuntong-hininga sa nangyari. Binaba naman ni Ms. Lea ang hawak niya.

"Happy Birthday, Mommy..." bulong ni Cy habang nakabaon ang ulo kay Ms. Lea.

Napangiti ako ngunit bigla kong napansin si Maggie na nakatingin sa akin. Liningon ko siya ngunit iling at ngiti lang ang binigay niya sa 'kin. Nginitian ko na lang din siya.

"Happy Birthday, tita! Here's my gift po!" Nina said, giggling. Nilapag niya ang regalo sa mesa.

"Wait, tita! Kunin ko lang sa kotse 'yong regalo namin nina Mom at Dad!" masayang batid ni Maggie. Nagmamadali itong tumayo at naglakad para makalabas. Napatawa si Ms. Lea sa pagmamadali ni Maggie.

"To my beautiful wife..." ani Mr. Douglas. May nilapag ito sa mesa na maliit na box. Pasalit-salit ang tingin ni Ms. Lea sa box at kay Mr. Douglas habang yakap niya si Cyrus.

"Thank you," Ms. Lea breathed these two words. Isa-isa niya kaming tinignan. Una sina tito Benedict at tita Demi. Sumunod sa akin, kay Nina, kay Mr. Douglas, at kay Cyrus. Hinalikan niya sa huli si Cy. "Thank you for everything," she said. He kissed Cyrus, again. "Thank you, my baby." Unti-unti nang naluluha si Ms. Lea.

"Mommy! Don't cry! Aren't happy?" takang tanong ni Cyrus.

Ms. Lea laughed. "Of course, I'm happy. Very much happy with you all. Lalo na sa'yo!" Her eyes said those words, too.

I felt relieve to those words. At least Ms. Lea's happy...at least Conrad didn't ruin her day. That makes sense to everything.

At least...

Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon