"Gusto ko ng ice cream..." malumbay kong sabi. "May bagong bubblegum flavor tas pwedeng lagyan ng mukha ni Bubbles... alam mo 'yun? Kaso, di ako sure kung makakabili ba ako ngayon ih..."

Marahan niyang hinila yung mapa papalapit sa kanya. "I already bought one. It's in the freezer."

Lumiwanag ang aking mga mata. "Oh. My. Greeks-"

"Shh." Sinenyasan niya akong wag mag-ingay.

Umabot sa Olympus ang ngiti ko habang tumatango-tango. Pinipigilan ko yung sarili ko na tumili.

Huwaaah! Laki talaga ng utang na loob ko dito kay Cal ih! Pa engot-engot lang 'to pero sobrang thoughtful!

"So... hehehe..." Sinusundot-sundot ko yung braso niya. "Para sa'kin talaga yun?"

Tinanguan niya ako.

"Totoo? Hehehe... Binili mo talaga para sa'kin?"

Tumango ulit siya.

"Nabalitaan mo yung tungkol sa bagong bubblegum flavor tapos naisip mo'ko 'no?"

Tinignan niya ako mula sa sulok ng kanyang mga mata. "Why wouldn't I?"

"Hala..." Suminghot ako. "C-Cal..." Nagsimula na akong maluha. Nakakatouch naman kasi ih!

"Art? Nakikinig ka ba sa'min?"

Napahinto ako nang tawagin ako ni Chase.

"Ay patay. Sorry..." Humarap ako sa kanila. "Makikinig pa lang po."

Pinagpatuloy nila ang kanilang usapan tungkol sa sinabi ni Sir Glen samantalang ako, nakatitig sa mapa na hawak-hawak ni Cal.

"Cal... borrow nga ako saglit..."

Inabot niya naman sa'kin ito.

Ibinuklat ko ito sa mesa at inayos ang pagkalatag nito. Binuksan ko ang aking palad kung saan unti-unting nagtitipon ang liwanag na may pagkabluish-white, saka ko ito itinapat sa ibabaw nung map.

Napangiti ako pagkatapos lumitaw ang itim na tinta sa papel.

Ultraviolet light. Naalala ko na capable pala yung balat ko na mag-emit ng UV light. Kaya siguro may lumabas na usok mula sa papel kasi heat-sensitive ito at nag-react sa liwanag na meron sa katawan ko.

Liwanag na matatagpuan sa araw.

Ibig sabihin, gawa sa heat-sensitive paper yung map... tapos yung hidden ink, sensitibo naman sa radiation.

Hindi ko alam kung paano ito nagawa ni Theosese pero woah! "Amazing with a zee..."

M... I... T... A... T... O... R...

Yun ang nakasulat.

"Guys! Guys! Ano yung mitator?" tanong ko sabay pakita sa kanila nung nadiskubre ko.

Nagulat ako nang biglang lumitaw si Trev sa tabi ko at hinawakan ang dulo ng map. Minasdan namin kung paano dumaloy ang kuryente mula sa kanyang kamay at kumalat patungo sa bawat sulok ng mapa.

"Woah." Napanganga ako pagkatapos makita ang salitang 'ELITE IMITATOR' na nakasulat sa invisible ink.

Binitawan ni Trev yung map at ibinalik ang kanyang kamay sa bulsa niya. "It says elite imitator." Pasimple siyang umupo sa nag-iisang silya sa kabilang dulo ng mesa. Bahagya niyang ipiniling ang kanyang ulo at binalikan kami ng titig, tila naghihintay na may magsalita na isa sa'min.

"Elite Imitator?" Nilingon kami ni Ria. "Doesn't that sound familiar?"

Hmm... oo nga, ano?

"That's because we've read that before. In Theo's book." dagdag ni Kara. "Elite Imitator is a machine Theosese created that can imitate energy and light abilities. But as far as I can remember, there's another one, the Seht Imitator... which is considered more dangerous than the Elite, since it's capable to imitate Godlike abilities."

"Ah..." So na-memorize niya talaga yung buong libro? Ako nga isang word lang ang naaalala ko... yung first word na 'The'.

"Where these machines are, remains a mystery." dugtong pa niya.

"Kaano-ano niya ba si Hephaestus?" halatang nangunguryuso na si Ria.

"Maybe Theosese is his descendant... or his son." ani Kara. "He's too brilliant to be an ordinary mortal."

Hephaestus, the God of Fire, Blacksmith, Weaponries. Siya ang tagagawa ng mga weapons ng deities. Kilala ang god sa mga inventions niya, at kagaya niya, kilala ring inventors ang descendants niya rito sa mortal realms.

"May anak pala si Hephaestus dito sa Pinas?!" Huwaaah! Ba't di ko naabutan?! Patay na siya ih! Kung maaga kong nalaman na may anak pala siya, eh di kanina pa ako sumugod sa bahay nila Prof para magpagawa ng talking Bubbles! Hmp!

"Continue helping Cesia with the celebration." Tumayo si Trev. "We'll discuss this later." Sinenyasan niya yung ibang boys na sumunod sa kanya.

Hinatid ko sila ng tingin.

'The moon is close. The darkness too.'

Tinignan ko ang aking palad na lumiliwanag.

Darkness...

Kinuyom ko ito.

Olympus Academy (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now