"Heto po, Kuya. Sabi kasi sa akin ni Mama, share your blessings daw po." aniya.

Nung hindi ko kinuha yung binibigay niya ay nabigla ako ng hawakan niya ang isang kamay ko at inilapit sa kanya. Hindi naman ako nakahuma sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay nakuryente ako sa biglang paghawak niya sa kamay ko. Ipinatong niya yung isang chocolate bar sa ibabaw ng palad ko.

"Kainin niyo po 'yan, Kuya. Masarap po 'yan..." aniya at muling ngumiti sa akin.

I sighed. Ibinaling ko ang atensyon ko doon sa pagkaing binigay niya at napangiti. I looked at her, sinimulan na niyang kainin ang chocolate bar niya. Binuksan ko naman iyong sa akin at sinimulan na ring kainin.

"Ano nga palang name mo?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin.

"My name is Sai po..." sagot niya.

"Sai? Yan lang?" I asked.

Umiling naman siya sa akin at itunuon ang atensyon doon sa kinakain niya.

"Hindi po... di ko po kasi masabi yung buong pangalan ko po. Mahirap po, e."

Napangiti na lang ako at tumango. Okay, her name is Sai. I'll just remember her in that name. Maybe next time she can tell me her whole name. Pinagmasdan ko lang siya habang inuubos niya ang pagkain niya.

"Ikaw po, Kuya? Anong pangalan mo?" tanong niya sa akin. Tumingin ulit siya sa akin.

"Jared..." I smiled at her.

Ngumiti ulit siya sa akin habang pinagmamasdan ako. Parang gusto kong lagi niya na lang akong tignan. Parang gusto kong ako na lang ang lagi niyang makita, ako na lang ang makikita niya.

"Ja-red..." inulit niya ang pangalan ko. Lumakas ang tibok ng puso ko.

Beauty and the BeastWhere stories live. Discover now