May kulang tuloy sa buhay ko. Yung taong makakaintindi sa akin. Yung taong ituturing ako na normal na bata.

"Hello po!" she greeted me in her soft voice.

Ngayon ko lang napagtanto na nakatingin na siya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil nahuli niya akong nakatingin sa kanya. I avoided her gaze and walked closer to her.

"Hoy, bata..." that's my entrance to her.

Tumingin ako sa kanya. I was shocked when I saw her smiling at me. Her chubby cheekbones makes her looks so cute. Natigilan ako sa ngiti niyang iyon... I suddenly want to cry. Pakiramdam ko ay tinupad niya ang isa sa mga munting pangarap ko.

Her smile looks so happy. Her smile is for me. The innocent smile she flashed is for me.

"Bakit po, Kuya?" tanong niya ng makarating ako sa harapan niya. Napalabi siya.

Ang cute niya. I looked into her eyes and I swear I felt something warm on my heart. All my life, I feel so cold... I feel so lonely until she came.

"Bakit mag-isa ka lang? Paano kapag nawala ka? Kapag may kumuha sa'yo?"

Muli na naman siyang napalabi at napatingin doon sa maliit na pink niyang shoulder bag at pinaglaruan ito. Hindi ko alam kung naiintindihan niya ang sinabi ko. Ilang taon na kaya siya?

"Babalik naman po kaagad si Yaya..." mahinang sagot niya.

Umupo ako sa tabi niya at nakaramdam muli ako ng saya ng hindi siya lumayo sa akin. She smiled at me again then she opened her bag. Yumuko siya at may hinanap doon sa loob ng bag niya. Pinagmasdan ko lang siya at napangiti. Bakit kaya hindi siya lumayo o natakot man lang sa akin? She even smiled at me.

"Hindi niyo naman po ako kukunin di ba, Kuya?" aniya at may nilabas siyang dalawang chocolate bars mula doon sa bag niya. Inabot niya sa akin ang isa. Napatingin ako doon at hindi nasagot ang tanong niya.

Beauty and the BeastWhere stories live. Discover now